twelve

7 0 0
                                    

Minulat ko ang mata ko ng makarinig ako ng malakas na tugtog napatingin ako sa orasan na nasa taas ng study table ko 6:58 am?Napatingin ako speaker at sa bintana

Bat walang tumatawag saki--

"Hoooly shit" tumakbo ako papunta sa loob ng bahay at nakita kong wala ang van

"Victor!!" napanganga ako dahil sa lakas ng speaker na tumutogtog sa buong bahay. Tumakbo ako papunta sa sala at pinatay yung speaker

"WOHOOOO!!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ni victor kaya tumakbo ako papunta sa swimming pool at napanganga sa nakita

"Victor!!" sigaw ko at pinatay ang mga fountain na lumalabas sa gilid ng swimming pool

"VICTOR IS IN THE HOUSE! WOOHOO!!" sigaw niya at tumakbo at tumalon sa swimming pool

"lyla, cursi, tootles, fang, kiki, guchi, mely, ero, omi to your house now!" sigaw ko at umalis silang lahat sa swimming pool at tumakbo paalis

"Jusmeyo! Paano mo tinuruan yang mga yan maligo sa swimming pool?! Victor umalis ka na jan at maligo ka-VICTOR!!" napasapo ako sa nuo dahil duon

"Im a pro jen.. So shut u--"

"VICTOR!" inikutan niya ako ng mata at umalis na duon, naglakad siya papunta malapit sa shower room at binuksan yung shower habang nakatingin saakin

"hindi kita mapapaliguan, matanda ka na victor" sabi ko at lumapit sa remote ng pool at isinara yung cover ng pool

Naiwan kaming dalawa ni victor o iniwan talaga kami

"WOHOOOHHH!!" sigaw niya at sumayaw sayaw at inikot ikot ang damit sa daliri. Napasapo ako sa nuo dahil duon. Kumuha ako ng tuwalya at binigay yun sakanya matapos maghubad sa may loob ng Cr sa may wash room. Pagkalabas niya ay inagaw ko ulit ang tuwalya kaya tumalikod siya

"Nagshampoo ka?" inirapan niya ako at bumalik duon

Anong gagawin ko. Naiwan na nga talaga kami

"done"

"nagsabon ka ba?" inirapan niya ako at bumalik duon

Hayy bahala na!

Ilang minuto pa ay natapos na siya sa pagligo kaya umakyat na siya papuntang kwarto para magbihis. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng makakain. Ng matapos yun ay lumapit ako sa may speaker at pinindot kung saang kwarto ni victor

"kakain na"

Dadalawa lang kami ni victor dito sa bah-- si kuya carlo

Napatakbo ako sa may parking lot ng marinig ko ang pagdating ng van

"KUYA CARLO!" ngumiti ako ng lumabas siya duon

"ohh may problema ba?"

"akala ko kami lang dalawa ni victor ang nandito" sagot ko at nakahinga ng maluwag

"hindi ka na ginising ni yiven dahil sinabi kong walang magbabantay dito at baka kawawain ka lang nila duon, buti at nakatulog ka ng mahaba, makapagpapahinga ka ng mahaba dahil dalawang araw silang wala" pagpapaliwanag niya

"paano po si victor? Naiwan siya" umiling siya na natawa

"wala namang pakealam  si viyen sakanya baka mawala pa siya ruon, ayuko na ulit maghanap kay victor dahil ilang beses na yang nawala" napatango nalang ako dahil duon

Wala talaga silang kapake pakealam kay victor. Puro sarili nalang ata nila iniisip nila hysst

"may invetation kahapong dumating, kailangan niyong pumunta ni victor" napatingin ako sa inabot ni kuya carlo, dalawang box at isang card

"yang malaking box saiyo at yang maliit kay victor mamayang 7:00 tayo aalis hah. Wala sila viyen kaya tayo ang pupunta, hindi pwedeng hindi tayo pumunta dahil baka magalit ang lolo mo"

"kuya carlo pwede po bang si victo--"

"ano nalang sasabihin nila sakanya? Sayang naman yang pera kong pinambili sa damit mo" nakangiti niyang sagot

Hah!!

