Chapter 25

484 22 48
                                    

Faith POV

Kala ko ba aalis na si Ash sa room ko? pero nandito parin siya seating pretty nakaupo sa sofa -_- Bakit di manlang natuloy yung pakikipag palitan niya nang kwarto kay coleen?

ang panget nang napiling kwarto namin nun single bed? ano tingin nila samin magjowa kaya single? hindi pwede yun! sa sahig ko to patulugin.

Nakahiga naman ako sa kama habang pinagmamasdan ko siyang magbasa nang libro sunugin ko kaya yun? Huwag na nga lang baka umiyak pa -_-

"Ash doon kana lang kasi matulog sa room nila mari!" sigaw ko dito, Mas maganda yun para walang away diba? syaka mas magaan kasi loob ko kay coleen.

"Hindi pwede" mabilis na sagot niya, anong hindi pwede? kala ko ba pumayag na si Coleen at mari tapos ngaun hindi pwede?

"At bakit hindi! Ako nalang aalis!" pananakot ko dito pero hindi padin siya nagpatinag sa masamang tingin ko.

"Nakakagulo kalang alam mo yun? Isipin mo nalang na si sheki,Coleen,alice,sela or si abby ang karoommate ni kesa naman umalis kapa or ako" sabi nito, ang seryoso naman nito? Tsk! Di ako natutuwa.

Tumayo naman ako at pumunta sa may tabi nang pintuan habang si Ash nakatingin lang sakin, Titingin kapa tusukin ko mata mo

"Oh saan ka nanaman pupunta? Mapahamak kapa diyan sa labas tsk" sabi nito, kahit mapahamak ako wala kang pake buhay ko to kaya huwag kang mangaral sakin.

"Edi kung saan wala ka!" sigaw ko at padabog na binuksan at sinarado yung pinto, nang makalabas nako napasapo naman ako sa nuo ang galing faith saan ka matutulog?

nagtungo naman ako sa room nila sheki at alice nakailang katok nako pero di nila ako pinagbubuksan, napasarap na yata tulog nilang dalawa nang mapansin kong walang balak silang buksan yung pinto at pumunta nalang ako sa room nila Sela at abby.

"Pag ito hindi binuksan babalik nalang ako sa room namin ni Ash" sabi ko sa sarili at kumatok, nakailang katok na din ako pero wala. babalik na talaga ako sa room

tatalikod na sana ako nang biglang bumukas yung pinto nila si Abby pala yung nagbukas, halata naman na nagulat siya nang makita ako sa harapan niya.

"Faith? bakit nandito ka? gabing gabi na" sabi nito sakin, Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya, sana gumana charm ko rito!

"Pwedeng dito ako makitulog?" Nakapout na sabi ko sa harapan ni Abby, Nakatingin lang siya sakin wala ba siyang balak papasukin ako?

"Hah? bakit naman?" sabi nito, Obvious naman na ayaw kung karoomate si Ash kaya nasa harapan mo ko abby di mo naisip yun?

Maya maya pa bigla naman sumulpot si sela sa likodan ni Abby halatang gulat din siya, Please pumayag kayo, Kayong dalawa nalang pag asa ko T^T ayuko kela coleen baka may importante silang pinag uusapan.

"Abby Papasukin mo nga si Faith baka lamigin sa labas yan" sabi ni Sela, Hulog ka talaga nang langit sela *.*

wala naman magawa si Abby at Pinapasok nako sa loob nang room na tinutuluyan nila, Napanganga naman ako sa nakita ko single bed din? so sa sahig yata ako mapapatulog nito >///<

"Umupo ka muna faith" Nakangiting sabi ni Sela, Ambait talaga nito swerte ni abby dito pero ewan ko lang kay Abby kung mabait di nga tumalab charm ko doon eh.

agad sa isang sofa sa gilid ko, Nakatitig lang sakin si Abby at sela.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Abby sakin, anong idadahilan ko? sabihin ko kaya na ayaw akong makasama ni Ash?

"Kasi napag isipan kung---" napatingin naman ako kay sela na hinihintay sagot ko, Hindi pwede syempre magtataka sila kung idadahilan ko na ayaw akong makasama ni ash?

"Kung ano?" tanong ni Sela sakin, Isip isip faith nang idadahilan mo sa dalawang kaharap mo yung ngaun >.<

"Naisip ko kasi na Maganda siguring matulog sa room niyo" nakangiting sabi ko, napataas naman ang isang kilay ni abby mukhang di siya nakumbinsi sa sinabi ko >.<

sabi na nga ba walang effect ang charm ko sa kanya!

