Chapter 1

19 2 3
                                    

Rain's POV:
  I'm Rain Crystal Montevilla. Rain for short. Bagong lipat lang ako sa Montevilla Academy na siyang pagmamay-ari naming Montevilla Family. May kuya ako his name is Raxier Montevilla, Raxe for short. Tama na ang daldal. Papunta ako ngayon sa dorm kasama ang boyfriend kong si Zach. Zachary Lucas Park ang name niya.

"Bhie, anong number ng dorm mo?" Tanong niya. Tinitigan ko lang siya at pinakita ang number na hawak. Di kasi ako mahilig magsalita. Napatango naman si Zach.

Nahanap ko naman ang dorm ko at inayos ang gamit ko kanina ko pa kasing pinaalis si Zach. Habang nag-aayos ako ay may bumukas ng pinto. Di na ako magtataka kasi anim ang beds dito eh para ngang bahay rito. Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon at ngumiti siya sa akin. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Bastos na kung bastos eh namana ko lang yun kay kuya. Speaking of kuya nabalitaan ko leader siya ng isang gang dito and I don't care.
Sinalpak ko na lang ang earphones sa tenga ko at nakinig ng music. Maya-maya ay lumapit sa akin yung babae kanina.

"Hi I'm Cyrine Grace Dela Torre Nice to meet you" sabi niya at mukhang makikipagshake-hands sa akin.

"Rain" sabi ko at lumabas ng dorm dala ang gitara ko para di ako mabagot.

Alam ko namang friendly siyang tao pero pinipili ko lang ang mga kaibigan ko. Naglibot-libot ako sa school at infernes ang laki ah. Di na ako magtataka kung bakit sikat ito bilang isang school for gangsters. That's right school for gangsters ang Montevilla Academy. Napagisipan kong pumunta sa likod ng school at coincidence walang tao ah. Pumunta na lang ako sa may ugat ng puno at kinuha ang gitara ko na bitbit ko kanina pag-alis ko. Nagtugtog ako ng song yung "Kahit ayaw mo na" gamit ang gitara ko.

Kahit ikaw ay magalit
Sayo lang lalapit
Sayo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita kahit ayaw mo na🎶🎶

Kanta ko habang naggigitara. Napatigil na lang ako sa pagkanta ng may narinig ako. Tinignan ko naman yung sa itaas ko at what a coincidence. May tao pala. Agad na akong tumayo at aalis na sana ng nagsalita siya.

"Hoy, gitara girl saan ka pupunta?" What the heck!! Anong pinagsasabi niya? Hindi ko nga siya kilala eh. Umalis na lang ako pero may narinig pa akong nahulog. Di na ako magtataka kung siya yun. Nabigla na lang ako ng may umakbay sa akin. Feeling close rin to eh.

"Saan ka pupunta? Gitara girl" tanong niya tsaka nagsmile. Tinabig ko naman ang kamay niya at naunang lumakad.

"Sungit mo naman gitara girl!!!!" Sigaw niya. Binaniwala ko lang siya at pumunta na lang sa cafe.

Pagkadating ko dun ay nakita ko si Zach kaya lumapit ako sa kanya at sinabing sabay na lang kaming kumain. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Di ko nga alam kung bakit nagustuhan ako ni Zach pero may tiwala naman ako sa kanya kasi dati ko siyang bestfriend. Pero di pa rin boto sa kanya ang kuya ko. Wala namang magagawa si kuya eh.

"Ano order mo?" Tanong niya sa akin.

"Float lang" sagot ko. Ngumiti na lang sa akin si Zach tsaka siya nag-order. Perfect material bilang boyfriend si Zach pero di ko feel eh. Dati oo inaamin ko na sobrang crush ko siya noon pero ngayon parang wala na.

Pagkadating niya ay ininom ko yung float habang nagccp. Napansin ko na lang na may dumi siya sa may bibig niya. Napangiti na lang ako.

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now