twentyfive

5 0 0
                                    

"evy samahan mo si victor sa dentista pagkatapos mo jan tsaka pagkatapos mo magluto" tumayo ako mula sa pagbababad ng damit sa downy at ngumiti.

May pagkakataon na ako para magpacheck up

Sabado kasi at dalawang linggo na ang lumipas mula nung madulas ako sa tambayan nila drianna na  isang linggo kong isininat yung sakit ng pwet at pagbagsak ng katawan ko. Tinulak pa nila ako sa isang butas na puno ng basurahan, buti nalang at nakita ako ni elly nun kaya nakaakyat din ako kaagad kasi tinulungan niya ako. Hindi parin natigil pambabato nila ng papel saakin sa loob ng classroom kaya ni minsa hindi ako nagkaruon ng oras sa klase na payapa tsaka maayos. Ni isang lamesa sa canteen ay hindi ko na napwestuhan, minsan pinipilit kong wag nalang muna sumabay kila elly at gea dahil baka maisama pa sila pero ng batuhin ako ng bola ng basketball sa muka eh sila na nang gamot saakin kaya ang nangyari pati sila idinamay, ako lang din gumamot ng pasa nila

"ahh viyen ibabalik mo na ba yung perang pinamalengke ko nung nakara--" tumigil siya sa pag lakad at humarap saakin

"ang kapal naman ng muka mo para maningil?! Kumakain ka sa bahay na to, naninirahan ka sa bahay nato, aba! Dapat makontento ka. Wag kang magrereklamo sa perang nagagastos mo dahil kutiting palang yun sa nagastos mo dito sa pamamahay na to! Nakakasira ka ng araw, bilisan mo jan! At pauwi na si xyra! Hayyy!"

Dalawang linggo na kasing nasa hospital si xyra. Ewan ko ba, ilang oras lang naman matatanggal yung wax tsaka kilay lang naman matatanggal sakanya, pwede naman siyang magpahinga dito sa bahay

"si--sigeh" sagot ko nalang at tinignan lang siyang paalis.

I tried pero wala talaga

Matapos kong magsampay ay nagluto ako ng makakain. Inayos ko ang kakainan nila atsaka ko pinakain yung mga alaga nilang aso bago sila tawaging kumain

"Mommy! Si xyra nandito na!"

Nanjan na siya

Lumabas ako ng kusina at naglakad papunta duon. Yumuko ako at ngumiti

"ayos ka na ba xyr--"

"Kamusta naman ang paninira mo sa shooting namin ni xymon? Ayos ba? Pero not congrats dahil hindi mo ako masisira sa wax at higit sa lahat, hindi mo ako maiisahan"

May kilay parin naman siya

Tinignan ko nalang sila pataas

"handa na ang pagkain niyo" sabi ko matapos ko magluto. Pumunta ako sa salas dahil nanunuod sila

"hindi ako kakain, baka mamaya nilagyan mo ng lason yang plato ko, tss hindi ako basta basta mamamatay" sabi ni xyra at nanatili lang sa sofa habang nanunuod at nagmemeryenda

"akyatan mo kami ng makakain" sabi ni viyen bago tumaas

Hindi ba nila aasikasuhin si xyra? Kararating lang niya ahh

Tumayo si xyra at tumaas na. Pinatay ni drianna ang tv at tumayo tsaka humarap saakin habang naka crossed arms

"xyra is back... What you've got is just the beggining, paano nalang pag nalaman niya yung ginawa mong panlalandi kay xymon? Ha.ha.ha.ha" tumalikod si drianna at umakyat

"maybe go to the doctor, or zoo" ng ngumiti ako ay inirapan ako ni brianna bago umakyat. Tinawag ko si victor sa kwarto at pinababa para kumain

"pagkatapos mo kumain, maligo kana ha?" sabi ko kay victor at nagayos ng pagkaing i aakyat para sakanila . Ng mabigyan ko sila viyen, drianna at brianna ng pagkain ay dumiretsyo ako sa harap ng kwarto ni xyra. Huminga ako ng malalim pagkarating duon at kinatok ang pintuan ni xyra

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now