twentytwo

7 0 0
                                    

"XYMON!" inagaw ko sakanya yun ng ihampas niya yun sa semento

"That's what you got if you touch me"

"alam mo ba kung gaano kahalaga t--"

"money?! I'll give you a damn! How much 50 thousand? Hundred thousand? Gusto mo isang milyon?" sasampalin ko sana siya ng biglang kumidlat

Talaga ba? Ngayon pa? Sa lagay na to?

"asshole" tumalikod na ako at naglakad paalis duon. Tumakbo ako para mas mabilis na nakarating sa bahay dahil sa kidlat. Napatigil ako ng may van na tumigil sa gilid. Ngumiti ako at sumakay duon ng malaman kong si kuya carlo yun

"salamat po"

"ibalot mo yang tuwalya sa katawan mo" ibinaba ko yung gitara at ginawa yun. Napatingin ako sa may pintuan ng bahay dahil nakatayo duon si victor habang naghihintay. Napasapo nalang ako sa nuo ng makarating kami duon

"jen! Did you get my gui--"

"sorry" sabi ko at tumango siya. Tsaka ngumuso sa gilid kaya tumingin ako duon. Yung speaker at lahat ng gamit sa gitara ay sira. Nahulog mula sa taas

"i thought it will be fine withouth that. But now it's really useless without the guitar" tumalikod siya at pumasok sa loob. Kinuha ko ang mga yun at inilagay sa likod. Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas

Hindi masama pakiramdam ko kasi sa nagastos ko. Masama pakiramdam ko para kay victor. Napunta sakanya pero nawala din. Ayukong dalhin niya yun hanggang sa paglaki niya kasi ako hanggang ngayon dala dala ko parin

Napalingon ako sa may shower room ng makita kong nanduon lahat ng mga aso. Tumakbo ako papunta duon pero malayo ang tinigilan ko

"okay, paano ba t--" napaupo ako ng bigla ulit kumidlat

Bat nakalabas nanaman kayo? Hindi siguro ako masyado madadapuan kasi umuulan

"uhmm. go here" itinuro ko malayo sa pintuan ng washroom para duon sila pumunta at pumunta naman sila duon. Tumakbo ako papunta sa bodega at kumuha ng madaming tuyong damit. Kumuha ako ng payong at pumasok sa loob ng washroom. Nilagay ko yun sa may gilid at mas kinapalan pa ang mga damit

"okay, go inside!" ngumiti ako ng sumunod nanan sila napatingin ako kay ero habang nakatingin siya saaking papasok

"good boy" sabi ko, tumalikod ako at kumuha ng pagkain nila at mga plato na lalagyan ng pagkain nila. Mabilis ko yung nilapag sa harapan nila ang mga plato na may lamang dog food. Kumuha ako ng malaking planggana at nilagyan ng tubig

"jan muna kayo matulog hah? Magigising ako ng maaga bukas" isinara ko ang pintuan at tumakbo papunta sa bahay

Paano na yung kay victor

Inayos ko ang sarili pagkatapos maligo at nagbasa ng libro hanggang sa maisipan kong matuloh

Bumangon ako at mabilis kong isinuot ang jacket, pajama at mask pagka gising ko ng umaga. Pumunta ako sa wash room at binuksan yung pintuan

"labas na" lumayo ako ng nakatingin lang sila saakin. Napangiti ako ng magunahan silang lumabas ng makalayo ako sakanila

"Good boy" sabi ko atsaka sila nagwaksi sa labas. Kinuha ko ang mga plato at inilabas tsaka ko yun nilagyan ulit ng pagkain. Binitbit ko ang planggana at inilabas. Naglakad ako papunta sa dog house at huminga ng maluwag

Buti nalang pala pinakawalan kayo. Kung hindi basang basa kayo tsaka lalagnatin kayo jan

Tinaggal ko ang mga isinuot ko at naghugas ng kamay tsaka muka. Matapos yun ay nagluto na ako.

