XIX-19

275 8 0
                                    

Masaya akong nakilala ko na yung totoo kung nanay at isa pa yung kaibigan ko ay isang kapatid ko rin pala.Sobrang saya ko na malaman yun na meron na akong masayang pamilya yung hindi ako huhusgahan sa bawat kilos ko.

Ng medyo maggabi na tinulungan ko si Mama na maghanda dahil doon daw kami magdidinner sa likod ng bahay may ilog doon.

Kaming dalawa ni Mama yung bahala sa may pagkain tapos yung apat naman doon nagse-set up ng mga lights sa ilog.

""Ikaw talaga yung nagmana sa akin sa larangan ng pagluluto""sabi ni Mama ng matikman yung luto kong caldereta.

Napatawa ako""Baka nga""

""Si Nikki kasi dati nagluto siya para sa akin ayon diretso ako sa CR""Natatawang kwento ni Mama.

Napakunot naman ako sa kwento ni Mama,nakatikim naman ako ng luto ni Nikki pero ayos naman""Masarap naman yung luto ni Nikki ha""

""Baka nagimprove yung cooking skill non,halos di na yun umuuwi sa bahay.Lagi nalang siya sa condo niya""kwento nito.

""Halata nga Ma kasi nong magkaibigan pa kami di ko nakikitang umuwi non tsaka ewan ko ba bakit di ka niya agad pinakilala sa akin.Sana matagal na kitang nakilala""malungkot kong sabi.

Binitawan ni Mama yung hawak niyang sandok at hinaplos yung buhok ko""Pasensiya na Nak""sambit nito at bumalik na ulit sa pagluluto niya.

""Ayos lang Ma,Ang importante ngayon magkasama tayo""

""Pakitingin muna si Leigh sa kanila""utos ni Mama kaya pumunta ako sa kanila.

Habang naglalakad ako papunta sa ilog napapayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin tapos kitang kita mo pa yung pagsayaw ng puno.

""Nilalamig ka ata""

Napatalon ako sa gulat ng may sumulpot""Ang lamig kasi ng simoy ng hangin""

Hinubad niya yung ledder jacket na suot niya kaya nanlaki yung mata ko sobrang ganda ng katawan niya kahit nakadamit siya halatang halata yung laki ng muscle niya.

Nahiya akonsa ginawa niya,ipinatong niya ito sa balikat ko""Nakakahiya naman""sambit ko dito at binalik sa kaniya pero binalik niya ulit ito sa akin.

""Dark""saway ko sa kaniya pero di niya nalang ako pinansin.

""Ang ganda pala ng pangalan ko pag ikaw yung bumabanggit,biglang lumiliwanag.""bulong nito kaya medyo di ko naliwanagan kung ano sinabi niya.

Ng makarating kami nakita ko sila Leigh,Nikki tsaka yung dalawa na naghahabulan.

""Bakit ka nga pala nandon kanina""tanong ko sa kaniya.

""May kinuha lang""tumango lang ako sa kaniya.

""Sali naman ako diyan ohh""sigaw ko sa kanila ng makitang kinukulit nila si Leigh.Tumakbo ako palapit sa kanila iniwan ko na si Dark ang akward niya kasama.

Ang ganda ng lightnings sa Ilog tapos sumama pa yung sinet-up nilang table na isang pamilya sobrang ganda ng ilaw parang pang romantic date.Malawak yung space kaya medyo malayo pa unti yung ilog.

""Wala na may nakisali na""si Viel kaya binatukan ko siya""Close tayo""Maarte nitong sabi pero alam kong biro niya lang yun.

""Tangina nitong si Viel ang bakla""Pang-aasar ni Hales sa kaniya.

""Yan nag-aasaran na naman kayo""Si Mama na may dalang tupperware.

Inaya ko naman si Nikki na kunin namin yung iba buti nalang pumyag siya.

""Ewan ko ba kung isang bahay pa to""sambit ko sa kaniya at inikot yung mata.

Ngumisi siya""Masanay ka na""

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now