"kuya carlo naman!!"

"jen" sabi niya at tinignan ako ng diretsyo

"sigeh po, kain na po kayo duon" sabi ko at tumango

"ahy salamat at matitikman ko nanaman ang masarap mong luto" sabi niya at tumalikod para pumunta sa guard house

"jen! Juice!" ibinaba ko sa sofa yung hawak kong libro at pumunta sa kusina,kinuhanan ko si victor ng juice tsaka ko inilagay sa kwarto niya. Nilagay ko naman duon ang box na para sakanya

"kumain kana sa baba sabi"

"i dont want to eat alone" sagot niya kaya tumango

"hintayin mo ko sa baba" sabi ko at lumabas ng kwarto niya. Pagkabukas ko ng box na para sakin ay napangiti ako sa magandang heels na nakita ko, nasa 4-5 inches lang siya, isinuot ko yun at napangiti sa ganda. Ibinaba ko yun at tinignan ang mga kumikinang na kwintas at hikaw. Napakagat ako sa labi habang nakangiti ng itaas ko ang damit na sosoutin ko

"Jen! You coming here or ill make an elephant in the room" binitawan ko yun pababa sa kama at pinindot ang speaker

"eto na!" sagot ko, tinaggal ko ang heels na suot at nagtsinelas tsaka tumakbo paalis

"jen napkin" sabi niya kaya tumayo ako at kumuha ng pamunas sa bibig niya

"nakapunta ka na ba sa party?" tanong ko sakanya pero tinuro niya lang ang bibig niya dahil kumalat duon ang kinakain niya. Pinunasan ko yun at kumain

"jen" sabi niya at itinuro ulit ang kabila. Itinuloy ko ang pagkain habang nagiisip

Maganda kaya saakin yung damit?

"jen" tumingin ako sakanya ng nakataas ang kilay. Kinuha ko ang kutsara niya at sinubuan siya

Magpapasubo lang yan

"good" sabi niya at ngumisi

"ang tanda mo na" sacrastiko kong saad pero tumawa lang siya

Pagkatapos kong kumain ay nilinis ko ang kusina at ng buong buhay. Sumapit ang alas sais ay Isinarada ko na ang ibang pintuan maliban sa harap. Tumakbo ako papunta sa bahay at naligo

"jen kailangan ka dito sa sala, dalhin mo na yung mga gamit mo at dito ka na magpalit" pinindot ko ang speaker at sumagot

"sigeh po kuya" sagot ko at kinuha na yun

Napapikit ako dahil sa contact lense na nilagay nung bakla saakin. Nung senior ball nilagyan ako ni cloe ng ganyan at hindi nakontento nilagyan ulit ako nung graduation ball. Sobrang kati na mapapaluha ka

"ohh ayan okay na, magpalit kana muna" ngumiti ako at tumayo

"kuya carlo naman, hindi naman kailangan mag paam ayos" sabi ko at napangiti lang siya

"kamukang kamuka mo ang papa mo.. Ahh oo nga pala pwede bang saatin lang to jordan?" tanong niya sa bakla at napakindat siya kaya natawa akong umakyat habang dala ang mga gamit.

Kinatok ko ang kwarto ni victor pero nakarinig lang ako ng pagrereklamo kaya binuksan ko na yun

"Victor! Bat hindi ka pa nakapalit!" kumunot nuo ako ng mapatitig lang siya saakin

"wow" sabi ko ng irapan niya ako at tumayo

"you still look ugly" sabi niya at kinuha ang box na nasa kama niya tsaka umalis. Pinatay ko na ang tv niya at nagpalit.

Ziniper ko na yun pababa, nilock at iniribon ang tali sa baba ng ziper. Sinuot ko na ang heels, earings at kwintas atsaka ako huminga ng malalim tsaka lumabas

"God! You look like a princess maam jennievy"

"No, she is ugly.. She's ugly pink cinderella"

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now