Chapter 22

4.1K 64 0
                                    


Alexa's POV

May narinig akong may Bago daw istudyante. Halos kalat na sa buong academy pero bakit ngayon pa? Halos mangangalahati na kami ng pinag aaralan.

Hindi naman sa ayaw ko pero nakakabigla lang at pinayagan pa ni Hm Kyle.

Siguro may dahilan sya lahat naman eh.

At Ito pa deretso agad sila sa section namin. Sigurado akong malakas sila.

Sila krishel and her friend? Di ko nga Alam kung bakit nasa section namin sila.

Ewan ko kay Hm iba yung ikot ng utak. Ang gulo.

May kumalabit saakin.

"babe, tawag daw tayo ni Hm" si Mark pala.

"okay, Tara na?" tapos sabay na kaming lumakad.

Papalapit na kami sa office ni Hm ay naramdaman akong lakas. Dito pala yun nanggagaling.

Malayo palang ramdam ko ng ang lakas ng kapangyarihan na Ito.

"ramdam mo ba yon, babe?" tanong ko.

"oo at Di ko matigilang taasan ng balahibo sa katawan. Sobrang lakas" sagot nya.

Pagbukas namin sa pinto ay napalunok kami.

At napatingin sa isang babae.

Walang ekspresyon ang mukha. At mukhang boring na boring.

Napatingin ako sa kabuuan ng office. May matanda at isang lalaki pa pala Dito.

Di ko napansin Dahil dun sa babae.

"G-Good d-day , Hm Kyle" nauutal na bati ni Mark.

"Nandito na pala kayo. Maupo kayo Dahil may iuutos ako sa inyo" umupo naman kami. Sa kabilang coach.

"isa po sila sa mga royalties. At sila po ang mag tuturo sa inyong mga apo ang magiging dorm nila. At magtotour na rin para malaman nila ang mga gusali dito" may ngiting sambit ni Hm.

Tumingin naman ako uli sa babae.

May itim syang buhok, morenang kutis, may katangkaran din, kulay brown na mata, matangos na ilong, manipis na labi at napaka gandang mukha. Ang ganda nya kahit Hindi naka ngiti.

"I know" lumingon ako sa likod ko. Parang may nagsalita.

"ayos ka lang babe? Anong hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Mark.

Baka guni guni ko lang yon

"no, it's not. Kinakausap talaga kita" Bigla akong napatingin Don sa babae.

Sya ba yung nagsalita sa isip ko?

"ako nga" tapos Bigla syang Tumingin saakin

Nakakatakot yung tingin nya. Bigla akong nanginig.

Shit. Di ko mapigilan. Lalo Kong nararamdaman ang lakas nya.

"lana, calm down. You scared her" sabi nung lalaki ng katabi nya.

Nag smirk lang yung babae.

"dalin nyo na sila sa dorm room nila" utos ni Hm. Tumango na lang kami at Lumabas.




















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon