XIV-14

287 6 0
                                    

Bali dalawang POV to si Brie tsaka si Nikki....Sana maintindihan niyo🙂
______________________________________


Pagkalipas ng ilang araw na pagpapahilum ng sugat ko sa Turkey agad rin naman akong bumalik sa pilipinas na parang walang may nangyari. Pinaderma ko na din yung peklat na naiwan sa mukha ko kaya mukha ayos naman na.



Mga ilang araw na nasa Turkey ako panay tawag ni Hales sa akin na nagtatanong si Brie daw kung nasaan ako pero sabi ko hayaan niya nalang ito.



Dumiretso ako sa Condo ko pagkalagay ko ng code pasipa ko itong binuksan.


""What the fuck Niks""Gulat na sabi ni Hales na tumingin sa akin.


""So wala kayong balak na umalis dito""Nakataas kilay kong tanong ng makitang naglalaro ng chess yung dalawa.



""Asan ka naman kasi nagsusuot""Seryosong nakatingin si Viel.


""Andiyan lang""Ikli kong sagot na.


""Para kang kabute, Mawawala tsaka babalik""Si Hales.


""Where's Ma Bestfriend""tanong ko sa kanila.


Dumiretso ako sa Ref para uminom ng tubig. Nainis akong tumingin sa laman ng Ref na parang bagong bili na walang kalaman laman. Wala man lang makain amp. Pagod na ako wala pang makain.



""Sa bahay nila""Simpleng sagot ni Viel.



""Mga gago kayo""sabi ko at tinapon yung malaking tumbler na walang tubig.



""Ako na yung bahala diyan""Sabi ni Hales.


""Dapat lang""


Umupo ako sa sofa at nanonood sa kanila mamaya na muna ako pupunta kay Brie medyo napagod ako sa byahe.



Habang nanonood ako kinukulit ko yung dalawa na turuan ako sa paglalaro ng chess pero ayaw nila kaya wala akong ginawa sa kanila kundi manggulo ng laro kaya ng makitang Inis na inis na sila tumakbo ako.....



                      ~~~~~◇◇◇~~~~~

MGA ilang araw ring nawala si Nikki na hindi ko alam kung saan naman siya nagpunta. Nitong mga nakaraang araw parang walang magandang nangyari sa buhay ko. Puro andito lang ako sa bahay kahit gumawala hindi ko nagawa. Kain, tulog yung ginagawa ko nitong mga nakaraang araw kaya medyo tinubuan ako ng bilbil.



Andito na naman ako sa bahay na walang sawang nakikinig sa mga panghuhusga nilang pinagsasabi. Ewan ko ba kung bakit nila yun ginagawa hindi naman nila ikakayaman yung pagbabantay sa mga kilos ko.



Andito ako ngayon sa kwarto ko nanonood nga mga Movies. Mga ilang movies rin yung napapanood ko kung magsasawa ako sa ginagawa ko nagbabasa naman ako ng libro minsan naiisipan ko ring mag sketch ng mga damit at gown



Habang nanood ako ng Movie narinig ko namang bumukas yung pintuan ko kaya agad agad akong lumabas sa kwarto ko



""Hey Bitch""Masayang bati ni Nikki.


Bumalik naman siya na parang kabute kong lumusot tapos kung mawawala siya hindi siya nag-iisip na may tao rin siyang iniwan at nag-aalala sa kaniya.



""Zup""Ikli kong sagot at bumaba sa hagdanan.


""Saan ka naman galing?""Kunot noo kung tanong.


Masaya naman siyang tumingin sa akin na parang wala lang may nangyaring pag-iwan sa akin""Diyan diyan lang, may inasikaso sa kompanya""Sagot niya.



Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora