Three

3 1 0
                                    

Tumigil ako at tinignan ang nasa taas

Coffee shop

"maam dito po" tumango ako at pumasok sa loob. Napatingin ako sa matandang lalakeng nakaupo sa tinutunguhan kong lamesa na itinuturo nung body guard kong kasama

"please take a sit maam" tinignan ko ang buong kamukaan ng matandamg nakaupo sa tapat ng upuan ko

Parang nakita ko na siya

"Goodevening po" pagbati ko at yumuko bago umupo

"Kamusta na jennievy apo? Happy birthday"

Kilala ko na kung sino siya. Sigurado ako

"Your just 3 years old when i first see yo--"

"mawalang galang na po pero may aasikasuhin pa po ak--"

"I'm your grandfather and im here cause i want you to know that your father died last night" napaupo ako at naramdaman ang pagkahina ng katawan

"A--ano po?"

"she went on cebu with his travelling boat and then something happened, they found his bag and then they found this" napatingin ako sa inabot nung lalakeng nasa gilid niya na nakatayo

Libro?

"After your graduation you will transfer here in manila and live in your father's house" naglakas loob akong tumayo. Binitawan ko ang libro at yumuko

"pasensya na po, baka maling tao po ang napuntahan niyo" tumalikod na ako at tuloy tuloy na naglakad paalis

Pagbalik ko kila cloe ay umupo na ako sa tabi niya at uminom ng tubig

"are you okay?" ngumiti nalang ako ng mapalingon ako sa teacher namin

"O--oo naman" sagot ko nalang sakanya

"Guy's just like we practice okay?. Pagkatapos niyong kumain eh magpahinga muna kayo tsaka niyo rieviewhin lahat"

Namatay si papa. Hindi ko alam kung ano ba dapat mararamdaman ko, galit ba o lungkot. Aalis silang dalawa sa buhay ko tapos ngayon lilitaw siya tas binibigay yung libro tsaka picture naming tatlo nila mama?! Ano bang pagkakamali sa nasabi niyang 'ayaw ko ng gulo anak' tapos ngayon ako guguluhin niya?

"cloe kumain kana" napatingin ako sa mga kasama kong nakataas ang kilay saakin at nakatingin ng mataray. Lumingon ako kay cloe at ngumiti

Matapos ang mahabang kainan at panenermon ni maam ay bumalik na kami sa sari sariling kwarto

"so what happened? Who's that guy?" nilock ko ang pintuan at dumiretsyo sa kama tsaka humiga

"body guard ng lolo ko"

"what?! Are you kidding me? Nagpalagay na pala ng body guard sila lolo at lola? Hindi naman mukang mambubukid o tiga alaga ng far--"

"father side ko cloe. Ibinalita niya saakin na namatay si papa kahapon lang, papunta siyang cebu dala yung travelling boat niya tapos lumubog at ngayon, gusto niya akong kuwain at ipatira sa bahay ni papa kasama ang pamilya niyang ayaw niyang magulo" binuksan ko ang libro at huminga ng maluwag. Naghintay ako ng panenermon ni cloe pero narandaman ko lang ang paghiga niya sa gilid ko

"magpapasend ako ng ice cream hindi ko masyado nagustuhan yung dessert nila dito" ibinaba ko ang libro at tumingin lang sa taas

"Im done with it. I accept everything and im happy with lolo, lola, you and everyhting i have, hindi ko naman na kailangan pa ng kung ano, konte--"

"Yes your content but God has a plan jen, everything is happened and showed up for a reason. Maybe god wants you to accept what is going to come and you have to accept and face it. Hindi naman siguro pwedeng may ibibigay sayo pero dahil hindi mo nga kailangang tanggapin eh babaliwalain mo nalang. Jen hindi din pwedeng talikuran mo nalang sila habang buhay" pagpapaliwanag niya at umupo kaya tumingin ako sakanya "Maybe your grandfather has a reason kaya ka niya kinausap at pinapakuha" bigla nalang ako napaisip dahil duon

Bat nga ba ako?

