Chapter 30

465 20 31
                                    

Sheki POV

nakabalik nadin ako sa room namin ni Alice after 100 years sa pag swimming iniwan kami nila sela nito kaganina Eh! nagpalik na muna ako nang damit bago ako tumabi kay alice na nagcecellphone.

Yinakap ko naman siya habang siya patuloy padin sa pagcecellphone sinilip ko naman kung ano ginagawa nito tumitingin nang mga picture.

"Ano ba yan sheki para kang linta diyan" sabi nito sakin at siniko ako, Mapanakit soya natamaan tuloy yung tyan ko T^T

"Sayo lang naman ako magpapaka linta para makalapit sayo bakit mo tinitignan ang mga picture natin?" tanong ko sa kanya napabitaw naman ako sa pagkayakap nang biglang tumayo si Alice.

"Wala namiss ko lang" sabi nito sabay labas nang kwarto namin, ano yun? problema nang babaeng yun?

Mga ilang minuto lumipas kala ko si Alice yung nagbukas nang pinto si Coleen lang pala ginagawa nito sa kwarto namin ni alice? himala nagkamali yata nang napasukan.

"May ginagawa kaba sheki?" tanong nito habang nasa pintuan pa din, Problematic yata si gaga? ano nanaman problema nito bukod kay mari? gusto niya nang pagkain?

"Wala naman susundan ko sana si Alice pero pumasok ka bigla sige upo ka muna diyan sa sofa" sabi ko dito, tumango naman si Coleen at pumasok na at umupo na din sa sofa

Nakatingin naman ako sa kanya tapos siya pinaglalaruan niya yung daliri niya naparang may gustong sabihin sakin,

"Ano ba talaga pinunta mo dito coleen?" tanong ko sa kanya napakamot naman siya sa ulo niya at Ngumiti na parang Pilit.

"Kasi naman Ganto si ano may ano tapos" napataas naman ang isang kilay ko sa mga sinasabi nito sa harapan ko, SINONG ANO?

"Parang tanga coleen, Ano nga sabihin mo na kasi at pupuntahan ko si Alice doon sa labas" sabi ko dito, Ayaw pa kasing sabihin sakin ni coleen nagmamadali ako.

"Tungkol kay Faith" sabi nito sakin, Huh faith? kailan pa siya naging close kay faith?

"Anong meron kay faith?" Tanong ko dito, yumuko naman siya at pinaglaruan pa din yung mga daliri niya, Weird mo coleen ah!

"Hindi lang to tungkol kay Faith pati kay mari kasi naman" nabuntong hininga naman ako habang nakatingin kay coleen, Huwag niyang sabihin na ano?

"Kasi pag nandiyan si Faith bigla nalang bumibilis tibok na puso ko tapos pag nandiyan si Mari namumula ako and bumibilis din tibok nang puso ko" napaubo naman ako sa narinig ko, Tungunu coleen anlandi mo mana ka kay abby >.<

"Sinasabi mo ba sakin na gusto mo silang pareho?" takang tanong ko sa kanya, Tumingin naman siya sakin agad na parang hindi alam ang isasagot sakin.

"Hindi ko alam ang nararamdaman ko Sheki! kaya di ko pa alam kung gusto ko ba silang pareho" sabi nito sakin naawa naman ako sa itsura ni Coleen, Confused na confused siguro to dalawa ba naman magustuhan mo eh.

"Sabi mo bumibilis tibok nang puso mo kay faith diba?" tanong ko sa kanya, Tumango naman siya habang nakatingin sakin.

"Baka naman attractive kalang kay faith dahil cute naman talaga si Faith tapos si Mari tungkol doon baka siya talaga yung tunay mong nagugustuhan Coleen" sabi ko dito, Mas nauna nyang makilala si Mari and i'm sure mas nauna niyang nagustuhan yun.

pero seriously si faith pa talaga nagustuhan niyan? baka mafriendzone pa siya doon, obvious naman lahat kami tingin ni faith kaibigan well ewan ko lang kay ash.

