| GRANDEUR ACADEMY |

1.8K 83 57
                                    

_This is a work of a fiction_

___🏫___

Tama ba ’tong napasukan ko?

Yan, yan kaagad ang pumasok sa aking isipan habang nakatayo sa gitna ng gate at nakatanaw sa malawak na field ng paaralang aking papasukan. Ang Grandeur Academy, pangalan palang ay pambigatin na. Pero bakit ganu’n? Puros naman yata addict ang mga nag- aaral rito eh.

Siyempre, masasabi ko iyon dahil sa tindi ba namang manigarilyo ng mga kalalakihan, tapos grupo pa sila.  Buti na nga lang at wala akong nakikitang nanininghot at umiinom ng alak eh.

Parang, matotokhang ako dito ah.

Tumingin muli ako sa hawak kong papel, at tama nga na ito ang paaralang papasukan ko. Ang kaso lang hindi ito tama para sa katulad kong babae. Bakit kasi pumayag pa ako na si Puds ang maghanap ng papasukan ko eh. Kung si Muds sana ay di mas elegante at mas maganda. Tsk.

Inis kong kinalkal ang aking bag para hanapin ang aking cellphone. Tatawagan ko si Puds at ipapaatras ko ang pag- pasok ko rito. Baka bukas eh, nasa hukay na ako. Tsk.

“Hello, Puds! Ay—”

“You’ll stay there, until you became a good student! Hindi ko ipapaatras ang pagpasok mo dyan, kung yun man ang gusto mong sabihin saakin. Kailangan mong magtanda. Dyan! Dyan ka nababagay! Sila ang suntukin at bubugin mo, dahil sila’y marunong lumaban pabalik. Tignan ko lang kung aangas- angas ka pa, paglabas mo dyan!”

“Ayt! Tanginaa!” Malakas kong mura ng biglaan niya akong babaan ng telepono. Puta talaga! Porket ba lapitin ako ng away, dito na ’ko nababagay? Ay!

Kasalanan niya rin naman kung bakit ako natuto sa ganito eh. Kung hindi sana sila Mafias na dalawa, eh sana normal at tahimik ang buhay ko. Tsk. Simula’t pagkabata kasi ay namulat na ako sa marahas na kapaligiran. Putukan ng baril, patayan at kung ano- ano pang mga karahasang hindi dapat makita ng musmos pa lamang.

Hayst. Mukhang wala ng atrasan ’to ah.

Napabuntong- hininga ako at sinimulan na ang paglalakad sa pasilyo na nagdudugtong sa main building ng paaralan. Habang naglalakad sa pagitan ng mga kalalakihang ito ay ramdam na ramdam ko ang nakakapaso nilang tingin. Pero panatag ang loob kong di nila ako mamanyakin. Kasi, hindi naman ako kagandahan at kaputihan, yung sakto lang.

Pinasadahan ko ang buong campus at lahat yata ng nakikita ko ay puros mga kalalakihan, ni wala man lang akong nakikitang babae, kundi ako lang. Nadali na. Atsaka pansin ko lang ah? Bakit kaya ganu’n, kung saan saan sila tumatambay. Basta ang sakit sa mata dahil ang dami nila.

Pero, iba ah! Dumaan lang ako tumahimik na ang buong campus, hindi naman nila siguro unang beses na makakita ng babae no?

“Uy! Miss! Sintas mo!” Sigaw ng kung sino dahilan para mapabaling ako sakaniya. Hindi ko naiwasang mapa- irap dahil sakaniya. Ako pa talaga lolokohin niya? Eh, nakablack shoes ako. Siya nga ’tong panira eh.

“Eh ano naman saiyo?! May araw na nga, dumagdag ka pa!” Pasigaw kong insulto sakaniya dahilan para mapahagalpak ng tawa lahat ng mga kalalakihang kasama niya. Naka- semi kalbo kasi siya na may naka- ukit na korona sa gilid ng kaniyang templo.

“Pft. ’La ka du’n, dre ah.”

