Chapter 11

2 1 0
                                    

Rain's POV:
  Well, well, well, ang kapal rin ng mukha niya para tawagin ang sarili niya na magiging isang Montevilla. At isa pa wala sa dugo namin ang mukhang sloth. Di naman kagandahan. Nagulat naman sila sa sinabi ko pati na yung mga tao sa loob. Di kasi nila alam na may kapatid si kuya. Mapaglihim kasi ang mokong yun. Napatawa naman si Ellaine Bulldog. New nickname niya yan, wala lang eh bigla lang nagpop-out sa brain ko.

"You?hahaha..the sister of Raxier Montevilla?hahaha...baka nagiimbento ka lang" sabi niya. Ngumiti na lang ako. Tamang-tama namang dumating sina kuya.

"Hi kuya" bati ko kay kuya. Nagulat naman siya. Minsan lang kasi ko siyang binabati. Napangiti naman siya ng binati ko siya.

"Well, hello my one and only beautiful sister" bati ni kuya sa akin. Napanganga naman sina Ellaine Bulldog.

"Kuya, pakisabi nga sa kanila na ako ang nagiisang kapatid mo"sabi ko. Bigla naman siyang umakyat sa isang table tapos sumigaw.

"Everyone!! Meet my one and only beautiful sister Rain Crystal Montevilla na manang-mana sa kanyang kuya na which is ako and if one of you dare lay a finger on her, just meet me in hell" sabi ni kuya. Well yung huli ay cold siya.

"Oh saan kayo ngayon?"mayabang na sabi ni CJ. Nagwalk-out naman sina Ellaine Bulldog. Tapos naghiyawan naman ang cafe. Pagkatapos nun ay bumalik na ulit sa dati. Pero yun ang inaakala ko....

Raxier's POV:
   Mabuti na lang talaga tinawagan kami ni Drake. Kung hindi may dumanak nang dugo dito sa cafe. Eto kasi yun bago kami makapunta rito.

Flashback...
  Papunta kami ngayon ng tropa ko sa cafe. Except kay Drake kasi kasama daw niya si Jem. Hmmm.. I smell something fishy... Oh well, bigla namang tumunog yung cp ni Renz. Tawag siguro kaya ayun sinagot niya. Sinabihan ko na rin siya na i-loudspeaker niya na rin.

On calling...

"Renz pumunta na kayo rito, baka magpapatayan dito sina Rain at yung Deadly Anacondas"sabi niya agad ko namang kinuha yung phone ni Renz.

"Papunta na kami diyan, bantayan mo si Rain, matinik yan baka di mo makita may sugat na yung kalaban niya" sabi ko.

"Oh sige na Dalian niyo na dyan" sabi niya at pinatay ang tawag.

End call...

  Agad naman kaming pumunta sa cafe. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng napakacute kong kapatid.

"Hi Kuya" bati niya sa akin na kinagulat ko naman. Minsan lang niya ako batiin eh. Para sa akin big deal na yun. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Well, hello my one and only beautiful sister" sabi ko. Napansin ko namang napanganga sina Ellaine sa sinabi ko. Di ko kasi pinagsasabi na may kapatid ako baka kasi suhulan ng mga manliligaw ko. Oo ako yung nililigawan may problema ba dun. Pero alam ko namang di nila agad makukuha ang loob ng kapatid ko. Maldita kaya yan tapos kaya pang pumatay. Nung bata kami pinatay niya yung aso ko dahil napagtripan ko siya.

"Kuya, pakisabi nga sa kanila na ako ang nagiisang kapatid mo" sabi niya sa akin. Umakyat naman ako sa isang table para mapansin ng mga tao ang kagwapohan ko. Bakit hindi ba?

"Everyone!!! Meet my one and only beautiful sister Rain Crystal Montevilla na manang-mana sa kanyang kuya na which is ako and if one of you dare lay a finger on her, just meet me in hell" sabi ko siyempre cold kong pagsabi yung huli. Totohanin ko talaga yun noh. Baka nga mapatay ko yung taong magpapaiyak sa kapatid ko. Dapat kasi ako lang yung umaasar sa kanya. Napansin ko namang nagwalk-out ang grupo nina Ellaine at pagkatapos nun ay naghiyawan ang mga tao sa loob.

End of Flashback...

So yun na nga ang nangyari. Nandito kami ngayon ng tropa ko sa cafe kasama yung tropa ng kapatid ko. May bigla naman akong naisip.

"Rain, dahil sikat na kayo dapat may name na kayo ng gang" sabi ko.

"Oo nga Rain, tapos ikaw na lang yung leader namin" pagsang-ayon ni Jem. Tumango naman si Rain. Meaning okay lang sa kanya.

"So anong name ng gang niyo dapat maganda yan"sabi ni Drake. Napaisip naman sila.

"What if Dark Rose Gang" suggest ni Alex.

"What do you think Leader?" Tanong ni CJ.

"Bahala kayo" sabi ng kapatid tapos uminom ng ice tea.

"Dark Rose Gang na lang, ang ganda kaya" sabi ni Nic.

"And it suits to our personalities" dugtong naman ni Cris. Kaya ayun may bago nang group dito sa Montevilla Academy.

Someone's POV:
  Dark Rose Gang pala ah. Just wait.. Bago pa lang kayo pero ipakikita ko sa inyo ang hell.

Jemima's POV:
   It's weekend and I'm excited siyempre makakabisita ako ngayon kina mama at papa. Papunta ako ngayon sa sementeryo. Yes, patay na ang mga parents ko tapos yung tito Kong nakatira sa ibang bansa ang nagpapa-aral sa akin dahil bilin daw yun nina mama at papa. Namatay sila sa isang car accident, bata pa ako nun.

"Hi ma, pasensya na kayo ni papa, ngayon lang ako nakabisita, busy kasi sa school eh" sabi ko sa may puntod Nina mama.

"Alam niyo ba ma, pa, may mga bago akong kaibigan at ang babait nila kung buhay pa sana kayo ipakikilala ko sila sa inyo"sabi ko. Di ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko. Naghagulhol naman ako ng iyak habang nagkukuwento kina mama at papa. Di ko napansin umuulan na pala. Wala pa naman akong dalang payong or di man ay jacket. Di ko na lang yun pinansin. Habang ang lakas ng ulan, mabilis rin ang pag-agos ng mga luha ko. Naramdaman ko namang may pumayong sa akin di ko siya makilala kasi naka-all black siya tapos may face mask at shades. Tinignan ko lang siya at bumalik ulit kakaiyak.

"Miss dapat di ka nagpapaulan baka magkasakit ka" sabi niya. Di ko siya pinansin. Bigla naman akong nahihilo at ang huli Kong nakita ay sinalo niya ako dahil natumba ako siguro sa kakaiyak ko kanina at pagpapaulan ko.

Someone's POV:
   Pano ba toh? Binuhat ko na lang siya in bridal style at dinala sa sasakyan ko. Papunta kami ngayon sa dorm ng mga kasama ko. Nilagay ko lang siya sa likod. Nilagay ko naman ang kamay ko sa noo niya. What the heck!! Ang init niya. Agad kong hinururot ang sasakyan papuntang dorm.
________________❄________________

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now