CHAPTER TEN

316 50 44
                                    

__🏫__

| Arguement |

Zye Lhairhe Everdein

“Don't be late or you'll be punished.”

Babala ng intercom na nakakabit sa mga sulok ng hallway pero wala akong ganang tumakbo o bilisan man lang ang mabagal kong paghakbang. Kasalanan ko ba? Eh naninigas ang binti ko dahil sa lintek na hagdan na iyon.

Isa pa, baka isang kahihiyan na naman ang magawa ko kung bibilisan ko ang paggalaw. Pero ngayon, sinigurado ko ng nakasuot ang aking sapatos. Lintek lang! Ang hirap mapahiya!

Kinusot ko ang aking mga mata nang ako'y humikab.

Hayst.

Sa katunayan tinatamad rin akong pumasok dahil inaantok pa ako. Hindi ko na kasi namalayan ang oras kagabi, hindi ko alam na hating gabi na pala. Buti na lamang at may patroller na nakakita saakin kaya sinita niya ako. May curfew daw kasi.


Ba't ko ba kasi naisipang pumunta roon? Hayst. Malay ko.


Matapos ang usapan namin ni Rowan kagabi ay umalis rin siya kaagad. Abnoy eh, kailangan na niya raw patulugin si Mr. Bean. Parang timang. Ginagawang anak si Mr. Bean. Tsk.

“You're late.” Bungad ng aming guro nang ako'y tuluyang makarating sa aking silid.

Alam ko. 'Di ako tanga.

Hindi ko na lamang siya pinansin at walang anu- ano'y pumasok para magtungo sa aking upuan.  Wala akong ganang makipag-usap sakaniya. Lalo pa't siya iyong gurong una kong nakaaway.

Kahit na diretso lang ang aking tingin sa aking linalakaran ay ramdam ng aking katawan ang mga titig ng mga kaklase ko. 'Di sanay na ako eh. Head turner 'to tol! Ganda ko kasi masyado. Dejoke. Yabang lang!

“Aww!” Daing ko nang bigla na lamang may tumama saaking matigas na bagay. Tangina! Sapol sa ulo!

Flying eraser. Takte.

Marahan kong minasahe ang parteng nasapol saakin bago tumingin sa pesteng nagpalipad ng eraser. Hudas lang! Ang sakit! Pesteng gurong ito! Argh!

Talagang ngising-ngisi ka pa ah? Taenang barakuda!

Oo, alam kong wala akong utak, pero makatarungan bang batuhun niya ako ng eraser? Paano kong magka-internal bleeding ako at mamatay? Tsk. OA.

Kahit na asar na asar ako sa reaksyong ibinibigay niya ay wala akong nagawa kung hindi ang kimkimin ang kumukulong dugong nabubuhay ngayon sa aking sistema. Nagpipigil lang ako.

Malilintikan ka talaga saakin.

“Masakit ba?” Nang-uuyam nitong tanong. Kaya pinanlinsikan ko siya ng mata. Magtigil ka, kung ayaw mong pasabugin ko iyang mukha mo! Kakagising ko lang!

Rawr.

“Hindi naman.” Pang-iinis ko rin. Aba! 'Di pwedeng matalo, dami kong audience eh. Siyempre, kahit na gusto ko na siyang i-roundhouse kick eh kailangang magpigil parin para hindi na muling ipatawag si Puds. Sakit nila sa tenga.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now