Chapter 7

3 1 0
                                    

Raxier's POV:
Papunta ako ngayon sa room nina Nicole para ma-excuse siya. Pagkadating ko sa room nila ay tumili naman yung mga babae dahil sa akin. Iba talaga kapag ikaw ang nagiisang Raxier Montevilla.

"How can I help you Mr. Montevilla?" Tanong ng prof. nila.

"Gusto ko po i-excuse si Nicole Mae Guevarra cause she's in the clinic right now, LBM I think" rason ko sa prof nila. Tumango na lang ito. Umalis naman ako kaagad kasi walang bantay si Nic.

Nicole's POV:
  Nabigla naman ako ng bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Raxier. Agad ko namang tinago ang cp ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Okay ka na ba?" Tanong niya. Tumango naman ako. Bigla namang kumulo ang tiyan ko. I heared him chuckle. Siguro narinig niya ang tiyan ko, nakakahiya tuloy.

"Mukhang gutom ka na ms. Beautiful" sabi niya. Namula naman ako bigla yung tenga ko lang.

"Joke lang, ang panget mo kaya mas maganda pa yung aso ko kaysa sa iyo noh"bigla namang nawala ang pamumula ko. Napalitan ito ng poker face. Napatawa naman siya todo.

"Sira" bulong ko. Mabuti na lang di niya narinig. Di ko napansin na nakabalik na siya at may dala-dalang pagkain.

"Oh eto, kumain ka na" sabi niya. Kumuha na lang ako at kumain. Kumain rin naman siya, di siguro nakapag-breakfast. Pagkatapos naming kumain ay nakakabingi yung katahimikan namin dito.

"Ummm... Anong oras ba ako dito makakalabas?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko alam" sagot niya.

"Alam mo ba, sinuntok ako kanina ni Rain, ang sakit nga eh" sabi niya. Bakit naman kaya? Napatawa naman siya ng naalala niya yun.

"Bakit ka naman natatawa?" Inosente kong tanong. Napatigil naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Eh kasi ngayon ko lang nakitang ganoon yung kapatid ko, swerte kayo kapag may kaaway kayo may resbak kaagad kayo" sagot niya.

"At isa pa pala excuse ka na sa mga teachers mo, whole day, same as me also" dugtong niya. Napatango-tango naman ako. Bumukas naman ang pintuan at inuluwa nito sina Ate Jem pero di kasama si Rain, kasama na rin nila ang nurse. Umalis na lang si Raxier pero napansin kong ngumiti siya sa akin o sadyang nagmamalikmata lang ako.

"Nic, ano ba ang nangyari sayo? Mabuti na lang nagtext sa akin si Rain kundi mahihimatay ako sa kaba at pag-aalala sayo" drama ni ate Jem.

"OA lang" sagot ko.

"So, anong nangyari?" Tanong ni Cris.

Can I Have You Back? [On Going]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें