Chapter Eight

589 28 9
                                    

Sela Pov

"Class dismissed" umalis na si Prof sa aming harapan at dali dali naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

nagtungo ako kay Abby na kumakain pa chips with coleen hala? yung totoo nasa harapan kasi yung pwesto ni coco bakit nasa likoran to?

"Tara na" saad ko rito pero di ako pinansin ni coleen si abby naman napahinto sa pagkain at tumingin sakin.

"Anong tara na? sela may next subject pa" saad nito napailing nalang ako, Dahil ba sa busy sila kumain kaya di nila naintindihan ang Class dismissed?

"Uy selaaaa!" sigaw ni sheki at inakbayan ako, si Mari naman may hawak na White rose habang si alice nakatitig kay sheki.

dahan dahan ko naman inalis ang pagkaakbay ni sheki sakin, Ansama na kasi nang titig ni alice.

"San galing yung white roses mo?" tanong ko kay mari na nakatitig pa din sa roses na hawak niya, kay coleen?

"Oo nga kanino ba yan?" sabi ni abby at kinuha ang chips ni coleen na nakatingin lang sa kinakain niya, Wala siyang pake?

"Kanino paba edi sa secret admirer niya!" sigaw ni alice napaubo naman si abby at kinuha ang tubig niya sa bag niya at tuminhmgin ulit kay mari.

"Wow naman" sabi ni abby at  sinuko pa yung katabi nito, napatingin naman si coleen kay mari.

"may secret admirer ka? mari? okay yan para magkajowa kana haha!" saad ni coleen at ngumiti pa. Tumingin naman ako kay mari na parang malungkot.

"Yeah si mari may secret admirer!" tusok ni Sheki sa tagiliran ni Mari, maya maya nagulat kaming apat nang bigla niyang tinapak tapakan yung White roses bago umalis.

"wait anyare doon?" tangkang tanong ni Alice habang nakatingin sa pintuan na dinaanan ni Mari.

"Ewan wala lang yatang gana" awkward na ngiti ko, tumingin naman si abby kay coleen at tinap ang balikat nito.

"Hala sayang mukhang mamahalin" sabi naman ni Sheki, "Kahit mamahalin yan kung hindi naman galing sa taong gusto mo useless lang" sabi ko rito, Well tama naman siguro sadyang ayaw lang talaga ni mari.

"Kakausapin ko nalang si mari mamaya" wow coleen may gana kapang mag pachill diyan sa kinauupuan mo psh.

"Ngaun mo na kaya kausapin" sabi ko rito, Kasi baka namaya kung ano pa gawin ni mari -_-

"oo nga coleen ngaun na tumayo kana nga diyan" sabi ni alice at hinila pa tayo si coleen sa kinauupuan niya, Ang weird kasi dati naman nung may nagpapadala kay mari nanh bulaklak grabe sya magreact ngaun parang wala lang sa ksnya.

"sige na nga hintayin nyo nalang ako rito sa room" tayo ni coleen at lumabas nang pinto, napailing nalang ako at tumabi kay abby na kumakain.

"ang weird ni coleen at mari ngaun" panimula ko ulit nang usapan umupo naman sa harapan namin ni abby sila sheki.

"Normal lang naman magkaroon nang admirer, kasi naman ang gaganda natin" may pa flip hair pa si alice, ganda ka? charrot maganda naman talaga kami.

"Pansin nyo ba reaction ni Coleen parang wala lang" napatingin,naman sakin tong tatlo sa sinabi ko.

"Kala mo lang wala sela" napairap naman ako sa sinabi ni abby habang kumakain nang chips kanina pa yan kumakain -_-

"Yeah haha!" tawa ni sheki at nakipag apir kay abby, napairap naman kaming dalawa ni Alice sila lang nagkakaintindihan psh.

"Kung sakaling dumating ang araw na mag kakaroon tayo nang kasintahan gusto ko sa huli sabay sabay tayonh ikakasal" napaubo naman si Abby at tumingin sakin, may masama ba akong sinabi?

"Bakit yan naman ang nasa isip mo di pa nga tayo tapos sa Senior high tapos yan,agad iniisip mo?" saad ni abby at uminom nang tubig, oo nga bakit biglang yun ang nasa isip ko?

"bakit sela gusto mo nang magkaboyfriend?" tanong ni alice sakin, masama bang mag open nang ganun?

"Sela kung sakaling magkaroon ka man nun, tandaan mo nandito lang ako at pag sinaktan ka nun soon to be boyfriend mo kita mo tong kamao nato? dadampi to sa mukha niya" saad ni abby, bakit hindi manlang siya tumingin sakin.

"Di na ako mag jojowa, Kasi si alice nalang jojowain ko" hala baliw yata to si sheki, binatokan naman siya nang katabi niya yan kasi kung ano ani sinasabi psh.

"Sapak you want?" taas kamao na sabi ni alice, nagpeace sign naman si Sheki at tumingin ulit samin.

"Di ko naiimagine" bulong ni abby at umiling at ano pa nga bang bago? kumakain nanaman siya nang chips.

"Bakit abby?" tanong ko rito tumingin naman siya sakin nang seryoso.

"Hindi ko na iimagine na kung sakaling mangyari yun mawawalan tayo nang oras sa isa't isa" huh? anong ibig sabihin niya.

"Change topic na nga parang ang seryoso nyo naman!" saad ni Alice at ngumiti samin, Wow may balak pala silang mag change topic?

Coleen Pov

Hindi ba niya nagustuhan yung bulaklak na yun!? nakakaasar nasayang yung pera ko, Oo ako yung taong nagbigay nun nilagay ko sa locker niya yun kaninang umaga pero....Inapak apakan niya sa harapan ko! Alam nyo yung masakit kasi nag effort akong bilhin pero useless lang!

"Susundan ko paba yun!?" inis na sabi ko,habang palakad lakad sa hallway rito, bakit ko soya susundan eh halos madurog puso ko.

Pero hindi niya alam na ako ang nagbigay?

Nagtungo naman ako sa may rooftop, At nakita ko si mari na nakaupo dun wait umiiyak ba siya? aba sinong tarantadong nagpaiyak sa bebeh ko!?

Lalapit na sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"ANG TANGA TANGA MO MARI! ANONG ENI-EXPECT MO KAY COLEEN NA GUSTO KA NIYA KAGAYA NANG GUSTO MO!? HINDI SIYA MAGKAKAGUSTO SAYO MARI! HINDING HINDI!"

dapat yata akong matuwa sa narinig ko pero parang may sariling isip yata ang paa ko at tumakbo papalayo kay mari, She likes me? kailan pa? gusto niya ako?..pero bakit hindi ko siya malapitan kanina? May tumutulak sakin na tumakbo nalang..

Duwag naba tawag doon?


MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now