"after 2 weeks, we will go through different pathways. Jen hindi habang buhay nandito lang tayo, nambabalewala, go with the flow ganun-that's a big no, im growing up hindi ko lang ina accept ang pagiging matured dahil parang di ko pa kaya pero anong magagawa ko habang patagl ng patagal eh mas lumalala. Look jen, may problema ako at kahit anong pambabalewala ko eh bumabalik parin, hindi talaga kayang takasan pero jen i just realized that past gives us lesson so we have to deal with it. Learn lesson from the past, face everysingle day and that's it. Ganun talaga buhay jen, mahirap, maganda. hanggang sa tumatagal mas nagiging komplekado. Hindi ko sinasabing pumunta ka o sumama ka sa lolo, ang point ko dito is ikaw yan. Nasasayo ang disesyon kung anong pipiliin mo, pinapaalala ko lang sayo na hindi natin hawak lahat ng chances jen, once you take it or leave it? Yun na yun-done! papanindigan mo yung pinili mong disesyon" ngumiti siya at pinalo niya ng mahina ang tiyan ko

"take a rest, hindi mo na kailangang mag review" inangat ko ang libro ko at huminga ng malalim

"aray!!" napabalikwas ako ng kurutin niya ako sa tagiliran "cloe naman!" pagrereklamo ko at bumalik sa pagkakahiga

"sabi ko magpahinga, hindi magbasa!"

Lumipas ang oras. Kain, tulog, cellphone, nuod at pagbabasa lang ang ginawa namin ni cloe hanggang alasais ng gabi. Di na kami kumain sa loob ng kwarto hanggang gabi dahil pina room service ni maam martinez ang mga pagkain namin dahil alam niyang busy kami sa pagririview-which is hindi namin ginawa ni cloe. Hanggang sa pagligo at pagpalit ko ng damit ay hindi ko malimutan ang muka ni lolo kanina

"jen do i look pretty?" tanong niya habang ngumingiti pa at umikot

"cloe, school uniform lang din suot natin, hindi gown" sagot ko na napailing

"ampangit sayo ng skirt jen, promise" sacrastiko niyang sagot at tumalikod sabay harap sa salamin

"alam kong pangit lahat saakin, wag mo ng ipamuka. Lipstick mo light lang dapay" sabi ko at napatili siya tsaka ako niyakap

"your the best!!"

Inayos ko na ang sarili ko at naghanda. Binuksan ko ang pintuan ng may kumatok duon

"maam! goodevening po" bati ko sakanya ng makilala kong si mrs. Martinez pala yun

"let's go ladies" sabi ni maam mula sa labas

"cloe! Tara na!" sigaw ko at ilang minuto pa ay lumabas na siya galing sa Cr

"Ano ba yan! Sasakit ulo ko sayo ehh-let's go na nga!" Pagkasakay namin sa elivator ay pumasok na agad kami

"ano ba yang pabango niyo! Sobra sobra! Ano ba kyla! Tiera!" pagrereklamo ni cloe sakanila, binigay ko ang panyo kay cloe at tinakpan niya ang ilong niya

"edi lumipat ka ng elivator!" pagtataray ni tiera

"walang originality-na-ka-ka-hilo! Ew thats dis--shit! my phone!" napatingin ako kay cloe at saktong bumukas na ang pintuan sa elivator

"maam can i go bac--"

"ako nalang kukuha cloe"

"sigeh jennievy basta bilisan mo hah? Baka magsimula na kaagad eh, ayuko namang isipin nila na hindi tayo alerto" sabi ni maam martinez kaya ngumiti nalang ako at nanatili sa elivator. Ng magsibabaan sila ay isinara ko na ulit ang elivator. Pagkabukas nung pintuan ay lumabas na ako sa loob ng elivator at naglakad ng tuluyan, agad kung binuksan yung pintuan ng kwarto namin at hinanap ang cellphone ni cloe. Napatingin ako sa Cr ng may marinig akong tunig duon. Sasagutin ko pa sana ng mamatay yun, napakunot naman ako sa message na lumitaw sa screen ng phone niya

Ryan
Im still here going to support you cloe and please give me chance to support our baby

"baby?"

Ibig sabihin ba na bun--buntis si cloe? Kaya ba lagi siyang namumutla sa school pag pagod? Kaya pala gustong gusto niyang kumain dahil lagi siyang gutom, akala ko nakikibagay lang siya saakin. Kaya tumataba siya, kaya lumalaki yung tiyan niya na akala ko bilbil lang at yung dibdib niya. Kaya siya nasusuka sa amoy at laging naiirita

"CLOEEE!!!"

Jen And Xymon : Just One WishWhere stories live. Discover now