CHAPTER FIFTEEN

238 45 23
                                    

__🏫__

| Coincidence |

Zye Lhairhe Everdein

"Are you okay, Sir?" Agap kaagad ng Konduktor sa nakaplakadang katawan ng lalaking hindi ko kilala.

Bakit nga ba?

Tama. Wala kasi akong pake, kung sino siya o kung anong breed siya ng aso.

Pero laughtrip talaga! Akalain mo nga naman 'pag minamalas ka! Hahaha!

"Ikaw kaya makahalik sa sahig, tapos tatanungin kita kung ayos ka? Anong sasagot mo?" Sarkastiko at naiiritang tanong niya rito. "Tanga."

Pft.

"W-hat? What did you said?" Nakakunot noong tanong nito na 'di yata nakuha ang ibig sabihin ni manong.

"Sabi ko ho Sir, tanga." Ulit niya habang dahan-dahang ibinibigkas ang mga salita.

"What? You know I'm referring to you, right? So why are you calling yourself stupid?" Ayan, labo niyong kausap.

Pero ako rin eh, 'di ko rin gets ang sinabi ni manong.

"No, Sir I'm referring to you. Kasi hindi mo naman po mahahalikan ang sahig kong kumapit kayo eh." Banayad ang pagkakasabi nito pero ba't parang nababahiran ng pang-uuyam?

Pero tangina! May punto siya ah! Hahaha! Oo nga naman! Kung sana kumapit ang walang modong lalaking ito edi sana 'di nakuha ng sahig iyong first kiss niya.

Kung first niya, eh baka marami na siyang nilokong babae. Tignan mo naman mukha!

Pang-animal category. Dejoke! Adonis na adonis! Pero ngayon ay? Madungis!

"Stupid conductor!" Saad niya at lumisan na sa harapan ni Manong. "Maka-stupid, uso naman kasing kumapit eh." Narinig kong hinaing ni Manong. Pft.

"Ayos lang po kayo, Manong?" Lapit ko sakaniya. Lumingon ito saakin at ngumiti, "Opo, Ma'am."

"Pabayaan niyo nalang po iyon. Nawawala kasi iyong isang turnilyo ng utak niya. At 'di pa po nalalagyan ng langis kaya nangangalawang at 'di gumagana eh."

Oh? Ako pa humingi ng paumanhin ah! Palakpakan naman d'yan!

"Kayo talaga, Ma'am." Natatawa nitong saad kaya napangiti na lamang ako. Sana ganito rin ako, kahit na hinusgahan ng isang tao ay nagagawa paring tumawa ng malakas.

Ays! Kimkimin mo nalang iyan!

Right, katulad ko, wala rin pakialam saakin ang mga tao.

"Sige, Nong bababa na ako." Paalam ko rito kasunod ng aking pagtalikod papalabas sa bus. Ilang bus stop lang naman ang kailangan bago ako tuluyang makarating sa village namin eh.

Nang ako'y makababa ay pansin kong wala na ang lalaki kanina. Hmm. Siguro taga rito rin siya, pero baka taga ibang nayon iyon kasi hindi ko naman siya namumukhaan.

Aish! Ba't mo ba siya pinapake-alaman, Zye? Malay ko.

Napa-iling na lamang ako at nagsimulang maglakad papasok sa village. Kahit na nakatungo ako ay pansin na pansin ko parin ang mga batang naglalaro sa ilalim ng tumitirik na araw.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now