"Hindi ko talaga alam sheki" Sabi nito at tumayo, tumayo nadin ako at lumapit kay coleen na sobrang lungkot.

"Pero kung ako papipiliin between Faith and mari, Mas pipiliin ko si Mari alam mo kung bakit?" sabi ko dito, tumingin naman siya sakin habang hinihintay yung sunod na sasabihin ko.

"Bakit naman?" takang tanong niya sakin, hinawakan ko naman yung dalawa niyang balikat at ngumiti ako sa kanya.

"Kasi si Mari matagal na siyang may gusto sayo Coleen kung alam mo lang, Syaka si Mari laging nandiyan yan pag may kailangan ka at hinding hindi ka niya iiwan, kung si Faith naman hindi pa natin siya kilalang lubusan well mabait naman siya pero hindi mo masyado maiintindihan ang tumatakbo sa isip niya" sabi ko dito napaiwas naman siya nang tingin sakin, Si mari talaga pipilin ko kung nagkataon talaga.

"Alam ko gusto ako ni mari, matagal ko nang alam" sabi nito habang nakatingin sa iba.

inalis ko naman ang pagkahawak ko sa balikat niya at tinapik sya.

"Alam mo, at alam namin yun coleen kaya huwag mo sayangin si Mari para lang kay Faith malaking kawalan yun" sabi ko dito, Ngumiti naman ulit siya sakin nang pilit.

"Thank you may naitulong ka kahit papano mauna nako Sheki" sabi nito sakin, Minsan kailangan mo talagang alamin kung sinong mas gusto mo

iba ang attractive lang sa Gusto diba? Ibang iba yun -_- para sakin.

Pagkatapos namin mag usap ni Coleen ay bumalik na siguro siya doon sa kwarto nila ni Mari sana naman nakatulong ako sa kanya diba?

Naglakad lakad nalang muna ako para hanapin si Alice saan kaya nagpunta yun, syaka bakit naman nag iba bigla yun boses niya bago siya umalis?

napatingin naman ako sa babae na Kumukuha nang litrato sa may dalampasigan photographer yata to?.

"Ang galing mo naman" nakangiting sabi ko at pumalakpak sa kanya, Napatingin naman siya sakin

"Ayt sorry kung bigla nalang akong nagsalita dito pero photographer kaba?" sabi ko sa kanya pero this time hindi parin siya nagsalita sa halip tinitigan lang niya ako na parang shock.

Ngaun kalang ba nakakita nang maganda?

"Di kaba marunong magsalita?" napakamot naman ako sa siko ko, at muli siyang tinignan.

Sheki mapapahiya ka siguro pag kinausap mo siya wala naman yata siyang balak kausapin kang talaga >.<

"Hindi ako photographer" mahinang sabi niya habang nakatingin sakin, bakit ang amo nang mga mata niya.

"Kala ko lang naman Btw my name is Shekinah or sheki for short ikaw?" nakangiting sabi ko at inilahad yung kamay ko sa kanya, Pero tinitigan lang niya.

binawi ko nalang ang kamay ko, Ang hirap naman nitong kausapin >.< feeling ko napapalibutan ako nang masasamang espiritu sa aura niya!

"I'm Belle" sabi nito, Ngumiti nalang ako nang sabihin niya sakin yung pangalan niya, Kala ko hindi na niya sasabihin yung name niya.

"Mahilig kang magpicture?" tanong ko sa kanya lalapit na sana ako kaso Bigla siyang tumakbo papalayo sakin.

"Ano yun ang weird naman niya! hindi naman nakakatakot yung mukha ko ah!" sigaw ko habang nakatingin sa kanya na tumatakbo papalayo sakin.

Napakaweird lalapit lang naman ako para matignan yung mga kinunan niya, pero tinalikoran at tinakbuhan ako.

MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now