Chapter 35

4.3K 79 2
                                    


Athena's POV

Handa na ba akong mag pakita uli?

"athena, wag Kang mag-alala. Magiging maayos na ang lahat, sa wakas" niyakap pa ako ni kiero.

"gusto ko munang makita sila ama't ina Bago sa mga tao dito sa academy" pakiusap ko sa kanya.

"oh sige. May ayos ka muna tapos pupuntahan kita sa dorm room mo" Saad nito.

Naglakad na ako Papunta sa dorm.

Medyo kinakabahan ako. Sa wakas makikita ko na ang magulang ko.

Pag pasok ko sa dorm room ay nakita ko si Dean.

Nginitian ko sya.

"salamat" - ako.

"para saan?" pagtataka nya.

"sa lahat. Sa mga tulong mo. Sa pagsama mo saakin. At Dahil din narealize ko na Hindi ako kumpleto pag wala sila sa buhay ko. Ikaw ang nagparealize saakin non kaya salamat" tapos niyakap ko pa sya.

"wala yon. Basta pag kailangan mo ako Nandito lang ako" sa bit ni Dean tapos tinap pa yung ulo ko.

"sumama ka saamin sa palasyo para mapakilala kita" - ako.

Tumango sya at nagsimula na kaming magbihis sa sarili naming mga kwarto.

Nakasuot ako ng dress na blue. At kinumpas ko ang aking kamay para bumalik sa dati ang aking anyo.

Namiss ko Ito. Yung makita yung dating itsura ko parang feeling ko naging malaya akong ihayag kung sino talaga ako. Sa wakas, naging totoo na rin ako sa sarili ko.

Kakalabas ko palang sa kwarto ko ng may kumatok na. Pinagbuksan ko yon at si keiro iyo kaya pinapasok ko na.

"ready ka na?" may ngiting Saad nya.

Napangiti na lang din ako. Nung mga oras na Di pa ako nagpapakilala sa kanila napapansin Kong bihira na syang ngumiti pero ngayon ang say a saya kahit yung aura nya.

"openum portatum palasiyo dande" Pagkatapos Kong banggitin yon ay nasa harap na kami ng palasyo .

Binuksan agad yon ni keiro.

"ama!! Ina!!" sigaw ni keiro.

Masaya ako at the same time kinakabahan.

Dumeretso kami sa hapagkainan. Nakita namin sila doing Nag uusap.

Una nilang nakita si kiero pero ako nagtago sa likod nya. Hay!!

"anak!!" masayang Saad ni Ina kay kiero.

Nakita ko syang papalapit dito para yakapin sya pero napansin nyang may tao pa sa likod. Kaya umalis na ako sa pagtatago.

"a-anak. A-Athena!?" umiiyak na sa bit ni Ina.

At ako? Ngumiti sa kanya Habang may mga luhang bumabagsak sa a king mata.

Miss na miss ko na sila.

Mabilis akong niyakap ni Ina Habang si ama napatayo sa kanyang inuupuan at Mabilis na lumapit kung nasaan kami para yakapin ng mahigpit.

"anak, bakit ngayon ka lang?" may bahid na rin ng luha si ama.

" Di na importante basta Nandito ka na anak" sagot naman ni Ina.

Ilang minuto pa kaming Nag iyakan ng niyaya na kaming kumain ng sabay sabay.

Hanggang pumasok si kuya Kyle.

Nung una Di nya pa ako nakita hanggang sa nakalapit sya.

"athena! Athena! Sa wakas Nandito ka na matagal ka naming hinantay. Masaya akong Nandito ka" Saad nya Habang napakahigpit ng yakap saakin.

"kuya, masaya rin ako na kasama ko na kayo" may sayang sambit ko.

"kumain na tayo mga anak. Isama mo na rin ang kasama mo athena" Saad ni ina.

Hinatak ko na si Dean at magkatabi kaming umupo.

"sya po si Dean" pagpapakilala ko.

"kamusta ka Dean!" kamusta ng aking ama

"ayos lang po, mahal na hari " pormal na Saad ni Dean.

"wag ka ng maging pormal saamin" - ama.

Masaya kaming nagkwekwentuhan Habang kumakain.

"kayo na ba ng prinsesa ko?" namula naman ako sa tanong ni ama.

Sa sagot na sana ako ng maunahan ako ni Dean.

"Di pa po" sagot nya.

"Di PA , ibig sabihin magiging kayo din!?" sabat ni keiro.

Nilakihan ko naman ng mata si Dean at itong lalaking to. Nginitian lang ako. Loko Loko talaga to.

"wag po kayong maniwala sa kanya" pasigaw Kong Saad.

"wag Kang masyadong defensive, hon. Malalaman na din naman nila" tumatawa pa nitong sambit.

Gosh, talaga Ito!!!.

"hon honin mo mukha mo, bwisit ka!!!!" tapos pinagsasabunot ko na sya.

Hanggang sa nahulog na kami. Parehas naman kaming napa-aray.

Nagtawanan naman yung mga nanonood saamin.

"ang cute nyong dalawa" sabi ni ina.

Tumatawa pa rin nilang pinagpatuloy ang pagkain.















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon