Chapter 6

8 2 16
                                    

Nicole's POV:
   May binigay si Rain sa akin kanina pero di ako sure kung kanino galing. Maghahating-gabi na pero di pa rin ako makatulog. Pumunta muna ako sa refrigerator para kunin yung binigay sa akin. Pagkabukas ko ay pizza lang pala pero may napansin akong note.

"Eat Well 😊"

Yan yung nakalagay tapos unknown. Di ko na lang yun pinansin tsaka kumain ng isang piraso ng pizza. Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng tubig tsaka bumalik sa higaan ko. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay naramdaman kong sumasakit ang ulo. Dali-dali naman akong pumunta sa banyo para magsuka. May nilagay siguro dun sa pagkain. Ilang beses pa ako nagsuka mabuti na lang di pa ako nakakasuka ng dugo. May nakapansin naman sa akin at si Rain yun. Agad niya akong tinulungan at pinainom ako ng tubig.

"Anong nangyari sayo Nic?" Tanong niya. Kung tignan mo ngayon hindi siya yung Rain na cold.

"Nagsusuka ako dahil sa pagkain na kinain ko" sagot ko naman. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Ano ba ang kinain mo? Don't tell me yung pizza" sabi niya. Tumango naman ako.

"Patay yang si kuya sa akin" sabi niya. Bakit napunta sa usapan si Raxier?

"Bakit naman? Siya ba yung nagpadala ng pizza?" Tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.

"Eh gago pala yang kuya mo eh, muntik pa ako ma-ospital sa kanya" sabi ko.

"Ako na bahala sa kanya, magpahinga ka na lang kaya mo bang tumayo?" Sabi niya. Tumango naman ako. Inalalayan niya naman ako.

"Don't worry Nic, makakatikim yan si kuya sa akin, pahinga ka na, good night" sabi niya. Napangiti naman ako.

"Good night din" sabi ko at nagpahinga na.

The Next Day...

  Agad naman akong bumangon kasi nasusuka naman ako. Papunta ako ngayon ng kusina para makainom ng tubig. Pero parang babagsak na ang katawan ko. Bago pa ako makainom ng tubig ay nandilim na ang paningin ko at nahimatay ako.

Rain's POV:
   Nagising naman ako nang makarinig ako ng pagbagsak. Agad naman akong pumunta sa kinaroonan ng pagbasak. Nakita ko naman si Nic, agad ko siyang binuhat para dalhin sa clinic. Kaya ko naman kaya ako na lang. Mapapatay ko nito si kuya. Pagkadating namin sa clinic, mukhang nagulat pa ang nurse pero agad naman niyang tinulungan kami.

"Kamusta siya nurse?" Tanong ko.

"Okay na siya ngayon kaya don't worry, she's fine na" sagot niya. Tumango naman ako, nagpaalam muna ako sa nurse na aalis ako pero babalik rin. Tumango lang siya. Agad naman akong pumunta sa dorm nina kuya. Pagkadating ko doon ay si Knight na ang bumukas ng pintuan.

"Rain aga mo yata hali-" di ko na siya pinatapos.

"Nasan si kuya?" Cold kong tanong. Tinuro naman ni Knight yung kusina. Agad naman akong pumunta doon at nakita ko siyang nagtatawanan kasama si Elixir.

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now