XVIII-18

272 11 0
                                    

Pagmulat ng mata ko nakita ko ang isang malinis na kwarto,nakakapanibagong makita.Naramdaman ko rin ang hapdi ng paa ko at braso ,Kahit masakit pinilit ko pa ring umupo.

""Anak""rinig kong pag-aalala ni Mama tsaka inalalayan niya ako sa pag-upo.

Habang pinapaupo ako ni Mama nakita ko naman sila Dark na naka-upo sa sofa at nakatingin sa akin na may pag-aalala kaya nginitian ko silang tatlo at nag-thumbs up sa kanila ginantihan din nila ako ng isang malapad na kita.

""Kamusta yung pakiramdam mo Nak?""

""Ayos naman po""simple kong sabi.

Napatingin ako sa bumukas na pinto at bumungad doon si Brie na may dalang prutas.Tiningnan ko lang siya ng malamig na tingin.

""Ma ito na yung pinapabili mo""sambit niya at binigay kay Mama yung mga prutas.

Hindi na ako nagulat sa tinawag niya kay Mama pero napaisip ako kung kelan niya to nalaman.

""Lagay mo nalang diyan""turo ni Mama sa side table.

Napahawak ako sa braso ko na kumirot ng sobra pero kaya ko pa namang tiisin.

""Pinaggagawa mo kasi Niks""Pag-aalala ni Mama.

""So alam mo na kung bakit to nangyari sa akin""seryoso kong sabi habang tumingin sa kawalan.

""Hindi mo naman kasi kailangan itaya yung buhay mo para sa hustisya Nak ehh""Napahikbi niyang sabi habang hinahaplos yung kabila kong braso.

Nilingon ko siya at nilapit yung ulo ko sa kaniya""Batukan mo na ako""utos ko sa kaniya.

Inexpect ko na babatukan ako ni Mama dahil pag may nagawa akong kasalanan binabatukan niya ako tsaka pinapagalitan ng sobra pero ngayon iba siya.

""Nak naman ehh""sabi nito at hinampas yung balikat ko.

""Ma pwede ko bang masulo si Nikki""paglalakas loob na salita ni Brie.

Nagsilabasan naman sila mama na inaalayan ng tatlo.

""Bakit ka andito""Seryoso kong sabi.

Umupo siya sa gilid ko tsaka hinaplos yung kamay ko kaya bigla ko namang kinalas yung pagkakahawak niya""Umalis ka na sabi ko diba ayaw na kitang makita""

Pinunasan niya yung luhang tumulo sa pisngi niya""Kung ayaw mo ako maging kaibigan kahit bilang kapatid nalang Niks...Please""

Pinipigilan kong tumulo yung luha ko sa mga pinang-gagawa ko sa kaniya,hindi niya deserve yung mga ginagawa kong ganito.Unting unti nalang bibigay na talaga ako,gusto ko lang naman magkaganito para malayo yung loob niya saakin para hindi na kami gaanong close na ganon,pero parang hindi ko kaya.Para hindi na siya gawing alas ng  ng mga kalaban para sa akin kaya bumukod ako kanila Mama para hindi sila mapahamak..

Patuloy parin siya sa pagmamaka-awa kaya unti unti tumulo yung luha ko at hinawakan ko yung kamay niya kaya laking gulat nalang niya.

""Shit!!""Mura ko...""S-sorry Brie ginawa ko lang naman yun para hindi ka mapahamak""Pinunasan ko ang luha tumulo sa pisngi ko.

Napabuntong hininga siya sa narinig niya""Sabi ko na nga ba ehh""

""Pero,,Pwede akong humiling sayo""tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya""Ano yun?""

""Pwede pagkalabas natin sa hospital lumayo ka na sa akin""paki-usap ko sa kaniya.""

Umiling siya""Hindi pwede""Agad niya namang sagot...""Ngayong alam ko ng magkapatid tayo sabay tayong lalaban,sabay nating hahanapin ang hustisyang matagal mo ng hindi alam""

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon