Chapter 42

4.4K 83 20
                                    


Athena's (The real one) POV

Hindi tama ang ginagawa ni krishel. Hindi na talaga!

Okay lang na ako ang saktan nya pero yung gamitin nya yung sarili Kong identity para lang masaktan ang mga mahal ko sa buhay!!

Ibang usapan na yan. Lalabanan ko na talaga sya. Nung una pinapalagpas ko lang ang mga ginagawa nya! Ang pagtratraydor nya! Kasi akala ko may rason sya o Di kaya may tama syang pinaglalaban.

Pero Hindi pala. Nagiging makasarili lang sya! Nagiging sakim para sa sariling kapakanan.

Ang gusto nya lang ay malakas na kapangyarihan para maging angat sa iba.

Wala talaga syang puso!

Di na ako makakapayag! Kailangan ko ng tapusin Ito para sa ikakabuti ng lahat.

"tama na ang pagpapanggap mo, krishel!!" sigaw ko.

Alam ko wala pang makakakilala saakin Dahil Puno ako ng dumi at dugo pero Di ako mapipigilan nito para Di matalo si krishel.

Kahit unti na lang ang lakas na natitira saakin.

"ang galing! Ang galing galing mo talaga" may pagka sarkastikong Saad ni krishel.

Dahan Dahan syang lumapit saakin.

"kaunti na nga lang tutumba ka na! Paano mo pa kaya ako matatalo" tinaas nya pa ang kilay nya. Sabay hampas saakin ng baging.

Napaluhod naman ako. Shit! May iba pa pala syang kapangyarihan.

"athena!!!" sigaw ng isang boses.

Kaya tumingin ako kung saan nanggagaling ang boses na yon.

Si Dean.

Lumuhod sya sa tabi ko at nilapat ang kamay sa likod ko.

Habang tumatagal Nagiging magaan ang pakiramdam ko at bumabalik ang lakas ko.

Tumingin ako kay Dean.

"salamat" bulong ko.

"labanan mo na sya at talunin mo para Habang buhay ng maging payapa ang buong Kingdom. At para maging masaya ka na rin" sambit ni Dean.

Tumayo na ako at naghanda na para sugudin si krishel.

"royalties, ilikas ang mga taong naririto at wag na wag kayong makikisali sa laban na ito. Ako na ang bahala at magtatapos" utos ko na sila.

"pero athena--" pinutol ko ang sinabi ni Marian.

"wala ng pero pero. Dalian nyo na!!" sigaw ko.

"tutulungan kita" sabat naman ni Brix.

Tumingin naman ako sa kanya.

"ayoko ng mawala ka. Ayoko ng magkahiwalay tayo uli. Ayoko ng mawalan ng mahalaga saakin. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kaya kung lalaban ka, lalaban din ako. Di ka Nag iisa kasi Di nakita iiwanan. Lagi na akong nasa tabi mo at gagabay sayo" Saad ni Brix Habang hawak hawak ang kamay at mukha ko.

May tumulong luha sa mata ko.

Di ko pa rin talaga kayang Di sya mahalin kasi nakabaon na dito sa puso ko yung pagmamahal ko sa kanya.

"mahal na mahal pa rin kita, Brix" tapos niyakap ko sya.

"Ano na! ganyan na lang kayo!? Dramahan !?! Mga walang kwenta" sabat naman ni krishel.

Napaka bitter naman nito. Inggit lang sya eh.

"Tara na. Tapusin na natin to!" hawak kamay kaming sumugod ni Brix.

















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon