twentythree

5 0 0
                                    

Pumasok na ako sa isang opisina habang dala dala ang isang malaking bag . Kahapon ko palang to napagdisesyon at wala na akong balak umatras

"goodafternoon po" sabi ko pagkapasok ko sa loob ng opisina

Opisina ni lolo fredriko

"Is there anything you want to asked?" tanong ni lolo fredriko pagkalapit ko. Kinuha ko ang bag at ipinatong duon sa lamesa yung mga librong nasa loob nun

"Gusto ko po sanang ibenta tong mga libro ko. Lahat po yan orihinal at kompleto, sobrang dami po niyan kailangan ko lang po talaga ng pera. Alam kong wala na pong kwenta sainyo tung mga tuh dahil bago na ang mga libro ngayon pero alam ko po may mga magbabasa pa pong naghahanap ng mga ganto. Kailangan ko lang po talaga ng pera"

"What would you do in the money?"

"hindi niyo po maiintindihan pero para kay victor po" sagot ko at tumigil siya ng ilang minuto

"magkano kailangan mo?" tanong niya

"15 thousand po" tumango siya at may tinawagan. Nakatayo lang ako at naghintay habang binubuhat nila ang mga libro na dala ko

Dito ko na naisip pumunta kasi alam kong may mapapala ako dito ,tsaka tumatanggap naman sila ng libro sa kompanya ni lolo at sinusundan lang ni papa iyon. Kaya dito na ako lumapit, wala na akong choice.

Napatingin ako ng may isulat siya sa isang papel at ibigay saakin yun

"Your book is all mine now" tinaggap ko yun at napangiti

"salamat po" tumayo ako ng maayos at yumuko tsaka nagpaalam bago umalis. Pumara ako ng taxi sa labas at sumakay. Bumaba ako ng mabilis ng makarating ako sa mall

"te--teka ate! Baka naman may stock kayo?"

"maam pasensya na po, kaso yun nalang po ang meron jan" naglakad ako papunta duon at napakamot sa ilong

Paano ba tuh?

Kinuha ko ang gitara at pinakita sakanya

Okay lang naman siguro kay victor kung acostic guitar

"ate magkano po dito?" tanong ko at ibinigay sakanya yun

"8 thousand po maam" ngumiti ako at ibinigay sakanya ang pera na galing pa sa banko. Tinignan ko ang oras, binayaran ko na yun at binilisan ang pagbaba ng mall. Pumara ako ng taxi at pumunta sa skwelahan ni victor

Pagkadating ko duon ay bumaba ako at nagbayad ng pamasahe sa taxi

"victor!" sigaw ko ng makita kong palabas siya ng isang classroom. Pinakita ko sakanya yung gitara na hawak ko na ikinangiti niya

"is this mine?" tumango ako at binigay sakanya yun

"Your ugly" sabi niya at tumakbo papasok ulit duon

"Goodluck!" umupo ako sa gilid at huminga ng maluwag. Pagkatayo ko ay hinawakan ko ang pwetan ko

Sakit na ng pwet ko

Umalis na ako at bumalik sa bahay. Nagluto na ako para pag dating nila ay kakain na sila kaagad

Ilang minuto ay dumating na sila kaya pumunta ako sa harapan

"Saan ka kumuha ng pambili ng gitara ni victor?!" umatras ako dahil sa lakas ng boses ni viyen

"Ib--ibinenta ko lahat ng libro ko viyen" hinila niya ako palapit sakanya at hinawakan ako sa braso

"pagnalaman ko lang na ninanakawan mo ako ng pera dito? Sobra kang makakatikim saakin" itinulak niya ako at sabay sabay silang tumaas

"dalhan mo kami ng pagkain sa taas bukas ng umaga, sa kompanya ako didiretsyo" sabi ni viyen

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now