Chapter 5

8 2 4
                                    

Alexandria's POV:
    Nandito ako sa may rooftop. Hindi naman mainit kaya naisipan kong tumambay dito. Nagbabasa ako ngayon ng libro, I love reading books and I'm also a music lover. Habang nagbabasa ako ay may narinig akong pagbukas ng pinto. Binaba ko naman ng kaunti ang libro ko pero yung mata ko lang ang makikita.

"Ay sorry, akala ko kasi walang tao, sorry" sabi niya. Wait... his voice is familiar. Tinago ko na ang libro at tinignan siya ng cold.

"Ay ikaw pala, Alex right?" Tanong niya. Tumango naman ako pero cold pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya.

"Bakit masama ba?" Balik kong tanong.

"Di naman, bakit dito ka nakatambay?" Tanong niya tsaka umupo sa tabi ko.

"Trip ko lang" sagot ko at kinuha ang cp ko pati na rin ang earphones ko para makinig ng music.

"Anong song yan?" Tanong niya sa akin. Binigay ko na lang sa kanya ang isa para maparingan rin niya.

"Rewrite The Stars, toh diba?" Tanong niya. Tumango naman ako. Kinakanta naman niya yung kanta. Ganda ng boses niya.

"Ummm... Sino ka nga ulit?" Tanong ko. Nakuha ko naman ang atensyon.

"Grabe ka naman nakalimutan mo agad ang pangalan ko, Renz na lang" sagot niya. Sasagot naman siya eh pinahaba pa.

"Okay gotta go, Renz" sabi ko at tumayo.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Cafe lang naman gutom na kasi ako" sagot ko.

"Sabay na ako sayo baka nandon rin ang mga kasama ko" sabi niya.

"K" tipid kong sagot.

Renz's POV:
   Kasama ko ngayon si Alex papuntang cafe. Nagbabasakaling baka nandoon ang tropa ko pero half of me ay gusto ko siyang makita. Nang makarating kami sa cafe, nakita ko si Drake kasama yung si ate Jem nila. Nagdadate siguro, hokage moves rin toh si Drake eh. Umorder muna kami tsaka lumapit sa kanila. Mukha namang nagulat sila.

"Alex, nandito ka pala" sabi ni Ate Jem.

"Bakit masama ba ate?" Tanong ni Alex.

"Di naman, hali kayo dito na lang kayo ng kasama mo" aya niya sa amin.

"Hindi na ate mukhang nagdadate kayo ni Drake eh, sa ibang table na lang kami" sabi ko. Napakunot naman ang noo nilang dalawa.

"Ang galing mo talagang mag-imbento Renz, inaya ko lang siya dito eh, bakit masama ba?" Paliwanag ni Drake.

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now