Chapter 29

4K 69 0
                                    


Mysterious someone's POV

Ang sakit pala pag sa iba na sya masaya.

Pag Hindi na ikaw yung nagpapatawa sa kanya.

Hindi na ikaw yung lagi nyang kasama.

Yung iba na yung minamahal nya.

At harap harapan mo pang nakikita.

Umiwas na lang ako ng tingin sa direksyon nila.

"ayos ka lang?" tanong nya.

"oo" umakbay na lang sya saakin.

Mark's POV

Kanina pa kami palakad lakad.

At napapansin ko na parang paulit ulit na lang yung dinadaanan namin.

"guys, di nyo ba napapansin?" tanong ko.

"ang alin ?" pagtataka nila.

"kanina pa tayo nakadaan dito. Mukha yatang naliligaw tayo" - ako

"Hindi tayo naliligaw. Its just an illusion" Saad ni lana.

"illusion!? Paano mo nalaman? Siguro, ikaw ang nagliligaw saamin no!?" bintang ni krishel

"wag mong gaganyanin si lana. Sinasabi nya lang ang nakikita nya" pagtatanggol ni dean

"malay mo sya pala yung traydor" - krishel.

"at malay namin kung kayo pala ang traydor" sambit ni lana at biglang namutla si krishel.

"n-napansin ko lang naman" nauutal na Saad ni krishel.

Parang may Alam si lana na Di namin Alam about kay krishel.

"tama na yan. Kung makapagbintang ka naman kasi krishel, sobra na" may galit na Saad ni Marian.

"gawan na lang natin to ng paraan " mahinang Saad ni Julia.

Naghanap muna kami ng konting clue pero Bigla na namang Nagbago ang paligid.

"guys!?" pero walang sumagot.

Pag tingin ko sa likod wala sila.

Shit

"babe!!!" Hindi pwede to.

Brix POV

Nagkalayo layo kami.

May kumokontrol sa illusion na to.

"may nahanap ka na?" tanong ko kay lana.

Di sya sumagot.

Kaya tumingin ako sa kanya.

Nakatunghay lang sya dun sa may bato kaya tinignan ko din.

"shit!!! Brix yumuko ka!!" sigaw nya

"bakit? Anong nangyayare!?" takang tanong ko.

Tumakbo sya Papunta saakin at tinulak ako.

"ugghh!!" daing nya.

"maging alerto ka! May umaatake saatin" sabi nya at tumayo.

Biglang nagpaulan ng mga pana .

"iwas !!" sigaw ko.

Nakikita ko syang nahihirapan. Kaya lumapit ako.

"ayos ka lang ba?" Nag aalala Kong tanong.

Tumango lang sya. At pinagpalit nya ang pwesto namin.

"ughh!, maging alerto ka lagi para Di ka mapahawak. Ayaw pa naman kitang na sasaktan" bulong nya pero narinig ko pa rin.


















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon