CHAPTER TWENTY-FOUR

104 11 0
                                    

__🏫__

| O T H E R M A S K |

Third Person

Nakatulala. Halos hindi maikurap ang mga mata at maraming tumatakbo sa isipan. Gan'yan na gan'yan ang estado ni Zye habang nakaupo sa isang upuang gawa sa kahoy na nakita niya lang malapit sakanila ng siya'y magwalk out. Hanggang ngayon ay naninikip parin ang kaniyang puso at tila hindi maayos ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang mga ugat dahil nanginginig at namamanas ang kaniyang buong katawan.

'Tangina!'

Sakit at galit. Iyan ang nararamdaman ngayon ni Zye. Napayuko siya at mahigpit na napahawak sa palda nito ngunit isang butil ng luha ang pumatak sa likuran ng kaniyang kamay hanggang sa magtuloy-tuloy ito at tuluyan na nga siyang mapahagulgol. Hindi niya pinigilan ang kaniyang mga luha dahil alam niyang walang makakakita sakaniya dahil madilim na ang paligid at nasa loob siya ng kakahuyan. Sabagay, sanay na siyang umiiyak sa dilim. Madiin niyang kinagat ang kaniyang mga labi para maiwasang mapahikbi pero hindi niya iyon napigilan.

"Bakit ako pa?!" Hindi niya maiwasang maisigaw at halos kapusan na siya nang hininga dahil sa sunod sunod na paghikbi. "Ano bang kasalanan ko?! Bakit?! Bakit ako pa ang pinili mong parusahan?!" Hindi niya maiwasang kuwestyunin ang nasa itaas kasabay ng pag-angat ng kaniyang mukha. Napapikit siya ng mariin nang biglang kumulog ng malakas na para bang sinasagot ang tanong ni Zye.

Isang patak ng tubig mula sa kalangitan ang pumatak sa kaniyang pisngi hanggang sa tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan. "Buti pa ang ulan dinadamayan ako..."  Hindi niya maiwasang maibulalas. Nakakatawa man pero tama ang kaniyang sinabi.

Palakas nang palakas ang ulan, pasakit nang pasakit ang pagpatak nito sa balat ng kaniyang mukha ngunit hindi niya iyon inalintana dahil wala iyon sa nararamdaman niyang sakit pero kaagad siyang napamulat nang mata nang biglang tumigil sa pagpatak ang ulan, kumunot ang kaniyang noo ng imbes na madilim na kalangitan ang tumambad sakaniyang harapanan ay isang kulay asul na payong ang bumungad sakaniya pagkabukas na pagkabukas nang kaniyang mata. Lumingon ito sa kaniyang gilid pero ganu'n na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makita kung sino ito, "Tsk. Stupid headache." Aniya. Pang-iinsulto palang niya ay alam na alam niyo na kung sino 'to.

"Throne!" gulat na gulat na tawag niya sa pangalan ng lalaking kasalukuyang nakatayo sa kaniyang gilid, hindi niya maiwasang mataranta at hindi siya magkaugagang kinusot ang kaniyang mga mata para mapahid ang nagbabadyang luhang gustong kumawala rito. "Oh? Bakit para kang nakakita ng multo?"

"A.. anong ginagawa mo-- teka? Nakita mo ba?" kinakabahang tanong ni Zye dahilan para tumango ang isa. Napakagat siya ng labi dahil hindi niya lubos maisip na ang lalaking kinaiinisan niya pa ang makakakita sa devasted niyang sitwasyon. Ang mahinang siya.

"Hindi naman talaga ako gan--" Hindi niya naituloy ang kaniyang balak sabihin nang isang kamay ang dumapo sa tuktok ng kaniyang ulo at walang pasabing ginulo ang buhok niya.

"Its okay. You don't need to explain." Hindi maiwasang malito ni Zye nang ngumiti si Throne sakaniya. Ibang-iba sa Throne na nakaaway niya kanina lamang. Ang tila mabangis at demonyong anyo ay bumalik sa dating Throne na nakilala niya no'ng una siyang pumasok sa Grandeur Academy. Magaling mang-iinis pero malambot ang puso.

Nanlulumong napayuko muli si Zye at napabuntong-hininga. "Tama ka, Throne. M..ahina ako.." napipikang aniya. Lumambot ang ekspresyon ni Throne at nakokonsensyang napatitig kay Zye. 'Bobo mo, Throne! Ba't ba kasi ang talas ng dila mo! Iyan tuloy. Tanga mo.'

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now