"Bakit gusto mo bang matulog dito?" tanong ni sela sakin, Gusto ko kasi ayukong makasama si Ash eh!

"Pero Hindi pwede kasi Sakto na samin ni sela yung bed faith sorry" sagot naman ni Abby napayuko naman ako, Sabi ko na nga ba hindi sila papayag nakikisiksik pa kasi ako : <

"No Abby, Pabayaan mo si Faith matulog muna dito" napaangat naman yung ulo ko sa sinabi ni Sela pumapayag siya?

"Huh? saan naman matutulog isa satin?" takang tanong ni abby dito, mukha naman nag iisip pa si Sela nang sasabihin niya. 

"Sa sahig ka na muna matulog abby, Pabayaan mo muna si Faith dito malay no Di siya makatulog doon sa room na napili ko sa kanila diba?" paliwanag ni Sela kay abby, Ang bait ni Sela Lilibre ko to paminsan minsan T^T

"Si Faith nalang sa sahig!" nakapout na sabi ni Abby hehe cute, Pero mukhang di Effective kay sela yunh pout niya. :'>

"Abby mas matanda ka kay Faith diba? Mag paubaya kana lang muna" sabi nito at hinawakan yung magkabilang Balikat ni Abby, mas matanda siya sakin? mas mukha pa ngang matanda si Alice sa kanya eh!

"Ano pa nga bang magagawa ko amin na yung isang kumot at unan tsk!" tumayo naman si Sela at Kinuha yung dalawang kumot sa kabinet tapos binigay din niya yung unan kay abby.

"Bakit dalawa to?" takang tanong ni abby kay sela, Nagkakaintindihan naman yata sila malabong mag away pato.

"Pansahig mo yan tapos yung isa pangkumot mo ah di mo naisip yun" tanong sela sa kanya napapout naman si abby at tumayo

nakatingin lang ako sa kanya habang Nilalatag niya yung hihigaan niya.

"Oi Faith dito kana sa kama" sabi ni sela at humiga na magkatabi kami? eh? Choosy paba ako? pwede na din.

"Patayin ko paba ilaw?" Sabi ni Abby samin, Kahit huwag na hehe.

"Huwag na abby baka mamaya may humablot pa sayo diyan" tawa ni sela, Lumapit naman ako sa kanya habang siya tumitingin sa bandang nang kama nasa sahig talaga kasi si abby pero katabi niya pa din.

Humiga naman ako dahan dahan sa tabi ni sela, Takte bakit anlambot naman nang kama nila? samin matigas? >.<

"Goodnight Sela at faith! Sela iloveyou" rinig kong sabi ni Abby, medyo gumalaw naman si sela di ko alam kung bakit pero may tunog nang kiss >.<

"Iloveyoutoo sleepwell" sabi nito, ako naman tumalikod sa kanya nakakahiya si ko kayang makipag Harapan nang mukha sa kanya.

"Faith magkumot ka nga baka lamigin ka oh" Sabi nito, nahiya naman ako kay sela kasi siya pa mismong nagkumot sakin nakakahiya talaga >.<

umayos naman siya sa pagkakahiga ngaun ko lang narealized isa lang pala kumot na gamit namin nadampian ko yung balat niya eh!

"Bakit kaba nakatalikod sakin haha?" rinig kong sabi nito, Nakakahiya sa kanya eh >.<

Hinila naman niya ako paharap sa kanya kaya nagulat ako bigla tapos siya ayun mukhang natatawa lang, Di ako sanay na may katabi tapos si Sela pa? Minsan ko lang kasi siyang makausap >.<

"Kasi pag natulog kami ni Abby magkaharapan kaya siguro hindi nako sanay" sabi nito sabay smile, Mahal niya siguro si abby bagay sila sana magtagal silang dalawa.

"Ganun ba.." Maikling sagot ko dito tumango naman siya.

"Sana makatulog kanang maayos Faith huwag kang mahihiya" nakangiting sabi nito sakin at niyakap ako, Gosh sela naman! pero gusto ko siyang lalong makilala napakabait niya.

Habang nakayakap siya sakin nakaramdam naman ako nang antok, Sorry ash kung iniwan kita sa room natin may iba kasi akong nafefeel pag kasama ka, Di tayo magkasundo baka kasi lalong lumala pa At maging enemy na talaga tayo.



MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now