CHAPTER NINETEEN

180 30 8
                                    

___🏫___

| C U R I O U S I T Y |

Zye Lhaire Everdein

Naningkit ang aking mga mata habang mariin at taimtim kong tinititigan ang nakakaasar at nakakawalang ganang pagmumukha ng lalaking nasa aking harapan. Hapon na at salu-salu kami ngayon rito sa harapan ng hapagkainan, at kung sineswerte ka nga naman oo! Dito pa talaga sa tapat ko pumwesto ang hinayupak na itlog na ito! Hindi ako ganu'n kaengot para 'di mapansing sinadya niya iyon, duh? Kung 'di nga naman nangpipikon, nagawa pang ngumiti nang nakakaasar, with direct contact pa. Lintik.

Hindi mo ako mapapatiklop, bugok!

At dahil 'di bahag ang buntot ko siyempre nilabanan ko ang mga titig niya. At aba! Palaban! Mas nilapit niya pa ang mukha niya saakin. Ako pa talaga kinalaban niya sa staring contest ah? Duh!

Tignan lang natin!

Sa tagal naming nagsusukatan ng titig ay halos pagtunog nalang ng orasan ang naririnig ko at 'di ko namalayang nakatingin na pala saamin lahat ng tao na kasama rin namin sa hapagkainan.

"PUNYEMAS!" Naitagilid namin ang aming mga mukha kasabay nang marahang pagdaing nang may kung sinong depungal ang sumigaw ng malakas na sinamahan pa ng magkambal na bato ng kutsara na sumapol sa ulo namin! Nyeta naman!

Hawak ang napuruhang ulo ko ay pagalit at pairap akong humarap sa taong bumato saamin at do'n ay bumungad ang mukha ni Puds habang nakataas ang isa nitong kilay saamin. Attitude ka ghorl?

"Umayos kayong dalawa." Maotoridad na saad niya habang mariin at seryosong nakatitig saamin. Kumibot ang aking labi na sinamahan pa ng pagtalsik ng aking kilay sa kisame dahil sa tinuran niya.

"Maayos naman ako ah? May tao lang talaga d'yan sa tabi-tabi na hindi nalagyan ng langis ang turnilyo sa utak kaya 'di gumagana ng maayos. 'Di ba, Priam?" May diin at pang-iinsultong baling ko kay Humpty Dumpty na ngayon ay taas kilay na nakatingin saakin pero masasalamin sa kaniyang mga mata ang totoo niyang emosyon. Isang puntos para saakin.

"Oo, maayos ka nga pero bakit ikaw? Kahit nalangisan ang utak mo bakit 'di parin gumagana ng maayos ha? Bobo ka parin.. 'di ba?" Balik niyang insulto na diniinan pa talaga ang huling linya ng kaniyang sinabi. Atleast, 'di ako indenial na bobo ako. Duh? Kaya huminahon ka 'wag mapipikon.

"Mas maganda ng maging bobo kaysa naman maging ka-level ng utak mo. Duh?"

"Wow? Nahiya naman ang utak ko sa kapasidad ng utak mo. Saka kahit kailan naman talaga ay hindi mo magiging ka-level ang utak ko kasi inamin mo narin sa sarili mong bobo ka. Opps! No offend. Your words, not mine." Iiling-iling na saad niya.

Aba't? Ginamit pa talaga iyong sarili kong salita ah?

"At—"

"Tama na, 'Nak." Awat saakin ni Muds nang ibubuka ko na sana ulit ang aking bibig para gumanti. Bumaling ako sa kaniyang gawi ngunit pairap ring bumaling sa taong ang sarap batuhin ng granada para siguradong hukay ang kalalagyan niya. Pero ang aking tingin ay nawala sakaniya nang mapansin kong lahat sila ay nakatingin na pala saakin na tila ba ako ang prime suspect sa aming dalawa.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now