CHAPTER TWENTY-THREE

131 15 0
                                    

__🏫__

| A C H I N G H E A R T |

Third Person

"Pwede bang bitawan mo ako?!" pagalit at naiinis na pahayag ni Zye habang pilit binabawi ang kaniyang braso sa lalaking pilit siyang kinakaladkad pabalik sa opisina ng HM. Hindi namalayan ni Zye kanina na hinahatak na pala siya ng lalaking nasa kaniyang unahan dahil sa naisip nitong walang kakwenta-kwentang tanong kanina.

"Ano ba?! Bingi ka ba?! Sabi ng bitawan mo ako eh!" nakakabinging singhal ni Zye na talagang sinadya niyang lakasan para mabingi na ng tuluyan ang lalaking nagbibingi-bingihan.

'Aish! Walanghiya! Ba't ba ang lakas ng boses nitong babaeng ito? Nakalunok ba siya ng speaker? Nakakarindi bwisit!' magkahalong inis at iritang saad niya sa kaniyang isipan kasabay ng pagkalikot niya sa kaniyang tenga gamit ang isa pa nitong kamay.

Sa estado nilang dalawa ay para na silang tangang naglalaro ng tag of war at ang lubid ay ang braso ni Zye na ngayon ay malapit ng malamog at mabali ng tuluyan, tila wala naring dugong dumadaloy rito dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Throne sa braso niya.

'Kapag nakatakas ako dito, susungalngalin ko ang ngala-ngala ng itlog na'to. Bwisit siya!'  naniningkit matang saad niya habang nakatingin siya sa lalaking gustong gusto na niyang patayin.

"Stop staring at me like you want to kill me," lingon niya kay Zye habang ito'y nakangisi, "You can't do that." Dugtong niya pa dahilan para tumaas ang isang kilay ni Zye.

"At bakit hindi ko pwedeng gawin iyon? Hindi ikaw ang batas ko. Kayang kaya kitang patayin kung kailan ko gusto." Taas noong mungkahi niya. Walang kakaba-kaba at walang kangatog-ngatog. Pero ano pa bang aasahan kay Zye? Edi tigas ng ulo.

Lumamlam ang mga mata ni Throne at tinahak niya ang pagitan nila ni Zye kasabay nang pagyuko niya at walang pasabing inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ni Zye na ikinasinghap naman ng isa.

"Your words are empty and nonsense. Don't act like you're the strongest and valiant girl in this whole fuckin' world, because you're not. We can't just control you not because you're strong but because you're stubborn and narrow-minded. You do everything you want, the way you want it, but it doesn't mean you're powerful," mahina ngunit madiing bulong niya sa tainga ni Zye na ikinaningkit ng kaniyang mga mata. 'Ano bang gustong iparating ng lalaking ito?!'

Nagtama ang kanilang mga mata nang tumayo muli ng tuwid si Throne, napangisi siya dahil sa itsura ni Zye na parang nilamukos na papel.

"You're still too weak, Zye. Too weak." Hindi naiwasang tumalsik sa kisame ang isang kilay ni Zye kasabay ng paggalaw galaw ng kaniyang panga dahil sa hindi kaaya-aya sa kaniyang pandinig na sinabi ni Throne.

'Tangna!'

Hihilain na sana muli ni Throne si Zye nang mapansing hindi na ito makaimik, pero laking gulat niya nang malakas na binawi ni Zye ang kaniyang braso dahilan para mapatingin sakaniya ang lalaki at masilayan ang nakakatakot niyang itsura. Pero hindi ito sapat para matakot si Throne dahil wala siyang pakealam kahit biglang magsuper-saiyan pa siya. Napangisi si Zye at siya'y napatango-tango, "Tama kang hindi ako ganu'ng kalakas, Throne pero baka nakakalimutan mong tarantado ako? Halal ang bituka ko at wala akong sinasanto, hindi ko kailangang maging malakas para durugin ka ng pinung-pinu." Maiksi lang ang kaniyang sinabi pero tila biglang nagliyab ang buong paligid nilang dalawa dahil sa klase ng anyo ni Zye.

Sumeryoso ang itsura ni Throne at pagak na napatawa dahil sa kaniyang sinabi. "Salita ay salita lang, Zye at hindi mo ako madadaan sa gan'yan. Marami na akong nakilalang katulad mo, at ni isa sakanila walang nakapatumba saakin. You're no match for me."

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now