Just One Wish

52 4 0
                                    

"aba! Naloloka na ako ah sa skwelahan na yan. Puro nalang paper works, wala ba silang pahinga?! Kaya nagbibigti mga studyante dito eh" tumawa ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa libro na hawak ko

Hindi naman sa puro aral kasi dito. Sadyang naka focus lang sila sa matututunan ng studyante nila, ayaw lang naman siguro nila na masayang ang tuition na pinapambayad namin dito. Ewan ko lang sakanya kung yun pagkakaintindi niya,ibang tao kasi yan, lagi gustong nasa gala kahit na nag aaral. Gusto niya hindi lang aral ng aral hindi yung nakukulong siya sa puro aral masisira daw utak niya duon-este beauty daw niya hahaha

"hoy! Potter head"

"aray naman!" napahawak ako sa braso ko ng tapikin niya yun ng malakas

Walang araw na hindi yan nananakit yan si 'cloe dela vaste' pinaka 'brutal na first honor' ng 2A

"pangiti ngiti lang ako dito pero naasar na ako. Alam mo? Ambastos mo kahit saang banda. Kinakausap ka tapos nagbabasa ka lang" kinuha niya ang inuming juice habang nakatingin saakin ng masama na may pagkataray

Ohh diba? Kaibigan ka pero tingin sayo kaaway niyang kapitbahay. Oo mahilig yan mang away ng kapitbahay nilang 'chismosa daw'. Kahit mayaman yang babaeng yan eh hindi makapag request ng bakod sa parents niya kahit gaano siya ka spoiled. Eh ano namang mapapala niya sa magulang niya? Eh sobrang open village tinitirhan nila! Jusmeyo anlakas niya magreklamo na ke ingay ingay daw ng kapitbahay niya dahil chismosa 'raw' tamo kahit na mayayaman nakatira duon di maiwasan mga chismosa. Pero hindi lang yang kapitbahay nila kaaway niya, madami pa. Itaya mo na pera mo, mananalo to

"nakikinig naman ako sa sinasabi mo ahh, tsaka hindi naman puro aral dito, next week aalis papuntang manila, chossy ka pa?" sagot ko at ibinaba ang libro tsaka yun isinara matapos lagyan ng palatandaan

Diba nga gusto niyan laging nasa galaan? Nasanay kasi nung highschool ehh pa easy easy lang siya, nakakatravel siya kung saan saan. Galing nga niyan manghabol ng requirments niya dati, pero ngayong nag senior high na kami ehh wala na, wala na siyang time umalis tsaka hindi niya kayang habulin mga requirements kaya No choice siya kasi first honor yan ever since hindi naman sa pinupush siya ng papa niya or mama niya kasi trip lang daw niya. Siraulo yan ehh gusto pala magtravel tapos gusto din mataas grades, magrereklamo siya oag hindi siya makagala, magrereklamo din siya pag mababa nakuha niya, dakilang siraulo

"alam ko! Pero anong pupuntahan natin duon? Robitics?! Seryoso?!"

"even though robitics eh manila parin yun tsaka bibigyan naman tayo ng oras para makapasyal"

"if we got the title, kaya galingan mo kasi ikaw lang naman mahilig jan. Kahit na laki akong first honor, wala akong interes jan ni minsan tsaka jen don't play innocent naman, try mo naman maging badshit"

"anong gusto mo? Sa manila ako mang gulo gaya mo?"

"exactly!"

Ganyan siya eh kahit na matalino siya wala siyang interest sa mga bagay bagay tulad ng robotics mga ganun. Katamaran lang niya, bat ba naging honor student pa yan kung tamad lang din naman pumunta sa mga competition? Mas may oras pa siya sa gala gala niya tsaka lagi niyang hinahaluan ng dumi utak ko di na natigil tigil yan

"honor student ka, dapat naiintindihan mo ko. Sana pala di ka na naging honor, no use cloe"