"MOM AHHHH!!" napatayo ako ng sumigaw si xyra. Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil kumakain kami ni victor dito sa lamesa

"victor" pagbabanta ko sakanya at tinignan siya

"ubusin mo na yang kinakain mo" sabi ko bago umalis

"MOM!" sigaw ni drianna kaya napatakbo ako

"holy shit" mahina kong banggit ng makita ko ang paglabas ni xyra at drianna sa kwarto ni xyra

"VICTOR!!!" sigaw ni viyen

"oh my god! Call carlo! Dadalhin natin sa hospital si xyra!" sabi ni drianna

"ohh my god. Your face is beautiful" sabi ni brianna at natawa habang papaalis para tawagin si kuya carlo

"VICTOR!!" tumakbo ako at inabutan si viyen

"viyen! Viye--"

"WHAT!!" sigaw niya. Isinara ko ang pintuan sa kusina at huminga ng malalim

"Hi--hindi si victor yung naglagay nun sa muka ni xyra.. Ako viyen!. Dati din, pinaliguan ko lahat ng aso sa pool, nakalimutan kong palitan bago kayo bumalik, hindi ko sinasdaya pero viyen patawarin m--ARAY! VIYEN!" napahawak ako sa buhok ko ng hilain niya yun

Ahhh ansakit

"thank you for the honesty. Wait here. Gusto mo talagang makatikim saakin, then let's see" huminga ako ng maluwag at tumayo ng mabuti. Napatingin ako sa gilid ko ng lumabas duon si victor

"HAHAHAHA" tinawanan niya si xyra habang papaalis

"Victor sa lahat ng napili mo, wax pa? Pumunta ka na sa kwarto mo, maligo kana" nakangisi siyang tumakbo paakyat ng makita niya si drianna

"Im giving you warning victor!" sigaw ni drianna bago umalis. Pagpasok ni victor ay siyang paglabas ni viyen sa kwarto

"viyen" sabi ko ng mahina dahil sa panyo at sintorong hawak niya

"how dare you to touch my daughter?!"

"aray viyen!!" napahawak ako sa buhok ko ng hilain niya yun ulit

"viyen anong ginagawa mo?" hinila niya ng malakas ang kamay ko kaya naitulak ko siya

"viyen so--" tumayo siya at malakas akong sinampal

"hayop ka!" itinali niya ang kamay ko sa may hagdanan habang hinihila ako sa buhok

"viyen pa-pasensya na" ng matali niya yun ay napapikit ako dahil sa ginawa niya. Pumikit ako at ininda lahat ng sakit ng sinturong tumatama sa pwet, paa at likod ko

"You slut!!! Wala kang pinag kaiba sa nanay mong pokpok!!"

"sino nagsabing galawin mo si xyra?!! Hah!!"

"KATULONG KA LANG DITO AT BABAGSAK KANG KATULONG!!"

"uulitin ko, pagmay ginawa ka pang iba? Mas malilintikan ka saakin" tinignan ko lang siya habang papataas ng hagdan

"Raff!!" tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang mga asong nanduon

"stay" sabi ko at umupo. Magdadalawang oras na akong nakaupo duon habang nakatingin lang sa mga aso

"JEN!" minulat ko ang mata ko at tumingin sa tumawag

"Carlo! If you touch her then i will fired you" ngumiti ako kay tatay carlo at tumango

"let's go im late!" sigaw ni viyen

"okay lang po ako tay" wala siyang nagawa kundi ang sumunod kay viyen

"tay si victor!" sigaw ko at binalikan niya yun. Maharas kong hinila ang kamay ko kaya natanggal yun. Tumayo ako ng mabuti at nag ayos ng buhok

"Umattend ka muna sa guitar class mo. Bibilhan kita ng bago" sabi ko at ngumiti

"Your still ugly" sabi niya at tumawa tsaka tumakbo. Ng makaalis sila ay napaupo ako at napahawak sa pwetan

"umalis na kayo kasi nagsisimula na yung allergy ko" umalis sila isa isa pero nakita ko si ero na nanduon lang

"ero sigeh na"

"raff!!"

"ero, isa sigeh na.. Magpa araw kayo duon" wala siyang nagawa kundi umalis. Naglakad ako palabas ng bahay at pumunta sa bahay kong tago. Humiga ako at nagpahinga. Tumingin ako sa mga libro ko at umupo

Sorry talaga

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now