XIII-13

293 8 0
                                    

Sa sobrang saya ko halos lahat ata ng taong madadaanan ko pinapansin ko kahit hindi ko man sila kilala.



""Hi Kuya""Masaya kong bati sa guard ng Condo Unit.



Sa ilang taong paghahanap sa wakas makikita ko na kung sino yung gagawa noon kay Papa, Pagbabayaran niya talaga yung mga ginawa niya. Hindi ko hahayaang mabubuhay pa yung gumawa non.



Nagmadali na akong pumasok sa Unit ko sobrang sabik na sabik na talaga akong mapanood yung file non.



Pagkapasok ko bumungad sa akin sina Viel tsaka si Hales na umiinom ng Beer.



""Kamusta?""Bungad sa akin ni Hales kaya agad kong kinuha ang kulay blue na USB at masayang pinakita yun sa kaniya kaya tinapik niya yung balikat ko.


Agad kong nilabas ang Laptop sa bag ko. Binigay ko yun kay Hales para mahack niya at mabuksan niya ito, baka kasi may file rin yun na may kinalaman kay Papa.


""Basic""aniya at binigay na saakin ang naka unlock na Laptop.



Sobrang galing niya talaga sa mga bagay na kinalaman sa gadjet para sa kaniya sobrang dali lang pero saakin halos inaabutan ako ng ilang linggo hindi ko parin nakukuha.



Seryoso kong tiningnan ang bawat files sa Laptop yung tatlo naman nasa likod ko seryoso ring nakatingin sa ginawa ko.



""What the heck""Mura ni Brie ng mabuksan ko ang isang file na sex video ang laman non.



Isa isa kong hinalungkat ang file sa Laptop pero kahit isang video wala talagang importanteng laman.



""Adik ata yung may ari niyan noh""Kumento ni Viel dahil sa napanood niyang mga video na nabubuksan ko



""Sobra""sagot ko naman sa kaniya.



""Pagnakita nyo lang talaga may pa sex live pa""Masayang Kwento ni Brie kaya tiningnan ko siya ng masama.



""Tssskk""si Hales.


Kinuha ko yung USB parang naghalo halo yung nararamdaman ko. May saya, may takot pero lumalamang yung galit baka sa makikita ko doon.



Bago ko panoorin ang laman ng USB isa isa ko silang tiningnan, parang natatakot ako sa malalaman ko mamaya pagnikta ko yun




""Kaya mo yan""Pagpapalakas ng loob ni Hales sa akin kaya ginantihan ko siya ng isang pilit na ngiti.



Napapikit muna ako at napabuntong hinga. Naramdaman ko naman ang haplos ni Brie sa likod ko at tapik ni Viel.



Agad kong pinindot ang enter para malaman na pero laking galit ko ng makitang nasira yung system ng Laptop. Halos hindi na ito mabuksan kahit anong pilit kong paganahin, ayaw talaga. Kahit tanggalin ko yung USB at ibalik ganon padin ang nangyayari wala kang makikita kundi puro itim lang.


""Fuck!!!""Rinig kong sabi ni Viel



""Virus""Si Hales.


Biglang may nagring yung cellphone ko at bumungad yung Unknown Calling.


""Hello""Galit kong sagot, Narinig ko naman ang halakhak ng lalaki sa kabilang linya.


""Hinding hindi mo to makukuha""Bigla niyang pinatay ang linya.

Boses yun ng lalaking may katalik na babae, simula palang alam niya ng padating kami. At nakita din ata kaming dalawa ni Brie.



Tinapon ko ang USB at Laptop halos hindi ko na alam ang gagawin ko parang nagdidilim yung paningin ko sa galit.



Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon