Chapter 17

520 25 23
                                    

Coleen Pov

Nag ayos muna ako bago ako pumunta kela ash, syempre kailangan na maganda ako pero sa totoo lang wala nevermind, Hinihintay ko si Faith rito sa may bandang labas nang Classroom.

"Hinihintay mo si Faith?" tanong ni sela at abby, Wow naman simula na naging sila hindi napaghiwalay.

"Oo Kasi bakit ko nga ulit isasama siya kay ash? aber?" nakataas kilay kong tanong sa kanila, bakit kailangan ko pang ipakilala si Faith doon eh! obvious naman na walang pake si ash.

"Malay mo lang naman sige na dalhin mo na doon" Abby at sinuko ako, Pasalamat ka talaga at pinsan kita kundi papaitimin kita nang maaga.

"syaka kung sakaling maging kaibigan niya si ash atlis masasama nanatin siyang gumala" nakangiting sabi ni sela, nasabi naba namin na si Ash walang pake sa mga bagay bukod sa hindi namamansin mas mahal pa niya yung libro niya.

"So kala nyo talaga mababago ni Faith si Ash nuh?" tanong ko rito, Tignan lang natin baka maging invisible pa si Faith doon -_-

"Alam mo kung bakit si faith ang pinapasama namin sayo? kasi alam ko na walang makakatiis sa cuteness niya" Abby, Ako nga hindi masyado na cucutan diyan kay Faith si Ash pa kaya?

"Okay pero saglit lang kami doon" bored na sagot ko, pumasok na sila sa loob nang classroom saktong paglabas naman ni Faith.

"Coleen tara na?" nakangiting sabi ni faith sakin, napakunot naman noo ko nang mapansin wala siyang suot na eyeglass ngaun.

"Bakit wala kang salamin?" tanong ko rito.

"Bakit panget ba? nasa bag ko yun eyeglass ko suotin ko paba?" takang tanong nito, Hindi ah mas maganda ka kaya pag walang salamin mukha kang japanese.

"huwag na mas bagay sayo yung wala tara na" saad ko rito at naunang maglakad, ang awkward nang paligid namin at hindi ko alam kung bakit awkward eh.

"Hoy! coleen ambilis mo naman maglakad nakalimutan mo siguro na may kasama ka wait!" napahinto naman ako sa paglalakad at tumingin sa likoran ko hinintay ko muna si Faith na makapunta sakin, mabilisbpala akong maglakad huh?.

"Sorry naman tara na nga" sabi ko rito at hinawakan yung kamay niya, para sabay na kaming maglakad walang malisya to. -_-

"Coleen Wait nga muna ambilis mo pa din maglakad nakakaladkad nako at ang higpit nang hawak mo sa kamay ko!" nakakainis na sigaw nang sigaw tong babaeng to -_- binitawan ko naman yung kamay niya at tinignan nalang siya.

"Huwag kang panay sigaw baka kung ano pang isipin nang mga tao rito" Napatingin naman si Faith sa paligid niya at agad na lumapit sakin.

"Bagalan mo kasi paglalakad coleen, syaka napaka init yata nang ulo mo?" faith napasapo naman ako sa nuo ko, hindi ko nga din alam kung bakit mainit ulo ko.

hindi nalang ako nagsalita at pumunta sa parkit lot nang school, Nang makapunta ako agad akong sumakay sa kotse hinintay ko munang makapasok si Faith sa sasakyan ko

"Coleen seryoso marunong kang magdrive?" tanong nito, tumingin naman ako sa likoran ko

"Marunong ako syaka lumipat ka nga dito sa tabi ko nagmumukha akong driver mo bilisan mo" iritang sabi ko, agad naman lumabas si faith nang sasakyan at umupo sa tabi ko.

sinimulan ko nang magdrive ang tahimik nga namin nang bigla niyang sinira yung katahimikan naming dalawa nang nagsalita siya.

"Coleen May nagsabi naba sayong maganda ka?" rinig kong sabi nito, napailing naman ako kasi nagfufucos ako sa daan eh

"Marami nang nakapagsabi faith" Bulong ko rito, Haist bakit kailangan pa niyanh itanong yun? alam ko naman talagang maganda ako eh!

"malapit naba tayo?" tanong nito, Excited ba siya o ano? ako nga sumabay pa ang araw sa init nang ulo ko rito -_-

"Malapit na kung tatahimik ka muna" medyo inis na sabi ko rito, napansin ko naman na hindi na sumagot si faith baka naman Sinunod niya na yung sinabi ko.

Napahinto naman ako sa pag mamaneho at tinignan si Faith, Natutulog pala siya kaya pala tumahimik eh! Pero bakit namumutla to?

"Faith gising!" sigaw ko rito at tinapik yung pisngi niya, Teka bakit ang init nito? agad ko naman sinapo yung nuo niya gosh ngaun pa nilagnat!

Lumabas muna ako nang sasakyan. Hindi ko alam gagawin ko?

tinignan ko naman si Faith na nasa loib parin nang sasakyan ko na natutulog kaya pala nakatulog sa sobrang taas nang lagnat

"Ano ba to!?" sigaw ko at pumasok sa loob nang sasakyan ko.

napatingin naman ako kay faith na pinagpapawisan pa, Kinuha ko naman yung panyo ko sa gilid at pinunasan sya No choice sa bahay ko nalang siya ipupunta

Binilisan ko naman yung pag drive ko para makapunta ako sa bahay, Hindi pwede na dito lang siya sa kotse kailangan niyang nang gamot at bakit kasi faith ngaun kalang nilagnay ngaun pa lalo na kasama mo ko eh nuh?

nang makarating ako sa bahay ay bumaba nako nang sasakyan at binuhat ko si Faith, Putek! ampayat niya pero ambigat ni Faith!

"Ms.coleen napa aga yata yung uwi niyo?" Bungad sakin nang isang maid namin, Huwag kang paharang harang baka masipa kita.

"Yaya pwede bang dalhin mo muna siya sa kwarto ko nilalagnat kasi siya syaka punasan nyo na din po" sabi ko at dahan dahan pinasa si Faith sa maid namin, Ambigat eh di ko kaya!

pinagmasdan ko naman ang maid namin na buhat buhat si Faith na natutulog at inaapoy nang lagnat.

umupo muna ako sa may sofa namin, Haist malas naman oh! hindi ako nakapunta kela ash hihingiin ko sana yung mga pagkain nila eh! si Faith kasi>.<

Siguro mga ilang minuto pa ay nag pasya na akong pumasok sa kwarto ko nakita ko naman na binibihisan nang maid ko si Faith at siguro napunasan na sya?

"Ms.Coleen pinagamit ko napo sa kanya yung damit at pajamas mo kasi basang basa po sya sa pawis" diretso sagot nang maid namin.

"Okay yaya lumabas ka muna" saad ko rito sumunod naman sa pinag uutos ko ang yaya ko.

nang makaalis yung Maid namin ay umupo ako sa bed ko katabi si faith na natutulog, Hindi kaya nilalagnat na talaga siya? pero di niya simasabi.

napansin ko naman na dumilat na siya kaya agad kong tinignan kong mataas parin yung lagnat niya oo mataas parin, nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko.

"Coleen thank you" sabi nito at ngumiti bago makatulog muli, napatingin naman ako sa kamay ko na hawak hawak niya pa din

inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko napahawak ako sa dibdib ko Bakit bumilis bigla tibok nang puso ko?

MY BESTFRIEND [ON HOLD]Where stories live. Discover now