7

1.8K 87 9
                                    

Gavin

Gabi na, napagdisisyonan nang klase na hindi na bumalik pa sa klase. Oo nag cutting kaming lahat.

Pauwi na kami ngayon, at dadaan na naman kami sa Kaorin River.

Nandoon pa kaya siya? Impossible. Malapit ng gumabi.

"Hey." Agaw pansin sa akin ni Theo.

"What?" Hay nako. Nakokonsensya ba ako? Fvck. What's happening? I'm not like this!

"Don't bother thinking of her." Hindi ko na lamang pinansin. Lumihis na nang landas ang ibang kaklase namin. Kaya't konti na lamang kaming natira.

Nang mapa-daan na kami sa Kaorin River. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa ilalim. Nagbabakasakaling wala na siya.

Oo nga.. wala siya.. she gave up.

"Parehas lang silang lahat." Saad ni Sebastian.

"Oo nga! Tingnan mo! Wala na siya!" Segunda ni Andrew.

Hindi ko namalayan na huminto pala ako.
Pinag-patuloy ko na ang aking paglalakad.
Wala nga siya. Akala ko pa naman may isang salita siya..

Aalis na sana ako ng tuluyan ng nahagip ng paningin ko ang taong kakabangon sa pagkaka-upo. Hindi mo agad ito mahahagilap dahil natatakpan siya ng malaking bato.

Nang napagtanto ko kung sino ang taong iyon. Hindi ko na napigilan pa at tumakbo pababa upang puntahan si Cleo.

Oo si Cleo. H-hindi siya umalis!

"Cleo!!!!!!" Sigaw ko. Narinig ko naman ang pag-tawag sa akin ng aking mga kaklase. Subalit hindi ko iyon pinansin at tumakbo lamang papunta sa kinaroroonan ng babae habang sinisigaw ko ang kanyang pangalan.

"Cleo!!!" This time napalingon na siya sa akin at bakas sa kanyang mga mata ang gulat, pagod, at lungkot.

Lungkot ba iyan dahil narealize niya na ang tanga niya?

Wala na akong pake kung mabasa ang aking pantalon. Basta't pupuntahan ko siya at haharapin. Ng makarating na ako sa harap niya. Ako'y hiningal. Hindi ko mapigilang maiyak.

Ewan ko.. hindi ako to.. ano bang nangyayari? Nasisiraan na ba ako?

"Gavin? Ba't ka nandito? Umalis ka na! Nababasa na ang iyong pantalon!" Hinawakan ko siya sa balikat niya at itinuwid paharap sa akin.

"Cleo.. nag sinungaling ako.." Ngumiti lang siya. At niyakap ako.

"Gusto kong marinig ang katotohanan." Hindi ko na napigilan pa at humagulgol na ako sa pagkaka-iyak.

Tanggap niya parin ako? Hindi siya nagalit? Ano bang klaseng tao itong kaharap ko? Tao nga ba ito?

Inakay niya ako papaalis na maruming tubig. Naghihintay ang mga kaklase ko sa may gilid ng Ilog.

"Nandiyan ka pa pala? Akala ko umalis ka na?" Tumawa naman si Cleo.

"Akala mo lang iyon!" Umupo naman siya damo. At pinagmasdan ang papalubog na araw.

"Cleo.." umupo din ako katabi niya.

"Hmmm?" Hindi niya inaalis ang paningin niya sa sunset.

"Ang totoo niyan.. H-hindi ko ninakaw ang pera.." pumikit siya. Pinag patuloy ko pa rin ang pagsasalita.

"Narinig kong may kausap si Mr. Balakubak sa cellphone at napansing may hawak siyang bag. Hindi ko naman alam kung anong laman non. Narinig ko siyang may nilalandi. At sinabi niyang pupuntahan niya ito, siguro sa sobrang excited niya ay naiwan niya ang bag sa Gazebo."

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now