XXIII-23

293 10 0
                                    

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko silang masayang kumakain.Nagulat naman sila sa presensiya ko.

""Kain""Pinagsandok pa ako ni Mama ng kanin kaya wala akong nagawa kundi kainin iyon.

""Si Hales""Agad namang tanong ni Brie.

Bago ko sagutin yun tiningnan ko ng masinsinan si Viel,umiwas naman ito sa tingin ko.Napapansin kong iba yung galaw niya kaya napailing lang ako at napangisi.

""Hindi ko alam""Walang emosyon na sabi ko.

Habang kumakain ako panay yung lingon ko kay Viel hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin kaya naghihinala na ako sa kaniya,Sa tuwing nagtatama yung tingin namin ngumingisi lang ako sa kaniya.

""Dito ako matutulog ma ha""Sabi ko sa kaniya.

Minadali ko ang pagtapos ng pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain umakyat ako sa taas,panay ang lingon ko baka may sumunod sa akin.

Pumasok ako sa isang guest room.Pagkapasok ko ang dilim.Hinay hinay kong sinarado ang pintuan at binuksan ilaw.

Una kong hinalungkat ang side table na may drawer inisa isa ko ang gamit baka nandon yung hinahanap ko pero wala.Inisa isa ko rin ang bawat pantalon baka nandon lang sa bulsa.Tiningnan ko ang bawat lalagyan na pwedeng paglagyan.Sa dinami dami kong hinanap kahit isa wala talaga akong mahanap.

Napapagod na akong maghalungkat pero ayoko parin tumigil.

Huling tiningnan ko ang ilalim ng kama at may nakita ako doon isang kulay pulang box binuksan ko yun at bumungad sa akin ang isang telang itim,hinalungkat ko ang likod non at laking tuwa ko ng makita ang isang pamilyar na cellphone

""Yes""Masaya kong sambit.

Bubuksan ko na sana pero nagulat ako ng biglang may dumampot noon sa kamay ko..

Nakipag-agawan naman ako sa kaniya pero hindi ko maagaw ginawa ko na lahat nagawa ko na rin siyang atakihin sa bawat suntok ko baka mapatumba ko siya at maagaw yung cellphone pero hindi ko magawa.

""Viel naman""Pagmamakaawa ko sa kaniya.

""Mapapahamak ka lang dito""Sobrang higpit ng hawak niya sa cellphone na yun na parang alam niya na ang laman noon.

Hindi ko man gawain ito at ito yung una beses kong nagmakaawa.Lumuhod ako sa harapan niya at tumulo yung luha kahit labag sa loob kong gawin yun.Ginawa ko dahil kailangan.

""Maawa ka Viel""Nangiyak ngiyak kong sabi.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lamig ng tingin niya sa akin na parang walang awa.

""Wag mong susubukan na kunin ito""Turo niya sa hawak niyang cellphone.

Kumapit ako sa paa niya""Viel,Sige na please""Pagmamakaawa ko sa harapan niya.

Patuloy parin ako sa magmakaawa kahit parang tanga man ako sa paningin niya hindi ako titigil sa pagmamakaawa sa kaniya..

Nakita kong nagtagis yung bagang niya""Tumayo ka diyan""Diin niyang sabi.

Hindi ako tumigil nakaluhod parin akong nakatingin sa kaniya""Alam kong importante yan kaya ipaalam mo na sa akin""Tumulo ulit yung luha ko.

""Ayaw kong mapahamak ka Niks""

""Sa dinami dami kong ginawa sa buhay ko ngayon ka pa nag-aalalang mapapahamak ako?""

""Ito na yung ikapapahamak mo kaya dapat huwag mo itong malaman""

Tiningnan ko siya ng masinsinan""Kung ikaw yung sa pwesto ko dito tapos nagmamakaawa ka tapos gaganyanin kita anong mararamdaman mo,Wala kang puso""Galit kong sigaw sa kaniya.

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now