Chapter 3

4.7K 106 0
                                    


Alexa's POV

"narinig nyo rin ba yon?" tanong ni Marian. Sabay sabay naman kaming nagtanguan.

"mukhang may nag aaway yata" Saad naman ni Julia.

Para malaman namin ang totoo ay pumunta na kami sa lokasyon ng pagsabog. Habang naglalakad ay napapansin naming marami na ring istudyante ang lumalapit at nakikiisyoso.

Kinalabit ko yung babaeng nasa tabi ko.

"anong nangyayari? " nabigla naman sya nung humarap sya. Mukha ba kong halimaw? Ganda ko kaya.

"ano po kasi, si Prince---si Prince brix po kasi biglang nanugod dun sa isang lalaki at pinagsusuntok hindi po namin Alam Kung anong dahilan" nakayuko nya pang Saad.

Si brix na naman. Kailangan ba sya titigil.

"salamat" tinap ko pa sya sa balikat bago lumakad.

Tumabi ang mga istudyante sa nilalakaran namin papunta Kung nasaan si brix.

"siraulo ka, anong karapatan mong pagsalitaan sya ng ganun ha!? Sya ang nagligtas sa ating lahat!!" sabi nya Habang pinagsusuntok yung lalaki.

Kawawa naman yung lalaki halos Di na makagalaw sa sobrang bugbog.

"awatin nyo na!!" maiyak-iyak na Saad ni Julia na dinaluhan naman ni Alex.

Habang yung natitirang boys ay mabilis na lumapit kay brix at inawat Ito.

"bitawan mo ako cold. Di pa ako tapos sa kanya" pumipiglas pa sya sa hawak ni luke at cold.

"tumigil ka na brix! " pagpapahinto ni Mark sa kanya.

"mga bwisit pala kayo eh. Di nyo kasi naiintindihan" winaklit nya ang braso nya sa kanila.

At sumugod uli dun sa lalaki gamit yung apoy nya.

Pero bago nya pa matamaan yung lalaki ay may pumigil na sa kanya.

Lumingon kami sa likod.

Si kiero.

"ano na naman to brix? " panimula ni kiero.

Di naman nakasagot si brix.

"Di lang naman ikaw ang nasaktan at nangungulila. Di lang naman ikaw ang nawalan ng kaibigan at kapatid. Masakit din sa amin pero kina kaya namin kasi Alam namin na babalik sya at matutuwa sya pag ginawa natin yung tama. Kung gusto mong maging masaya sya at bumalik, gawin mo yung tama para sa sarili mo at kay keisha/athena" pagkatapos nyang sabihin yun ay tumalikod na sya at iniwan kaming may malalim na iniisip.

Habang si brix ay wala sa sariling bumalik sa dorm nya.

"Tara na. Gawin na natin yung mga naiwan nating gawain"

Bumalik na rin kami at tinapos ang mga nakaatang na gawain saamin.















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon