CHAPTER TWO

509 69 25
                                    

__🏫__

| Not so cool |

Zye Lhairhe Everdein

Hindi pa nakakalahati ang araw pero sobrang lanta na ng katawan ko dahil narin siguro sa nangyari sa akin kanina at ang kabagutan kong mag aral. Hayst.


Napag- alaman kong wala akong kaklase ni isang babae kahit na ang paaralang ito ay hindi exclusive for boys, sadyang napupunta lang rito ang mga basagulerong mga studyante katulad ko. At kung minamalas nga naman ako, wala akong kasamang babae. Mag- isa lang ako.

Ni ayaw ko na ngang lumabas rito sa silid na aking kinaroroonan dahil alam kong puros lalaki rin naman ang makakasalamuha ko. Isa pa ang boring nilang lahat. Magaling nga talagang dumisiplina ang mga guro dito dahil sa tila napipi na ang lahat ng mga studyante nila.

Tinanaw ko ang malawak na field ng paaralang ito mula sa bintana. At nakita na naman ulit ang mga kalalakihang nagkukumpol- kumpulan sa kung saan saan.

Nagtatakha siguro kayo kung bakit no'ng sa unang araw ko rito ay puros sila naninigarilyo no? Simple lang 'yan, pag nasa labas ka ng gusaling ito, ayos lang na mag- bisyo ka pero mahigpit na ipinapanukala ang pakikipag- away. Dapat bisyo lang. Pero pag nasa loob ka dapat alam mo kung paano maging madisiplina.

Kaya nga naguguluhan ako sa paaralang ito eh. Para rin silang luka- luka.

At alam niyo kung ano ang pinakamalala sa lahat? Kaklase ko 'yung sampong mga kalalakihang iyon. Buti na lamang at nasa harapan sila at ako ay dito sa likuran kaya hindi ako mabuburyong makita ang kanilang mukha araw- araw.

Hindi ko pa sila nakikilalang lahat dahil sa wala akong balak tanungin kong sinu- sino sila, tsaka ayos na ako du'n sa tatlong kapangalan ng mga action stars. 'Wag na nilang dagdagan.

Isa pang inaalala ko ay kung paano ako makakalabas sa paaralang ito. Hindi kasi ako sanay na manirahan sa isang paaralan, wala pa naman akong alam na history ng skwelahan ito. Baka mamaya niyan ay may mga gumagala na palang multo at engkanto rito, eh di nahimatay na ako sa nerbyos.

Nang tuluyang matapos ang recess ay nagkaniya- kaniyang pasok lahat ng mga studyante. Ni walang na- late manlang. As in, halos magtulakan na nga sila sa pintuan para lang pumasok eh. Hayst. Mga studyanteng takot masira ang eardrums.

“Hi, Ms. Everdein!” Bati saakin ni Hugh nang tuluyan siyang makapasok sa silid at nang masilayan niya ako rito sa sulok. Tumango na lamang ako bilang pagbati pabalik. Masasabi kong si Hugh ang pinaka- palakaibiganin sakanilang lahat dahil narin sa kung sinu- sinong kinakawayan niya.

“Hi classmates! Hi friends! Hi Vin! Hi Dwayne! H—”

“Hoy! Tumahimik ka nga. Kung makabati ka naman parang last year pa last meet niyo.”

“Bakit? Kinakabesado ko lang pangalan ninyo.”

Naka- labi niyang atungal.

Tignan niyo? Napagkakamalan ko tuloy siyang isang papansin. Minsan nga naiisip ko kung kulang lang ba siya sa atensyon, o mukhang tuluyan na siyang nasiraan ng bait. By the way, Hugh Jokeman ang buo niyang pangalan. Parang tanga lang no? Bagay na bagay sakaniya.

“Class! Settle down!”

Biglang sulpot ng aming subject teacher sa harapan habang nakasuot sakaniyang mukha ang seryosong reaksyon. Siya si Ms. Grace Falcon, major englishera at kutis amerikana. Anyways, hindi ko pa pala nasasabi sainyong halos lahat ng guro rito ay babae. 'Yun nalang yata ang pinakamagandang himala na nakuha ko ngayong araw.

| GRANDEUR ACADEMY : School For The Worst Students |Where stories live. Discover now