Pagkadating ko sa loob ng bahay ay tinungo ko ang kwarto ni viyen

My daily routine

"viyen?" hinabol ko ang hininga ko ng makarating ako. Tumayo ako ng maayos at hinawi pa gilid ang mga kurtina sa mga bintana, pinatay ko ang aircon at binuksan ang pintuan palabas sa balcon ng kwarto niya

"where's the breakfast?" pumasok ako sa Cr niya habang pinagpapawisan at kinuha ang mga labahan niya. Lumabas ako at ngumiti

Oh shit

"breakfast?"

"WHERE IS MY BREAKFA--"

"breakfast?! Oo nga! Uhhm syempre lahat naman kailangang may umagahan-Oo syempre lahat kailangan yun uhmma--"

"where is it?! Im hungry!" napaubo ako at napakamot sa nuo

"Ma--magluluto palang ako ka--"

"WHAT THE! MAKE IT FAST EVY!!GET OUT!" tumalikod ako ng mabilis at naglakad patungo sa pintuan

Oo nga pala

Pinihit ko ang pihitan tsaka huminto ako at lumingon sakanya

"viyen" pagtatawag ko

"yes evy?" mahinahon niyang tanong ng naka chin up

"jeju island bukas.. Tignan mo sa listah--"

"What!! Bukas na yun?!!" ngumiti ako at tumango ng mataranta siyang napatayo

Tignan mo nga naman kung paano siya mataranta

"Goodmorning" pagbati ko bago isara yun. Naglakad ako papunta sa kwarto ni victor, ang huling kwartong pinupuntahan ko. Nang pihitin ko ang bukasan ng pintuan niya ay hindi yun bumukas. Napapikit ako dahil sa nakalock nanaman yun, huminga ako at kumalma. Ibinaba ko ang apat na lagayan ng labahan at tumayo

"victor!"

"password!" sigaw niya mula sa loob kaya napatingin ako sa kabilang kwarto

Lagi siyang ganyan, ni hindi ko mahanap duplicate key ng kwarto niya

"viyen fart is so annoying" sabi ko at napakamot sa nuo

"MOM!!" binuksan ko kaagad yung pintuan ng buksan niya yun tsaka siya pinigilang sumigaw. Ng bitawan ko siya ay tumawa siya habang sumasayaw

"nakakatawa victor"

"guess what? Our cat is not in the house!!" napakunot nuo ako habang tumakbo siya palabas

"victor! Wala tayong pusa!!" mabilis kong inayos ang kama niya at kinuha ang labahan niya. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at isinara yun

Anong our cat is not in the house?

Napatigil ako ng may marinig akong aso. Dahan dahan akong humarap sa hagdanan na bababaan ko

VICTOR!!!!

"lyla, cursi, tootles, fang, kiki, guchi, mely, omi to your house now" tumalikod sila isa isa at umalis. Dumaan ako sa kabilang hagdan at inilagay sa laundry room ang mga labahan nila

Baka nilalaro nanaman ni victor si ero. Si ero kasi yung paboritong aso niya

Dumiretsyo ako sa kusina at naglabas ng mga lulutuin. Naglabas ako ng dalawang baso at nilagyan yun ng tubig at gatas tsaka ako naglagay ng coco crunch sa isang bowl at nilagyan yun ng gatas tsaka ko inilagay sa lamesa. Lumabas ako sa kabilang pintuan at tinungo kung nasaan si victor

"victor!" paninita ko ng makita kong nilalaro nga niya si ero

"what!" tanong niya ng may asar at tumayo

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now