V-5

459 14 0
                                    

Pagkatapos nilang umalis dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo.



Pagkatapos kong maligo kumuha ako ng note at nilagay sa pintuan ng kwarto kung saan siya nakatulog.


Balak ko kasing pumunta muna kay Mama kasi medyo matagal na din yung huling kita namin.

Bago ako tuluyang makapasok sa Villiage namin huminto muna ako sa Mcdo at umorder.


""Ano yun Ms.""nakangiting tanong ng cashier tsaka mahinahon yung boses kaya gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya.



""10 large fries, 10 burger cheese, 10 spag.,10 Mc float, 10 sundae, 2 bucket of chiken with more gravy, 10 burger steak,and last 10 mango pie""Sabi ko dito nanlaki ang mata niya sa inorder ko na ang unti lang naman non.


""3569 Maam""


Kinuha ko ang 5000 sa wallet ko at binigay ko sa kaniya.


Ang ganda ng cashier bagay sa kaniya yung medyo kulot na buhok tapos kulay Ash gray pa ito. Ang ganda ng pagkakangiti niya dahil sa dalawang dimple niya hindi naman siya kaputian pero bagay yung kulay ng balat niya sa kaniya.PUTEK NA TOTOMBOY AKO PRE...


""Wait lang po mga ilang minuto""Sabi niya kaya hinila ko ang isang upuan at nilagay ito sa harap ng counter at inupuan.



Nakapalumbaba kong tiningnan ang babae habang pumipindot sa anuhan ng pera.

""Miss hindi lang ikaw yung costumer"" Inis na sabi ng mga nakapila sa akin.


Nilingon ko sila ng masamang tingin""Hindi din nagiisa yung pilahan at cashier""Sagot ko kaya nagsilipatan sila.

""Ayy Maam nakakailang po""Sambit niya at hinampas yung balikat ko at natawa ng kaunti pero hindi ako nagpatinag nakatitig parin ako sa kaniya.


""May boyfriend ka?""Tanong ko sa kaniya.


Hindi ko naman talaga siya type nagagandahan lang ako sa kaniya.Nakakaboring kasing maghintay kaya paglalaruan ko muna siya ng ilang minuto.



""W-wala po""Nagpacute pa siya habang sinasabi yun.


Abisyosa naman porque tinititigan ko akala niya type ko na siya sunod sunod naman ang pagpapacute niya sa akin.


""Bakit po manliligaw ka?""Pabebe niyang sabi at nag flip hair pa siya.

""Ayaw ko sayo. Hindi tayo pwede, ano yung makikiskisan lang tayo?""


""Ito na po Ms.""binigay ng isang lalaki sa akin lahat ng order tsaka binigay din ng babae yung sukli ko.


""Sa uulitin""rinig kong sigaw niya napairap nalang ako.


""Dito nalang""turo ko sa lalaking tumulong sa dinala ko.


Nanlaki naman ang mata niya ng makita ang sasakyan ko namangha ata siya dito.


Binuksan ko ang passenger seat at inilagay doon ang kaunting dala ko""Dito nalang""turo ko sa passenger seat at nilagay niya naman.


Sumakay na ako sa sasakyan ko pero hindi parin umaalis yung lalaki nakakatitig parin siya rito kaya yung ginawa ko may pinindot ako at nagconvert ito mas lumala yung reaction niya ng makita niya ito natawa naman ako ng kaunti at binalik nalang ulit ang pagkakaconvert dahil mainit.

Yabang ko talaga. May pinagyayabang din naman.


Mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan ko at mga ilang minuto nakarating narin ako sa bahay. Kinuha ko na lahat ng dala ko kahit mahirap.


Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now