VI-6

417 10 0
                                    

Pagiwang giwang akong pumasok sa Unit ko at napaupo sa sofa. Tiningnan ko ang oras,Madaling araw na pala.


Sobrang galit ko talaga kay Alexa hindi ko alam na ganon na yung magagawa ko. Paano kasi ang dami niyang sisiraing gamit ko si Blazin pa talaga na ilang taon ko yun inalagaan. Mas inalaagaan ko pa yun kesa sa sarili ko.


""Heyy""


Hindi ko tiningnan si Viel naramdaman ko lang na umupo siya sa tabi ko at may inilapag siya sa center table na Pizza.


Agad naman akong kumuha ng isa at lumamon.


""Saan ka ba galing?""


""Sa tabi tabi lang""simple kong sagot.


""Magpahinga ka na may gagawin pa tayo bukas""sambit niya at nauna ng umakyat sa taas at nakita ko siyang dumiretso sa Guest room.


Sana nga makapagpahinga naman ako. Lagi nalang akong pagod hindi lang si Physical pati na din si emotion. Nakakapagod din maging malungkot. Nakakapagod na lagi ka nalang niyang dinadawala halos araw-araw. Nakakapagod ng umiyak na parang ang hina hina ko.


Babalik na naman ako sa dating gawain ko pero hindi ko yung pagsisihan basta para lang sa Ama ko.


Sinarado ko na ang Box ng Pizza at Umakyat na sa taas. Sumalapak agad ako sa kama ko at niyakap ang malaki kong unan at sinimulan ng matulog kailangan ko ng lakas bukas.

                            °°°°°◇◇◇°°°°°

""Brie,Nakita mo na yung totoong ako. Kung iiwan mo rin ako sa huli. Pwedeng ngayon na?""

""No,I'm staying No matter who you are""

Sabi nila pag totoong kaibigan mo yung tao. Mananatili ka kahit malaman mo man kung gaano siya kasama sa Huli.


Kahit ano man ang malaman ko kay Nikki. Handa akong pakinggan yun at mananatiling na sa tabi niya.


Oo, siguro magugulat at magagalit ako balang araw kung may malaman ako sa kaniya pero dadaan lang yun. Hindi yung mananatili, hindi ki maimagine buhay ko na mawawala siya. Gago lang yun pero alam kung may mabuting hangarin din siya.


Pagkapasok ulit ni Nikki sa Bighit Bar pinasok ko si Natalya sa sasakyan ko at dinala ko si Alexa sa Hospital grabe yung natamo niyang sugat halos maubusan na siya ng dugo sabi ng doctor buti nalang daw naagapan kaagad siya.



Hindi ko akalaing magagawa yun ni Nikki grabe yung galit sa mukha niya nong makitang sira sira na ang kotse niya hindi naman siya ganoon pero laking gulat ko na kaya niyang gawin yun sa kaibigan namin.

Kahit siguro kung aking sasakyan gaganunin magagalit lang ako ng sobra, pero hindi ko yun magagawa sa kaibigan ko.


""Kamusta na pakiramdam mo Lex""Tanong ko kay Alexa na kakagising lang at halata sa mukha niya na nahihirapan na siya sa sakit.


""Ito masakit parin yung katawan""Aniya na may bahid ang sakit sa mukha.


Tumayo kaagad ako ng makitang uupo siya kaya tinulungan ko siyang umupo galing sa pagkakahiga.

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now