Chapter 48

984 32 37
                                    

Faith Pov

Isa lang masasabi ko gutom na gutom nako :< napalingon naman ako kay coleen na nakayuko lang kailangan na talaga namin matanggal tong tali nato sa Kamay namin para makaalis na kami.

"Coleen wala kabang maiisip na ibang paraan diyan?" Sabi ko sa kanya at sinipa siya nang kunti, tumingin naman siya sakin na paramg inaantok na baka nga nagugutom din yan.

"Maghintay nalang tayo faith okay lang yan kaya pa natin yan" sabi nito sabay ngiti sakin, Gumaan naman loob ko nang makita ko siyang ngumiti tama fighting lang.

Nanahimik nalang ako at pansamantalang tumingin sa pintuang kaharap ko please kahit ngaun lang wala bang magbubukas niyan para samin ni coleen.

Nakarinig naman ako nang dahan dahan pagbukas nang pinto kaya agad akong tumingin dito.

Nagulat kami ni coleen nang biglang Pagsulpot nang dalawang tao habang inaalalayan si abby sabay biglang pagtulak nito papasok sa kinaroroonan namin

"Wtf! Anong ginawa nyo sa pinsan ko!?" Sigaw ni coleen tatayo pa sana siya nang isarado na yung pinto.

Tumayo naman ako at pumunta sa kinaroroonan ni abby, Halatang pinahirapan siya nang gumawa nito halos pasa na yung buong katawan niya napakawalang kwentang tao niya

"Abby naman eh! Gumising ka diyan!" Mangiyak ngiyak na sabi ni coleen, alam ko mahirap sa kanya hindi lang kaibigan si abby pinsan niya pa ito.

"Coleen tama na---"

"Pag nakawala ako dito ako mismo papatay sa mga gumawa nito sa pinsan ko! Ano bang kasalanan natin!?" Sigaw niya habang pilit na tinatanggal yung pagkakagapos sa kamay niya.

"Hindi ko alam" nakayuko kung sabi at tinignan si Abby na nanghihina pa din.

Napayukom naman ang kamao ko ako lang naman pinakamahina dito dapat ako yung ginanyan hindi si abby!

Tumayo naman ako at pumunta sa may bandang pader kung ikiskis ko to may posibilidad na maputol tong pagkakatali nang lubid nato sa Kamay ko.

"A-ang ingay M-mo" napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig yung tinig na yun.

"Abby!! Sino may gawa niyan sayo?" Sigaw ni coleen, napatingin nalang ako sa dalawa.

"K-kailangan natin m-makatakas" sabi nito pinilit naman niyang tumayo..

"Kaya mo ba?" Tanong ko, tumangi lang siya at napatingin kay coleen..

Tumalikod naman si coleen kay abby at pinatanggal niya ang gapos niya, kahit mahihirapan si abby pinipilit parin niyang tanggalin.

"Ow shit!" Sigaw ni abby at napahiga nang matanggal niya yung pag kakagapos kay Coleen.

Tumayo naman si coleen at lumapit sakin.

"Makakaalis din tayo" sabi nito at ngumiti sakin.

"Tama" sabi ko nang matanggal niya yung pag kakagapos sakin ay inalalayan si abby sa pag upo.

"Faith bantayan mo muna rito si abby ako bahala para maghanap nang malalabasan natin babalik din ako agad." Sabi nito napakunot noo naman ako sa sinabi niya..

"No, Coleen pano pag nakita ka nila edi gawin din nila sayo yung ginawa nila kay abby?" Tanong ko rito lumapit naman si coleen samin at ngumiti.

"Kesa naman sabay sabay tayong hindi makaalis dito mas malakas ako sayo faith kaya kong lampasan to believe me makakaalis tayo" sabi nito at Tumakbo palabass nang pinto.

Napabuntong hininga naman ako tumingin kay abby na nanghihina pa din grabe pinagtulungan ba siya oh ano?

"Abby sino may gawa sayo niyan?" Hipo ko sa bandang leeg niya.

Napailing nalang ako at pinahiga ko si abby sa bandang hita ko para makatulog at makahinga siya nang maayos.

Sana maging maayos si coleen.

Coleen POV

Feeling ko paikot ikot lang ako sa lugar nato bakit kasi ang laki nahilo nako kakatakbo sa paghahanap nang malalabasan.

Habang Naghahanap ako nang malalabasan may napansin akong dalawang babae na parang nag aaway.

Pamilyar.

"Hindi ko nga sabi kayang gawin! Pakawalan mo na sila! Bakit pati sila damay dito!?"

"Nakalimutan mo naba ang ginawa nila sakin?"

"Ofcourse not! Wala sa usapan to Bakit pati si faith damay!?"

Napahinto sila sa pag aaway nang bigla kong natulak yung pinto patay wrong move.

"Sela.." Bulong ko nanlaki naman ang mata ni Sela at ni rans.

Pano Naging magkasabwat sila? All this time isa si sela sa nagplano nito nakaya niyang saktan si Abby? Kala ko ba mahal niya si Abby kala ko ba mahalaga si abby sa kanya.

"C-coleen" nauutal na sabi ni Sela habang nakatingin sakin.

"Ikaw traydor ka!" Pero bago ako makalapit sa kanilang dalawa may biglang tumulak sakin kaya napahiga ako sa sahig.

"Nandito nanaman pakilamerang Ito? Wala kabang ibang gagawin kundi pakelaman ako?" Naramdaman ko naman ang pag apak ni rans sa ulo ko Napapikit ako pero mas di ko mapigilan magalit sa nakikita ko.

"Rans ano ba! Tigil mo nga yan!" Rinig kong sigaw ni sela.

"Ikaw ang tumigil sela umalis ka nga dito at ako na mag bibigay nang leksyon sa pakelamerang ito gaganti ako sa kumad na to" sabi niya, what gaganti? Wala naman akong ginawa masama baliw bato?

"Rans And sela, Ako na Gagawa nang leksyon diyan Gagawin ko ang ginawa ko kay abby" Ung boses na yun. Alam kong si Gabb yun

Dahan dahan naman akong Tumayo at sinipa si Rans boom tumba weak pero Di ko inexpect ma Sampalin ako nang malakas ni Gabb.

"Oww sorry baby Coco!" Nang iinis ba siya napahawak ako sa Pisngi ko at tumingin sa kanya.

"Ano bang kasalanan namin sa inyo!?" Sigaw ko sa kanila, dahan dahan ko Naman tinignan si Sela na nakayuko.

"At ikaw Sela! Tinuring kitang kaibigan Hingit pa sa kaibigan Parang ate na Kita pero ano to? Bakit Sela!? Bakit!?" Napayukom Naman Ang kamao ko.

"Alam mo Coleen kesa magsisigaw ka diyan kabahan kana." Sabi nitong rans na Nasa harap ko napangisi Naman ako sa harap niya.

"Ako kakabahan? Tinatakot mo ba ako? Alam mo Naman siguro na di ako nagpapatalo sige subukan Niyo gawin sakin Ginawa Niyo sa pinsan ko babalik sa inyo Yan" nakangiting Sabi ko, Hindi ko Lang ineexpect na si Sela Yung makikita Kong kasabwat nila.

"Rans pag usapan natin to huwag si Coleen" nakita ko Naman Hinawakan Ni sela Yung braso Ni rans, Mahal ba niya talaga Si Abby?

"Sela natatakot kaba? Don't tell me natatakot ka sa Babaeng yan? Naglalakad lakasan Lang Naman nang loob" Sabi Nito

"Sela minahal mo ba si Abby Minahal mo ba siya.."


MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now