fourtytwo

1 0 0
                                    

"it's fine.. Next question?" nagbuntong hininga ako ng mahinhin at uminom ng juice. Napakunot nuo ako ng tumayo siya

"next time, make some juice that suits you"

Shit wala na palang laman yung baso ko?!

"pasensya, akala ko kasi tubig yung iniinom ko" hindi siya sumagot at nagtimpla lang ng juice

"question"

"pork or chicken?"

"chicken"

"fruit, vegetable" kumain nalang ako para mawala ang hiya

"fruit, i prefer masyadong matubig"

"pakwan, orange, mango depende nalang pag sobrang tamis talaga"

"yeah"

"uhmm veggies saakin, like carrots tsaka dahon dahon"

"like a goat?" nakangisi niyang tanong. Humalakhak ako ng sacrastiko at pumalakpak

"galing"

"cookies, donuts" tanong niya

"cookies" sagot ko at inabot ang basong binigay niya at umupo siya bitbit ang hinahalong juice sa pitsel

"donuts.. fries or popcorn" tanong niya

"fries" sagot ko kaya tumango siya

"strawberry jam or nutella? Ayan sobrang hirap" tanong ko

"strawberrt jam"

"what! Ambilis mo naman mamili, the same lang kaya sila"

"you need to pick one"

"okay, nutella lagi ka kasing nakakatikim nun kaya di mo feel" tumawa siya ng mahina at umiling

"that because im living in states?"

"pwede din" sabi ko

"okay then if that so" sagot niya at tumango

"sunny day or cloudy?"

"sunny day" sagot niya

"cloudy day, gusti ko malamig tsaka nagkakaflue"

"that's the craziest thing--what the fuck" natawa ako dahil sa reaksyon niya

"cake, ice cream?" tanong ko

"ice cream"

Tinanong ko pa siya ng tinanong hanggang sa wala na akong maitanong. Ng matapos kaming kumain ay tumayo siya at tinignan sa labas, niligpit ko ang mga pinagkainan at hinugasan tsaka inayos ang mga gamit. Umupo lang ako sa foam matapos kong mag ayos. Ilang minuto pa ang lumipas ng pumasok siya. Tinignan ko lang siya

"2 hours na tayong nandito, last 30 minutes and we will be there" ngumiti ako at tumango. Umupo siya sa kabilang side at pinatay ang music player

"i give you chance to asked me anything, why you did'nt asked about my personal life?" tumingin ako sakanya

"baka magalit ka kapag pinakealaman ko pa yun, I'm just your assistant. Makikinig na lang ako kapag ikaw na mismo nagsabi n--"

"6 years old ako ng mamatay si mama, cancer. And then carla came out of nowhere, jordan help me courting her. We were so happy and then the night we are fighting, naibangga ko sa isang truck  na nakatigil yung kotse. Her memories gone, the loves fade and everything become zero"

Tumahimik siya ng ilang minuto kaya pinabayaan ko nalang yun

"wake up" binuksan ko ang mata ko at lumingon sa pinang-galingan ng boses

"we're here" umupo ako at nag-unat tsaka mabilis na nag-ayos ng sarili. Bigla nalang akong kinabahan na na e-excite. Sobra sobrang kaba at sobra sobrang saya

Akala ko sobrang layo na. Akala ko ibang bansa. Pero ngayon! Makikita ko na si cloe! AAHHHHH!!

"let's go" tumayo ako at kinuha yung bag at libro tsaka na sumunod na lumabas. Pinagmasdan ko ang paligid na binabaan ko

"maligayang pagbabalik" bati ng isang lalake kay xymon

"kuya xymon!!" napalingon ako sa mga nagsitawag kay xymon. Paglingon ko kay xymon ay ngumingiti siya. May mga babae at lalakeng kumakaway sakanya

"mukang tinanghali kayo ah"

"the weather was'nt good, can you hold on this?" tanong ni xymon

"buti nalang at mahinang ulan lang yun, osya sigeh mauna na kayo" nginitian ko yung lalake nago sumunod kay xymon. Ng makababa kami duon ay buhangin na ang nilalakaran namin. Nginitian ko naman ang ilang toristang nandito

"as you can see, there's only 10 to 15 tourist"

"oo, hindi masyadong kilala to?" sagot ko habang tinitignan parin ang paligid

Parang san diego lang din

"yes, we called this island as hekkie port. In the back of this island, mga tindahan na. Like markets and others, sa gilid gumawa sila ng mga tanim para maani. Later on, we will ride on a small boat--"

"nanaman?"

"sa katabing island, may pinatayo kaming ressort para sa mga torista, we're avoiding destroying the island habang nagpapatayo ng mga facilities and rooms. Hekkie ressort"

"tara na kay cloe" sabi ko, tumango siya at hinila ako. Dahan dahan akong sumakay sa banka na maliit at sumunod si xymon. Nagsuot ako ng life jacket at ganun din si xymon

"hekkie home town kuya" sabi ni xymon at nag abot ng pamasahe

"bat ba hekkie?"

"maam naniniwala kami kay hekkie, isa siyang sirena. May nakakita daw sakanya dati, niligtas niya yung batang nalulunod. Kaya mula nung araw na yun, nagbibigay kami ng bulaklak kada linggo ng gabi"

"linggo ngayon" sabi ko kay xymon at ngumiti. Umandar na yung makina kaya naman tumahimik na ako. Limang minuto bago kami nakarating duon. Nauna akong bumaba at sumunod si xymon

"kuya xymon!" kumaway angilang batang nag lalaro at tumigil sa pag lalaro. Ngumiti si xymon at kumaway

"hellow po ate" sabi ng isang batang lalake kaya tumigil ako. Binigyan niya ako ng bulaklak at tumakbo palayo

"let's go" sabi ni xymon kaya sumunod na ako sakanya

Madaming bahay kaming dinaanan sa labas papasok sa loob at ng makarating kami sa isang hagdan ay tumaas kami. Tiniis ko ang hingal at uhaw at sunod sunod na naglakad. Hanggang sa taas ay may bahay. Bigla akong kinabahan ng isang malawak na bahay ang nasataas sa dulo

"what?" umiling ako at sumunod sakanya. Pumasok si xymon sa loob kaya pumasok nadin ako

"finally your here" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si ryan

"si cloe?"

"ryan!!" napalaki ako ng mata dahil sa isang sigaw babae

"sumasakit yung balakang ni cloe" sabi ni ryan kaya napangiti ako

"ryan!! Ano ba!! Sino nanamang kinakausap mo?! Kaninang umaga pa yan ahh?!!" sumunod ako kay ryan ng pumasok siya sa isang kwarto

"jen?"

Jen And Xymon : Just One WishOù les histoires vivent. Découvrez maintenant