Chapter 41

3.9K 72 5
                                    


Third person's POV

Ilang araw nang nakakulong si athena  sa lumang bahay puro bugbog ang katawan.

Di sya makalaban Dahil sa lason na nasa katawan nya at Dahil na rin ginagamit nya ang natitira nyang lakas para humina ang bisa nito at makalaya sya.

Para mapigilan ang mga plano ni krishel.

Sa kabilang dako naman ay naghahanda na ang buong Kingdom para sa pagtitipon.

Marami na ring nagdadatingang may mga magagarang suot.

May mga suot din silang makikintab na hikaw, porselas at necklace na lalong nagpapaganda sa suot nila.

Pinag uusapan nila ang pag babalik ng makapangyarihang prinsesa.

Lalong Lumakas ang bulungan ng pumasok ang mga royalties.

Pwera lang kay Brix at kay athena.

Brix POV

"hon, di pa ba tayo dun pupunta!? I'm bored na here eh" maarteng Saad ni athena.

Hindi ko sya pinansin.

May Nag iba talaga kay athena eh nung nakaraang araw pa.

Parang Di na sya yung athena na Alam o kilala  ko.

"hey, hon!! Ano na!?" padabog pa nyang sabi sabay kapit sa braso ko.

Nag iba na rin sya ng pananamit

Mas pinipili nya na ang mga malalaswang kasuotan.

Ano ba talaga ng nangyayari??

"ayaw mo naman akong pansinin, hon eh!" - athena

"Tara na baka kailangan na tayo sa baba" yaya ko.

Bungad palang sa hagdanan ay rinig na ang malamyos na awitin at ang mga Nag uusap na mga panauhin.

"ang mahal na prinsesa at prinsipe!!! " - Bungad nila saamin

Tumingala sila saamin at nagpalakpakan  habang pababa kami ng hagdanan.

Pababa palang kami ay tanaw ko na ang mga kaibigan namin at ang ibang hari't reyna. Pero si athena Di man lang sila tinapunan ng tingin

"salamat! Salamat!!" may pakaway pa si athena.

"bigyan natin ng masigabong palakpakan si prinsesa athena at ang mahal na hari't reyna" Saad ng tagapagsalita.

"mabuti't nakarating kayo sa walang kwentang pagtitipon na Ito" may ngising Saad ni athena

"Ano bang sinasabi mo athena?!?" bulong ko sa kanya.

"totoo naman Di ba!? Walang kwento to! Wala kayong mga silbi. Umaasa lang kayo saakin kasi mga inutil kayo!! Mahihina ang mga kapangyarihan nyo!! Hahahaha" tumawa pa sya ng malakas.

Nag bulungan ang mga panauhin.

May ibang naiinis, nagagalit at naguguluhan sa sinabi ni athena.

Ano bang sinasabi nya?

Bago uli magsalita si athena ay nakarinig kami ng pagsabog.

Pag tingin ko sa Bungad ng pasilyo ay nasira na ang pinto nito.

Pumasok ang sugatan na babae.

"Hindi sya ang totoong athena!! Peke sya!" sigaw nito.

"A-At paano mo nasabi yon!?" nauutal na Saad ni athena.

Di ko makita ng mabuti ang itsura ng babae Dahil puro dugo at dumi Ito.

"Dahil ang tunay na athena, di ganyan ang pananamit at pananalita! Akala mo ba Di ako makakatakas!? Di ako mahinang nilalang para matalo mo lang! Hanggang dito ka na lang Krishel!!!" malakas na sigaw nung babae.

Kung si krishel to? Nasaan si athena!?


















-----------------------------------------------------------
Thank you for reading my story!!
😘😘😘

TLLPPOA 2: New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon