19

1.4K 74 11
                                    

Leo

After class, nagpasya ang buong Black Section na magtipon-tipon sa bahay ni Max. Dahil nga sa kadahilanang wala palagi ang kanyang mga magulang, kaya't malaya kaming gawin ang ano mang gusto naming gawin.

"What time is it? Ba't hindi pa bumabalik si Elijah? San ba nagpupunta ang Cleo na yon at natagalan ang nakatokang sumunod sa kanya." Kung umuwi na agad si Cleo edi hindi matatagalan si Elijah.

Maraming nagbago ng dumating si Cleo sa eskwelahan. Marami siyang nakuhang atensyon. As I can see today, we are learning to have unity. Which is so odd, dahil hindi naman kami ganito dati. Some of us ay magbabarkada na talaga, kaya't sa maraming taon na aming pinagsamahan ay kilala na namin ang ugali ng isa't isa.

Biglang may pumasok sa pinto at agad naman kaming napatingin doon. Nakita namin ang bakas ng pagtataka sa kanyang mukha.

Agad niya kaming tiningnan at tumungo sa direksyon namin. Ano bang tumatakbo sa kanyang isip?

"Ano ba tayo?" Ha?

Ano daw? Bigla-bigla na lang siyang dadating tapos iyan ang tanong niya? At mas malala nakatingin siya kay Theo HAHAHHAHA

"T-teka Eli, ginagago mo ba ako?" Sino bang hindi magugulat kung tanungin ka nang ganyan. Edi maiisip mong nababakla na siya.

"Someone like me? Bakit ano ba ako?" Nagtatanong pa rin ang kanyang mg mata. Teka nga di naman namin alam kung anong nangyari sa kanya kaya pano namin siya maiintindihan?

"Umayos ka nga Elijah. Di mo pa sinasabi sa amin kung anong nangyari." Gab with his chill attitude.

Tiningnan naman kami ni Elijah bawat isa. Napabuntong hininga siya at nagsimula ng magsalita.

"It was my turn na sundan si Cleo. Luckily, alam ko na kung saan siya nakatira." Oh mabuti naman kung ganun at may impormasyon na kami sa kanya.

"Dahil hindi ko na makita ang ginagawa niya sa loob ng bahay ay nagpasya na akong umalis subalit," bigla siyang tumingin kay Max at sinabing "Hindi pa ako nakakalabas sa teritoryo ni Cleo ay hinarang ka ng mga lalaki na may bitbit na Katana." Napasinghap kami sa nalaman. Katana? How?

"They asked me pano ako nakarating sa lugar na iyon ngunit hindi ako makapagsalita." Bahay nga ba iyon ni Cleo? Baka naman bumisita lang siya doon.

"They look so mad and ready to attack me but then, there's this guy who stopped them and said something." Maybe this would be the first lead to Cleo's life. "Something.."

Tangina pabitin naman eh, ano bang sinabi ng lalaki at ganon nalang ang lakas ng kurtusidad nitong lalaking to.

"Something I can't understand." The fuck? Hindi niya maintindihan?!
Binatukan naman siya ni Trevor dahil magkatabi naman sila ni Elijah.

"Ang tagal mong sinabi tapos sasabihin mong hindi mo naintindihan?!" Sigaw sa kanya ni Trevor at napahimas naman si Elijah sa kanyang batok.

"I don't speak Japanese, okay?" Japanese? I don't speak Japanese either.

"No one speaks Japanese here." Saad naman ni Xavier. Parang Spanish lang ata ang majority ng lahi dito.

"Ano bang sabi?" Tanong ni Hunter. Why does he look interested?

"Kare wa kanojo no seito no hitoridesu." This is something hreat about Elijah. Among us, he has the most photographic memory. Naaalala niya ang mga bagay-bagay.

"Really? That's kinda intruiging." What?! He speaks Japanese?!

"Fuck a Coronavirus in Philippines!" Agad namang sinamaan ng tingin ni Hunter si Andrew.

Really guys, Coronavirus is not a joke. I felt so sorry for those people who have suffered the virus.

"Sasampalin kita diyan, Andrew." Halata sa mata ni Xavier na galit siya dahil sa sinabi ni Andrew. Oww, galit si kuya HAHHAHA.

"Stupid, I am a Half-Japanese not Chinese. Where is your brain?" Sabi naman ni Hunter. Hindi namin alam na nakakapagsalita siya ng Japanese. Tama nga naman Coronavirus went viral in Wuhan.

Tatanga-tanga din tong Andrew nato.
Napkamot naman ng ulo si Andrew at nag-peace sign.

"What does it mean?" Pierce asked. Napansin ko lang at parang nagseryoso nato sa buhat si Pierce. Nakilala niya nga lang ang Anghel niya. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.

"He is one of her students. Kare wa kanojo no seito no hitoridesu." One of her students? The guy was pertaining to Elijah if I am not wrong.

"And after that the guy with the Katana went away saying Sorry. Iyon lang talaga ang naintindihan ko." Sabagay everybody knows some basic words in different country.

"Kung sino man ang humarang sayo ay napakalaki ang respeto kay Cleo." Tama si Yosef. Hindi naman nila tatantanan si Elijah kung hindi mataas si Cleo.

"Maybe. Sino ka nga ba Cleo?" Nako naman matagal na yang bumabagabag na tanong sa isip ko.

Baka nga di lang sa isip ko, kundi sa isip din nila.

Cleo

"Ganyan ka na ba kahina Cleo at hinayaan mong masundan ka dito ng studyante mo?" Bungad sa akin ni Zen pagbaba ko ng hagdan.

I rolled my eyes at him.

"I know what they're up to, Zen. Just chill. I know what I'm doing."

I mentally laughed at my students plan. They really want to know me huh. Nalaman na nga nilang Model ako. Gahaman naman ata sa impormasyon ang mga palangging kong iyon.

"Uno nearly sliced Elijah up." Bigla akong napatingin sa kanya. Ano daw? Did I hear it right?

I saw him gulped. He should be scared.

"Tell Uno, I asked for him." I didn't asked them to be here at my place, tapos ngayon tatakutin nila yung studyante ko?

Nako naman, naghahanap ata ng away. Ayoko pa namang magalit.

After a few minutes dumating na siya.

"Cleo." He bowed as a sign of respect. Sinenyasan ko naman agad silang umupo.

"These are my students files. I want you to know them para sa susunod hindi na mangyari ang nangyari kanina." He rolled his eyes at me. Aba't!!

I'll talk to Lolo about this matter.

•••••
Keep safe everyone 😇
Vote, Comment and Share ❤️

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now