Chapter four

640 30 8
                                    

Author's Pov.

nagkayayaan ang barkada na pumunta sa mall syempre sa pangunguna ni Coleen, Ayaw pa sanang sumama ni Sheki dahil kasama nila si Josh at Kai.

"Bakit nga ulit tayo nandito?" tanong ni Sela sa katabi niyang si Mari napatawa naman si Mari.

"Malamang mag shoshopping tayo, ano kaba?" sabi nito at iniwanan si Sela at tumabi kay Coleen at nakipag holding hands pa.

"Ang Landi talaga ni Mari kay coleen wait asan naba si Abby!?" iritang sabi niya sabay tingin sa likoran pero pag katingin niya mukha ni Kai ang nakita niya.

"Naop ako kaya dito nalang muna ako sa tabi mo pwede?" sabi nito medyo nahiya naman si Sela dahil nga sa hindi pa niya to kaclose.

"S-sure" sabi nito at sumabay sa paglalakad kay kai.

"Yak Josh hindi bagay sayo yan!" Tawa ni Alice kaya yung iba nabaling ang tingin sa kanila.

"Abby remind me again bakit kasama natin yang tukmol na yan?" tanong ni sheki kay Abby na nakatingin lang kay sela at kai.

"Niyaya siya ni Alice tapos magkaibigan pala yung Josh at kai kaya naman sumama din yung kai" sabi nito at umiling, napapout naman si Sheki at padabog na sumabay sa paglalakad kay abby.

"Bakit ba ang hilig niyong ideny?" pabulong na sabi ni coleen sa dalawa, natawa naman nang kunti si Mari rito.

"Ano banh idedeny namin?" tanong ni Sheki rito, napahinto naman ang apat sa tapat nang arcade.

"Na gusto mo si Alice tapos si Abby gusto nya si Sela tama ba ako?" tawa ni Mari rito at nakipag apir kay coleen.

"Wow ikaw pa nagsabi niyan ah, nahiya kami ni abby sa inyo ni coleen" sabi nito at umirap pa sa kaharap niya, napabuntong hininga naman si Coleen bago sumagot.

"Yaan mo na yan mari, mahirap talaga pa iminin yung taong ayaw tanggapin sa sarili na gusto niya yung isang tao diba diba?" sabi nito at ngumiti sa dalawa bago pumasok sa arcade.

"Gusto mo ba si Sela?" tanong ni sheki kay abby namula naman si Abby at tumango sa tanong ni Sheki.

"Gusto ko si Alice so ano? tulungan tayo huwag natin hahayaan na maagaw sila satin nung Josh at Kai na yan" sabi nito at nakipag apir kay abby, maya maya pa di nila namalayan na ang sama na pala nang tingin sa kanila nang iba nilang kasama.

"Wala ba kayong balak pumasok? or diyan nalang kayo!" sigaw ni alice at inirapan yung dalawa napakamot naman sa ulo si abby at hinila si sheki papasok.

Nang makapasok sila sa arcade napansin nang dalawa na ang close na pala ni Alice at Josh pati si Kai at Sela naging close, tapos tinuro naman ni Mari sila abby kaya napatuon ang pansin ni coleen sa dalawa niyang kaibigan.

"Ayaw pa kasing aminin yaan mo sila din ang mag susuffer niyan" bulong nito kay mari, "Pero pano kung aminin nga nila kaso di pala sila gusto? Si sela at alice straight yan sa pagkakaalam ko" sabi naman ni Mari kay coleen bago pumunta sa may banda kela Sela.

"Ansakit sa mata Abby, ayuko dito doon nalang tayo sa may tapat nang Mcdo hintayin natin sila" Walang sa mood na sabi ni Sheki.

Abby Pov

"Tsk matagal paba sila?" napabaling naman ang tingin ko kay Sheki na naka cross arm sa tapat nang arcade.

di lang naman siya nagseselos pati ako.

"Hindi naman itatakbo ni Josh si Alice" naka pokerface na sabi ko rito, umirap naman siya sakin at nakatitig lang sa loob nang arcade

kung saan kitang kita namin ang ginagawa nang mga kasama ko, katulad ni Mari at coleen kung makapag basketball game parang walang bukas, tapos si Josh at alice na naglalaro nang bomb car, at si sela....na nakikipag selfie pa kay Kai.

WOW MASARAP? MASEREP TEH?...

"Sheki, May naisip ako what if hindi natin sila pansinin?" tingin ko kay sheki habang siya nag cecellphone lang napatigil naman siya sa pagcecellphone at tumingin sakin.

"Si sela matitiis mo weh?" natatawang sabi nito, kinurot ko naman siya sa tagaliran at inirapan.

"Oo na alam kong mahirap gawin yun try natin ano?" sabi ko sa kanya, napatingin naman si Sheki sa kinaroroonan nila alice.

"Okay" sabi nito at nakipar apir sakin.

Hindi ko gusto gawin to pero para din malaman ko kung kaya ba ni Sela na wala ako sa tabi niya yung tipong di ko siya kinukulit, Kasi nakikita ko yung ngiti niya ibang iba sa ngiti na pinapakita niya sakin, Ilang oras palang silang magkasama ni Kai pero ganun na kagaan ang loob niya rito pano na kaya kung araw araw pa? edi mawawalan na siya nang oras sakin. kaya kung intindihin pero iniisip ko palang ansakit na.

"Wow? abby pala pangalan mo napansin kasi kita kanina ang galing mo sumayaw!" nakangiting sabi sakin nang batang kaharap ko napangiti naman ako bago ako nagsalita ulit.

"oo eh! ikaw what's you're name? siguro kasing ganda mo yung pangalan mo!" nakangiting sabi ko, natawa naman yung batang kaharap ko.

"I'm sela guia!" nakangiti niyang sabi sakin bago nakipag shake hands.

Pwede bang ibalik yung panahon nang mga bata kami at puro laro lang ang iniisip? yung walang problema at hindi pa nasasaktan sa larong pag ibig, Ang tanong kaya ko pa bang itago?

"ABBY!" nag slow motion naman ang paningin ko sa papalapit na bola sakin hindi ako makagalaw.

"I'm sorry!" dali dali naman akong napaupo habang hawak hawak yung gilid nang ulo ko ansakit ano yun? bakit di ko napansin.

"Are you okay! abby" sabi ni sheki sakin napatingin naman ako sa babae na nagsosorry kaganina pa.

"I-i'm okay don't worry" Sabi ko at dahan dahan kinuha ang bola bago tumayo at inabot to sa babaeng kaharap ko.

"Next time mag ingat ka, pano kung mabadtrip sayo at tinamaan mo edi nagkaroon kapa nang kaaway psh." sabi ko rito dali dali naman siyang umalis psh. kaganina yung batok ni sheki ngaun naman flying ball wow...

"Hoy abby? ano ba kasing iniisip mo at di mo napansin na may paparating na bola sayo okay ka ba talaga?" sabi nito sakin at tinignan kung okay lang ako, umupo naman ako sa sahig.

"Wala." sabi ko sabay tingin kay sela na masayang nakikipag usap kay kai.

Mas masakit pala yung nakikita ko kay sela kesa sa tama nang bola.

MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now