Chapter Six

603 32 10
                                    

Abby Pov

So Saturday po ngaun walang pasok malamang alangan naman may pasok? sa ngaun nandito po ako sa lugawan namin tumutulong sa mama ko, At nandito rin po si sela na alam naman natin na makikikain lang, Ewan ko ba kung bakit nakikikain sya samin eh mas angat naman siya alam nyo yun? mas mayaman ang pamilya niya sa pamilya ko

"Nakakapagod haist" sabi ni sela sabay upo, Sinabi ba kasi namin na tumulong ka? choice mo yan eh.

"Sinabi ko na nga kasi na wag kanang pumunta rito tignan mo pagod na pagod ka" sabi ko rito at kinuha ang panyo ko at pinunasan yung pawis niya sa bandang nuo.

"Gusto ko lang naman makatulong sayo, At hindi lang sayo pati kela mama at papa" sabi nito, kaya kala nang iba kapatid ko si sela tawagin ba namang mama at papa ang mga parents ko? so anong iisipin nang iba?

"Pero tignan mo napapagod kalang" saad ko rito, mga ilang minuto pa dumating naman si mama halatang pagod narin.

"Kanina pa ring nang ring phone mo sa lamesa hindi mo napansin?" tanong ni mama sakin at binigay ang phone ko, napalingon naman sakin si sela.

"Sino tumawag abby?" Takang tanobg nito at kinuha ang panyong hawak ko at pinunasan ang kanyang pawis.

tinignan ko naman ang nag missed call si Mari? ano nanaman kayang problema nito? bukod sa nagugutom siya?

"Nag missed called si Mari" sabi ko sabay tingin kay sela, pero pag katingin ko natutulog na siya sa upuan haist nako mukhang napagod nga talaga siya.

"Ang ganda mo" Bulong ko rito at bahagyang hinawi ang buhok niya.

"Oh tulog si Sela? Mukhang napagod talaga siya ikaw naman abby nakatayo kalang parang di ka nga gumalaw sa kinatatayuan mo puro si sela ang nag asikaso nang mga costumer natin" saad ni mama habang dala dala ang pinggan na ginagamit namin sa lugawan.

"Mama, akyat ko nalang siya sa kwarto ko?" Tanong ko rito "Sige akyat mo si sela doon malamok dito teka kaya mo ba yan?" tanong ni mama sakin ngumiti naman ako at tumango.

maya maya pa napatingin naman ako kay sela na natutulog pa din, mukha siyang angel pag natutulog, Nagdesisyon naman akong buhatin siya nang pangkasal style lol. Ambigat ni sela ano bang kinakain nito? at sobrang bigat naman niya yata.

"Psh. sabi kadi na huwag magpapagod eh!" sabi ko habang buhat buhat siya ito namang binubuhat ko busy sa paghihilik charrot tahimik lang matulog si Sela.

nang makarating ako sa kwarto ko ay Inihiga ko padahan dahan si sela nang mahiga ko na siya kinumutan ko muna siya at umupo sa tabi niya.

"Kahit kailan mukha ka talagang angel Sela" sabi ko sabay hawi sa buhok niya ulit, wala minsan ko lang kasi tong magawa.

nakaramdam naman ako nang vibration siya bandang pwetan ko oo nga pala nataganan ko cellphone ko -_- Pag katingin ko naman kung sino ang tumatawag si Mari nanaman? naka 10missed called nato ano kayang problema nito.

"Hello mari" panimula ko rito habang nakatingin kay Sela na mahimbing ang pagkakatulog.

"Busy kaba?" rinig ko sa kabilang linya teka? first time niya yata akong tanungin niyan.

"Wala narin naman akong ginagawa bakit?" Tanong ko rito hindi ko pa din inaalis ang paningin ko kay sela, wala naadik ako sa bestfriend ko.

"Hang out tayo abby, Diyan diyan lang sa tabi game ka?" sabi nito, bakit ako tinawagan niya? hindi si coleen?

"Bakit ako? busy ba si coleen?" tanong ko rito, si coleen kasi lagi niyang tinatawagan hindi ako.

"C-coco? lagi ko nalang kasi siyang niyaya nakakahiya na abby, baka isipin niya na siya nalang lagi" yung tuno ni mari parang malungkot rinig na rinig ko sa kabilang linya.

"Hindi niya iisipin yun bestfriend ka niya, Obvious naman na mahal na mahal ka nun Kaya nga tignan mo lagi siyang may dalang pagkain, tapos kapag malungkot ka nandiyan ka kahit anong oras nandyan si coleen para sayo Mari kaya naman wag kanang mahiya doon" Sorry hindi ko talaga alam ang sasabihin sa sinabi ni Mari.

"Mahal na mahal as a friend, Yeah right" sabi nito bakit yung dating nang pagkasabi niyang yun iba? or sadyang iba lang talaga yung pagkarinig ko.

"Tawagan mo si coleen i'm sure wala namang ginagawa yung Pag walang pasok bukod sa mag practice nang kung anong ano instrument" sabi ko rito at tumayo bigla kasi akong nangalay kakaupo.

"ah sige abby! thanks sa time bye!" magsasalita pa sana ako kaso pinatay na ni Mari di manlang hinintay na sabihin kong bye bye din.

"Hmm." napatingin naman ako kay sela na nakanguso pa habang natutulog.

"ano kayang pinapanaginipan nito?" natatawang sabi ko dahil nga ang kyut niya kinuha ko naman ang phone ko at pinicturan siya nice one pang block mail din to haha joke.

Mga ilang minuto din akong panay kuha nang litrato sa kanya hanggang sa bigla siyang dumilat at sinamaan ako nang tingin kaya naman agad kong tinago ang phone ko >.< Yung titig niya nakakatakot.

"Pinagtritripan mo ba ako abby?" Hala sheyt kung nakakamatay lang ang titig patay nako!

"Hindi ah!" Mabilis na saad ko maya maya pa umupo siya nang maayos at tinignan yung sarili niya sa tapat nang salamin.

"Kapag may nakita ako sa cellphone mo diyan Sa mukha mo, ihahagis ang phone mo okay?" Yung totoo nanakot ba siya? pero hindi ako natatakot lol kilala ko si sela di naman niya magagawa yun.

"Nga pala nakatulog ka kaganina sa baba kaya dinala kita rito" saad ko rito, tumango nalang siya at tumayo mukhang inaantok pa yata siya papikit pikit.

"Thank you abby yah! kaya naman" Napahinto sya sa pag sabi at tumitig sakin.

"Kaya naman ano?" curious na sabi ko rito ngumiti naman si sela at tinapik ako, Hala ano nga parang temeng HAHAHA

"Kaya naman mahal kita as a friend haha!" Saad nito, Okay na sana kaso may as a friend talaga.

wala kanang pag asa dito abby, Mahal kalang niya as a friend at nakikita kalang niya as a friend, Haist bakit ba kasi hindi mo ko magustuhan sela? hindi ba obvious sayo na gusto kita hindi lang sa magkaibigan higit pa doon.


MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now