I-1

2.1K 37 0
                                    

Nilinis ko ang lapida na matagal ng hindi nalilinisan dahil sa tagal kong hindi nakapunta dito. Kinuha ko ang puting rosas at nilapag sa nakaukit niyang pangalan.


"Hyung Henderson" basa ko doon.


Napailing ako habang nakakalungkot isipin na sabi ko sa kaniya pag nagawa na yung dream house niya kahit sobrang laki pa yun lilinisin ko yun sa araw araw.


"Pangako ko yun sayo nong nabubuhay ka pa eh, pero tangina lapida mo yung nililinis ko ngayon Pa, Plano mo pa dati pag eighteen years old na ako ikaw yung unang lalaki magsasayaw saakin at magbibigay ng rosas, pero putangina ito ngayon bumaliktad yung tadhana, ako na ngayon yung nagbibigay sayo ng puting rosas at ang mas matindi pa walang buhay yung pinagbibigyan ko."


Habang sinisindihan ko yung kandila mas lalong nagbadya yung luha ko.


""Pangarap ko noon mabilhan ka ng malaking cake at gusto ko ako magsisindi non, kasi never kong naranasan yun, sa tuwing birthday mo lagi kang busy sa trabaho kaya nauuwi nalang sa simpleng pakain. Yung pangarap kong sindihan yung cake mo sa birthday mo iba na yung sinisindihan ko, ngayon puntod mo na" Mas lalong lumakas yung iyak ko ng dahil sa sinabi ko.


Matagal tagal na panahon na ding lumisan ang aking ama, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na iniwan niya kami. Hindi pa nga ako nakakahingi ng pasensiya sa mga nagawa ko sa kaniya,umalis na kaagad siya.


""Mahahanap ko rin ang gumawa sayo nito Pa""sabi ko habang hinaplos haplos ang kaniyang  frame picture.


Napahikbi ako lalo nang makita ko yung larawan naming buong pamilya sa aking cellphone. Ang saya saya namin dito na hindi ko pala alam na sa litratong ito dito na siya namin huling makakasama.

""Ang daya daya mo naman Pa ehh""Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kaniyang larawan.

Sa dinami daming pwede mawala bakit ikaw pa? Ikaw lang ang lalaking kilala kong mabait. Lahat ibibigay para sa amin, kahit wala na siyang matira sa sarili niya ayos lang basta nakikita niya kaming masaya.

Naka upo kaming pamilya sa madamong parke,nagtatawanan tsaka nag-aasaran.

""May joke ako""sabi ni papa habang kandong kandong ang kapatid ko.

""Alam ko na yan""sabi ni Mama sa kaniya natawa naman ako sa mukha ni Papa na nakakunot na nakatingin sa kaniya

""Ano""Hamon sa kaniya ni Papa.

""Joke,joke,joke""sabat naman ni Mama napangiwi naman si Papa sa sinabi niya.

""Wala ka pala ma ehh""Pang-aasar ko sa kaniya, lumapit naman siya sa akin at binatukan ako.

Ang hilig hilig talaga niyang mangbatok kahit unting mura mo lang sampal ka kaagad abot mo sa kaniya.

""Ito na yung joke ko""Sabi ni papa tumingin naman sa kaniya yung kapatid ko.

""May lima tayong pupuntahan""sabi niya at pinakita ang kaniyang limang daliri.

Ano pa bang aasahan ko dito. Alam ko ng corny kakalabasan nito.

""Korea, Paris, Singapore, Hongkong tsaka Japan tapos ako yung leader tapos gusto kong pumunta sa Japan ikaw saan gusto mong pumunta""Tanong ni Papa sa akin.

""Palis,Palis""Sigaw ng kapatid ko habang pumapalakpak.

""Korea""sabat ni Mama.

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now