"sipsip ako sa mga teacher kaya ganun. Shinoshota ko pati matandang teacher, nililibre ko mga ibang major teachee natin! HAHAHA ano ba jen! Matanda na tayo kaya dapat tayo na nagdedesesyon sa sarili natin. Tss! I bet baka tumanda kang ganyan, mag madre ka nalang kaya? Mabubulok talaga yang pagkababae mo. What if Magpaalaga kaya ako sa lolo at lola mo? Baka sakaling bumaliktad mundo baka maging banal akong babae" umiling nalang ako at tinapos ang inuming juice "Osya, let's go home na it's already 10:00 pm baka hinahanap ka na ng lolo mo, remember hanggang 10:00 ka lang pag friday. Happy birthday ulit jen, yung wish mo hah?" natawa ako sa huling paalala niya

kunwari magpa paalala pero ibig sabihin niyan yung wish niya i wish ko, na magkaruon ng totoong boyfriend

Tumayo ako at kinuha yung libro

Tuwing birthday ko pinupunta niya ako sa isang resto sakto ngayon at friday kaya nakatagal kami dito. Pag may event tsaka lang kami pumupunta dito hindi kasi ako mahilig sa mga ganto mas gugustuhin kong kumain kasama sila lolo at lola kaysa lumabas ng wala sila, pumapayag lang ako pag kelangan talaga. Hindi rin kasi purkit kaibigan ko si cloe ehh aabusuhin ko yung kakayahan niya, nililibre niya ko lagi kahit alam niyang may pera ako. Mayaman kasi siya, mapera ganun ayaw ko namang iba isipin ng tao

"13 years na mula ng matupad yung wish ko at 13 years narin mula ng mawala yung wish ko cloe"

Mag wiwish ka na nga lang isang beses sa isang taon ehh mawawala pa

"jen it happens for a reason, buti nga sayo eh kahit binawi agad eh natupad. Paano naman yung akin? Sa isang taon meron sa hundred times akong magwish pero puro kamalasan nangyayari. Just one wish jen. Ayaw mo magpa-debut party, ayaw magpahanda manlang ayaw tumanggap ng kung ano. Jen 18 kan--"

"yun na nga cloe, 18 na ako hindi na ako bata para maniwala sa ganyan. Kung para sayo, para sayo talaga, hindi ko naman kailangang humiling ng kung ano cloe.Kung anong meron ako eh sapat na yun sakin, I don't need to wish something that is just i want from god cloe. I'm contented cloe sobra sobra na yung kayo" napabuntong hininga ako ng yakapin niya ako

"alam kong hindi parin nawawala sama ng loob mo jen, but please dont let that day will give you reason to give up" tinignan ko siya ng humiwalay siya sa pagkakayakap "You have no fantasy jen, hopes, even a dream, you never been a kid since that day jen. Just one wish jen, walang mawawala pag sinubukan mo,ulit"

Bata pa ako ng hilingin kong makita si mama at papa, Yun lang. Sabi ni lola dalawang taon ako ng iwan ako ni mama at papa sakanila. Nung 5 years old ako nagwish ako na makita si mama at papa, sobrang tuwa ko na nun kasi matutupad na sa wakas. limang taon palang ako nung time na yun pero agad akong minulat ni mama at papa sa katotohanan. Birthday ko pa nun, kinausap ako ni mama at humihingi siya ng tawad kasi wala siyang mahihaharap na buong pamilya sakin dahil hiwalay na raw sila ni papa dati pa bago mabuntis si mama sabi pa niya na maling pagkakamali daw ang nangyari sakanila ni papa. Sabi naman ni papa hindi daw niya ako pwedeng kuhanin dahil may pamilya siya at ayaw niya ng malaking gulo. Gusto ko lang silang makita hindi ko naman hiniling na magkasama sama kami at mas lalong hindi ko hiniling na marinig mga yun

"lolo! Lola nandito na po ako" ng makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko na agad si lolo at lola na pababa sa hagdan. Mabilis akong lumapit sakanila at nagmano tsaka ako humalik sa pisngi nila "lolo sabing wag na kayong pumuntang farm, ako na bahala duon binisita ko na yun kaninang umaga, tanghali at hapon tsaka lola naman! hindi naman kailangang magluto ka pa, nanjan naman si nanay ori. Kala niyo makatatakas kayo sakin ha?" panenermon ko sakanila at sabay silang tumawa habang ipininta ang masayang muka

"happy birthday Jen" bati ni lola at sumunod si lolo sa pagbati kaya niyakap ko sila

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now