Chapter 12

4K 86 1
                                    


Third person's POV

May isang babaeng naghihintay na makabalik sa kanyang totoong tahanan.

Sa kanyang pamilyang nais nya ng yakapin at hagkan.

Sa mga kaibigan nyang gusto nya na ring makasama.

At sa taong tunay nyang minamahal ng buong puso.

Pero kailan nga ba? Ilang taon na syang namamalagi dito. Ilang taon na syang nangungulila.

Lagi nyang pinapakiusapan ang mga god at goddesses. Pero wala silang ibang sinasagot kundi 'sa tamang panahon'.

Kailan pa ba yung panahon na yon?

May panahon pa ba talagang nakalaan sa kanya?

Sa mga oras na namalagi sya dito ay para Di sya mabagot ay ginugol nya sa pag aaral ng iba't ibang mahika, pagtuklas ng technique para sa mabilisang pagpapagamot sa mga nasaktan at pagpapalakas pa ng kapangyarihan nya.

Pero isang araw Habang nag eensayo sya ng kanyang espada ay dumating ang nakakataas na godesses.

Yumukod sya bilang paggalang dito.

"ano pong kailangan nyo goddess zes" magalang nyang tanong.

"lagi Kong nakikita ang iyong determinasyon na makauwi. Ang labis mong pagmamahal sa kanila ay nagpatunay na dapat ka na nga ng bumalik" mahinhing Saad ng dyosa.

Totoo ba ang narinig ko? Tanong nya sa isip nya.

"Totoo iyon binibini" sagot naman nung dumating na si god rain.

Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman nya.

"salamat po talaga. Mara ming mara ming salamat po" umiiyak nyang sambit.

Sa wakas. Sa tagal nyang inaantay to ay nangyare na.

"nararapat lamang na matanggap mo yun. Dahil sa mga ginawa mo at pagsisikap. Pero mahihirapan ka sa iyong pag babalik. Marami kang dapat na pagdaanan Bago makamit ang gusto mo " paliwanag ng mga god and godesses.

"lahat po gagawin ko. Kahit mahirap man yan kakayanin ko para sa kanila " Saad nya.

"oh sige. Ipapasama ko si Dean para kahit papaano ay maging maayos ang paglalakbay mo. Kailan mo ba gustong umalis?" ngumiti sya sa kanila.

"bukas po. At salamat po uli sa lahat ng tulong na binigay nyo saakin tatanawin ko po iyong malaking utang na loob" nag bow pa sya sa kanila.

"Tara na para makapagpahinga ka pa" yaya nila sa kanya.

Makikita ko na rin kayo. At sana maging masaya kayo sa  pag babalik ko. Di na ako makapag hintay sabi nya sa kanyang isip.

















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘



TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon