Chapter Seven

593 29 8
                                    

Continuation

Mga ilang minuto din akong panay kuha nang litrato sa kanya hanggang sa bigla siyang dumilat at sinamaan ako nang tingin kaya naman agad kong tinago ang phone ko >.< Yung titig niya nakakatakot.

"Pinagtritripan mo ba ako abby?" Hala sheyt kung nakakamatay lang ang titig patay nako!

"Hindi ah!" Mabilis na saad ko maya maya pa umupo siya nang maayos at tinignan yung sarili niya sa tapat nang salamin.

"Kapag may nakita ako sa cellphone mo diyan Sa mukha mo, ihahagis ang phone mo okay?" Yung totoo nanakot ba siya? pero hindi ako natatakot lol kilala ko si sela di naman niya magagawa yun.

"Nga pala nakatulog ka kaganina sa baba kaya dinala kita rito" saad ko rito, tumango nalang siya at tumayo mukhang inaantok pa yata siya papikit pikit.

"Thank you abby yah! kaya naman" Napahinto sya sa pag sabi at tumitig sakin.

"Kaya naman ano?" curious na sabi ko rito ngumiti naman si sela at tinapik ako, Hala ano nga parang temeng HAHAHA

"Kaya naman mahal kita as a friend haha!" Saad nito, Okay na sana kaso may as a friend talaga.

wala kanang pag asa dito abby, Mahal kalang niya as a friend at nakikita kalang niya as a friend, Haist bakit ba kasi hindi mo ko magustuhan sela? hindi ba obvious sayo na gusto kita hindi lang sa magkaibigan higit pa doon.

"oh natahimik ka? may nasabi ba akong masama?" Takang tanong nito sakin, napakagat labi naman akong tumitig rito.

"May pa lipbite ang cute mo diyan abby! haha wait lang tutulong papala ako kay mama sa baba" sabi nito at umalis, 0% ba na chance na hindi siya magkagusto sakin?

napaupo naman ako sa higaan ko at nag try akong icontact si Coleen sana naman sagutin niya yung phone -_- may times kasi na hindi niya sinasagot yung phone niya pag tinatamad siya.

"Oh abby?" sabi nito sa kabilang linya tunog bored po siya, Buti nalang naisipan niyang Sagutin.

"pwede kabang pumunta rito?" tanong ko rito, Mga ilang segundo din siguro siyang natahimik, nag iisip po siya.

"Nandiyan ba sila tita?" tanong nito, jusq coleen naman pwede bang pumunta ka nalang -_-.

"Oo diba pupunta ka! sige bye!" sabi ko rito at pinatayan siya nang tawag, Pupunta yun alam ko haist.

Kung wala kang gusto sakin sela, gagawa ako nang paraan para magkagusto ka sakin syempre hindi sa dahas lol kundi sa sarap t-teka parang maling terms yata ginamit ko HAHAHA.

"abby, Hindi kaba baba? Ano ngingiti ngiti kalang diyan? baka gusto mo talagang tumulong sa baba baka lang naman" Panira moment naman tong si mama, pag sila naghaharutan ni Papa di ko pinapansin pag siya nako naman!

"opo na sabi ko nga tatayo nako" saad ko rito, sinamaan lang ako nang tingin ni mama, Ang malas niya tamad yung anak niya :<

Tumayo na rin ako at pumunta kung nasaan si sela nakita ko siyang nakangiti sa mga costumer hindi kaya dahil kay seka kaya malakas benta namin? Pft or sadyang masarap lang ang luto nila mama at papa.

"Uhm abby oh" sabi ni sela at binigyan ako nang key chain ano to? tinignan ko naman siya nang nagtataka kaya naman ngumiti to sakin.

"Basta pag malungkot ka tignan mo lang yan isipin mo na ako yan" sabi nito at bumalik sa ginagawa niya, Ano daw?

tinignan ko naman ang hawak kong baboy na keychain grabe sa dinami dami nang keychain sa mall baboy talaga naiisipan niyang ibigay?

"Abelaine~"

"WAAAAHHHH! WAIT! coleen! shit ka nagulat ako!" pano ba naman biglang bumulong sa likoran ko kala ko multo bwesit ka coleen aatakihin yata ako sa puso!

"Hi coleen" saad ni sela rito tumingin naman si coleen at kumaway tapos yumingin ulit sakin.

"Oh nagulat ka? ang panget nang mukha mo abby HAHAHA!" Tawa nito sinamaan ko naman siya nang tingin habang siya tawa nang tawa nakakatawa yun -_-?

"Coleen iha napadalaw ka" lapit ni mama sa pinakapaburito niyang pamangki sinabi ko naba sa inyo na pinsan ko si coleen?

"Namiss ko kayo tita!" sabi nito at yumakap pa sa mama ko,

"Ikaw kasi coleen anlapit lapit lang nang bahay nyo rito hindi ka makadalaw nag tatampo paminsan minsan sayo ang tita mo" ang pabebe nang mama ko diyan ngayon napatawa naman si coleen.

"Tita alam mo naman na tamad akong gumala" saad nito with matching pacute pa, May side talaga si coleen na ganyan mala Sheki.

"Pero mama Parang kidlat yan pag si Mari ang nagyaya" sabi naman ni sela nagulat naman si coleen at siniko si Sela revealed!

"Ikaw coleen, Bestfriend mo lang ba talaga yun iha?" saad ni mama ko well di ko alam kung gusto ba ni mama si Coleen para kay mari? Ano yun hindi kaya nung bata si mama bisexual siya lol?

"opo naman!" sabi ni coleen at nagsmile nang malapad, Bestfriend? parang hindi nga eh, Kung si sheki trying hard makuha si alice ito si Coleen parang si mari pa naghahabol sa kanya.

"Maiwan ko muna kayo rito, Abby igala mo sila sa labas kung gusto mo" saad ni mama bago umalis at bumalik sa kanyang ginagawa.

nagkatinginan kami ni sela at agad naman akong umiwas parang may kuryente sa pagitan namin at parang ako lang yung nakaramdam? Mahal na mahal ko na yata talaga siya.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta? kala ko naman may sasabihin ka!" pag mamaktol nitong bruha sa harap ko.

"Masama ba?" tanong ko rito, pasimple ko naman tinignan si sela na may hawak nang cellphone at seryoso ang itsura bago tumingin kay coleen.

"Nga pala coleen, may nagugustuhan ka naba?" tanong ni sela, Bakit naman niya natanong yun?

"Wala pa syaka wala akong time doon bakit ikaw sela may nagugustuhan kana ba?" tanong ni coleen kinuha ko naman ang tubig sa gilid ko at nag masid lang sa kanila.

"Oo pero hindi kasi pwede na magkagusto ako sa kanya" yung pagkasabi ni sela nun tumingin sya sakin bago sya tumingin kay coleen.

"Aww sad naman nun sela" sabi ni coleen at tinignan ako nang nakakaloko, Ayuko ngang umasa alam ko naman na hindi papatol si sela hinding hindi.

pero may chance? na walang chance? Ako ba yung tinutukoy ni sela? HUWAG ASSUMING ABELAINE TRINIDAD, Mahirap na baka lalo kang mafall at the end baka lalo kang masaktan sa huli.

MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now