“Tumigil nga kayo! Siya pa talaga kinampihan niyo ah?” Naiirita nitong puna sakaniyang mga kasamahan. Umiling- iling na lamang ako at pinagpatuloy muli ang paglalakad hanggang sa ako’y makarating sa main hall.

At doon ko napagtanto kung bakit ganu’n ang itinawag sa paaralan. Talaga kasing pang- maharlika ang loob ng building. Kumikinang at nakakamangha ang motif nito, na tila sinabuhayan ng totoong ginto. Du’n lang sa entrance panira ang lahat.

“Ehem, Ms. Zye Lhaire Everdein?” Napatingin ako sa taong biglaang tumawag saaking pangalan. At nanlaki ang aking mga mata ng makitang isa itong babae na medyo may katandaan na base narin sa buhok niya. Pero kahit na! Atleast hindi ako ang nag- iisang babae rito.

“Ako nga ho.” Magalang kong sagot. “Im, Mona Luis Ferezel, the headmistress. ” May slang nitong pakilala. Kaya parang pretzel ang pagkakaintindi ko sa apelyido nito. Parang malabo- labong usapan ’to ah. Englishera siya eh, bobo ako kapag ganu’n ang usapan lalo na’t pasang- awa lang mga grado ko nu’n.

“Come with me to my office, and I shall give you all your keys. And also your room number.” Mungkahi niya kasabay nito ang pagtalikod niya at ang elegante niyang pagrampa. Taena!

“Your dad tell me everything about you, especially your human behaviour. Don’t worry, dear. We’ll changed that into the good you.” Basag niya sa namumuong katahimikan sa aming pagitan, dahilan para tumaas ang isa kong kilay. Good me? Eh, parang walang good manners at moral support ang paaralan na ito eh. Sa entrance palang ay makikita mo nang wala silang disiplina. Tapos good me pa? Eh nakakatangina pala dito eh.

Nang tuluyang makarating sa opisina niya ay niyaya niya akong pumasok. Halangan naman kasi iwan niya ko dun sa labas, di ba?

“Here.” Abot niya sa isang manipis na libro na may kasamang mga susi. Hindi naiwasang mapakunot ng aking noo dahil sa dalawa itong susi. “H-uh? Ba’t po dalawa?” Nagtatakang puna ko.

“Your dorm key and locker key. Why? Is there any problem, dear?” Hindi ko nasagot ang katanungan niya dahil sa tila ako’y nabingi sa kaniyang sinabi.

D..orm key?!

“Don’t tell me.. Im staying here?!” Hindi makapaniwalang mungkahi ko sakaniya. Wala na kong pake kung nabastusan siya sa inasal ko dahil alam naman niyang ganu’n ang ugali ko eh.

“Please, keep your voice low. Didn’t your daddy told you?”

Napa- irap ako ng mata dahil sa pagkasiphayo, “Magre- react ba ako ng ganito kung sinabi niya saakin? Putangina! Hindi ako makapaniwala!” Puno ng sarkastiko at inis kong wika habang kino- kontrol ang aking sarili. Kung hindi ko iyon gagawin ay baka kung saan na makarating si Mona.

“Respect me, dear! That’s one of the rule!” Nakapamaywang nitong sermon saakin, kaya sinamaan ko siya ng tingin na alam kung nakapag- pagitla sakaniya.

“I don’t care about your rule, mistress. I don't do respect.” Mariing wika ko kasabay nito ang pag- alis ko sa kaniyang opisina na sinamahan pa ng malakas na pagbalibag ng kaniyang pintuan.

“Hey! Come back here, you little piece of a shit!” Malutong nitong insulto saakin ngunit hindi ako magpapatinag siyempre. Bastusan na ’to. “Wala kong pake saiyo!” Malakas kong sigaw pabalik. Napangisi’t napailing na lamang ako dahil sa katarantaduhang aking nagawa.

I, Zye Lhaire Everdein, I’m a disgrace to my family. And Im not good in english speaking... konti.

_____

Warning!

This story contains typos, grammatically incorrect.

Not edited.

Be aware for bad words.

All rights reserved 2019

Kiernan Shipka as Zye Lhairhe Everdein (Zayeler)

_Arch_

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now