Chapter 19

3.9K 71 2
                                    


Dean's POV

Ilang araw na syang tulog

Nag aalala na ako. Tumalab ba yung binigay na gamot?

Lumabas muna ako para magpahangin.

Ano kayang nangyare?

O baka may nakita syang Di nya nagustuhan.

Dahil ba yun sa lason o may iba pang rason ?

Nagulat ako ng biglang kumulog ng malakas.

Nagbagsakan ang malalaking patak ng ulan.

Humangin ng malakas.

Pumasok agad ako sa loob ng bahay.

Keiro's POV

Bigla na lang nag iba ang panahon.

Kanina halos tirik ang araw. Anong nangyayare ?

Parang nangyare na to dati.

Pagnasasaktan sya. Pagmalungkot.

Ibig sabihin buhay sya?

Walang mapagsidlan ang tuwa ko pero na saan sya ngayon?

Hahanapin kita at makakasama uli.


Kapatid ko.

Dean's POV

Tinignan ko sya. Umiiyak sya Habang tulog. Nakayukom ang kayang mga kamay. Lumungkot ang kanyang mukha.

Sya ba ang dahilan kung bakit nagkakaganito?

Lalong bumagsik ang panahon.

Ginising ko na sya baka maraming mapinsala.

Niyugyog ko sya. Pero wala pa din.

Sasampalin ko na sana sya ng imulat nya ang kanyang mga mata

"ayos ka na ba? " tanong ko.

Tumango lang sya parang naging malamig ang pakikitungo nya.

Umayos na kahit papaano ang panahon.

Mukhang nasasaktan sya.

"kumain ka muna. Ilang araw ka ring tulog" yaya ko sa kanya .

Di nya pinansin ang sinabi ko.

"papasok tayo sa academy at magpapalit ng anyo para Di nila tayo makilala" deretsong sambit nito.

Ambilis naman. Kakagising nya pa lang. Baka mabinat to.

"mamaya na natin gagawin ang pagpapalit anyo at bukas na tayo mag enroll sa academy" malamig nitong saad.

Wala naman akong magagawa kasi desisyon nya to. At sya ang masusunod.

Sigurado naman ako sa desisyon nyang to. Alam Kong may binabalak sya.
















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘








TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon