XII-12

300 11 0
                                    

Maaga akong nagising para ipagluto si Brie. Inihanda ko na rin yung gamot niya at tubig sa side table niya dahil alam ko na ang kakalabasan niya kundi sakit ng ulo. Inilagay ko na rin yung umagahan niya doon.



Pagkatapos kong ihanda ang lahat nangi-alam na ako sa gamit ni Brie kumuha ako ng pang-jogging. Medyo matagal na din akong hindi nagjojoging kaya tinutubuan na din ako ng fats.



Pagkalabas ko ng bahay ni Brie napataas yung kilay ko sa nakita ko sa labas ng Gate""Ano yun?""Mataray kong sabi.



""Andiyan ba si Brie?""Mahinhin niyang tanong.


Napasandal ako sa gate at napacross arm""Sino ka ba?""Mataray kong tanong.


""Ah ako nga pala yung pinsan niya,diyan lang nakatira""Tinuro niya yung katabing bahay.


Ito na ata yung tinutukoy ni Brie na pinsan niya kung titingnan parang mabait naman pero may tinatagong ugali rin pala.


""Ahh ikaw yung pinsan niyang mapanghusga""diretso kong sabi narinig ko namang napamura siya sa sinabi ko kaya napayuko siya sa hiya.


""Tinanong ko ba kung saan ka nakatira?""Mataray kong sabi


""Ibibigay ko lang sana to""sabi niya at pinakita ang calderetang dala.


""Ayy baka may lason yan ha""


""Ano ka ba hindi naman ako ganon""tatawa tawa niyang sabi.



""Ayy hindi ba, kasi mas sobra ka pa sa doon?""pangbabara ko ulit.


Halatang halata sa mukha niya na pilit niya nalang akong pinapakisamahan ng mabuti parang puputok na siya sa galit.


""Pasok ka""ikli kong sabi kaya pumasok naman siya sa gate.



""Sabi ko bang sa gate""mataray kong sabi kaya agad agad naman siya lumabas. Natawa naman ako ng malakas sa ikinilos niya.



""Pasok na baka sabihin mong masama ako, mabait naman ako kahit papaano""sabi ko sa kaniya at nauna ng pumasok.


Imbes na magjojoging ako hindi na natuloy dahil sa babaeng ito. Bukas nalang siguro.



""Hi Brie""masiglang bati ng pinsan ni Brie sa kaniya nakita ko naman ang pag-irap ni Brie pero pinalitan niya yun ng isang magandang ngiti.


Hinayaan ko munang magplastikan yung dalawa sa sala, kumuha ako ng cake sa ref at juice.



""Kain ka muna""Bigay ko sa pinsan niya na madali naman nitong kinuha.


""Ako nagbake niyan""mayabang nasabi ni Brie kaya napangiwi naman ako.


Susubo na sana siya ng sinabihan ko siya ng""Uyy may lason yan""Natakot naman yung mukha niya kaya natawa ako ng malakas, siniko naman ako ni Brie.


""Charot lang""Nagpeace sign pa ako sa kaniya.

""Palabiro lang yang kaibigan ko""nakangiting sabi ni Brie pero alam kong pilit lang yun.


""Napasadya ka ata""si Brie.


""Ibibigay ko lang sana sayo to""sabi ng pinsan niya at bingay ang tupperware na may laman na caldereta.


""Baka balak mo kaming lasonin niyan sa dala mo""bigla kong sabat hinampas naman ako ni Brie.


""Gago ka!! yung bunganga mo""Natatawang bulong sa akin ni Brie.


Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now