Chapter 12

6 1 0
                                    

Rain's POV:
   Nandito ako ngayon sa dorm kahit weekend ngayon wala akong balak na bumalik sa bahay. Tutulog na sana ako ng may tumawag sa cp ko. Agad ko namang sinagot ito.

On calling...

"Sino toh?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Ahhh... Si Drake toh pwede ka bang pumunta dito pasama ka na rin kahit kanino diyan" sagot niya.

"At bakit?" Tanong ko.

"Nandito kasi sa dorm si Jem, inaapoy ng lagnat" sagot niya. So nandoon pala si ate Jem. Agad ko namang binaba ang tawag. Bastos na kung bastos, mana lang kay kuya.

End call...

   Nilapitan ko naman si Nic. Siya na lang isasama ko.

"Nic, samahan mo naman ako" sabi ko.

"Saan naman?" Tanong niya.

"Basta, importante lang talaga" sagot ko. Tumango naman siya. Nagpaalam naman kami sa mga kasama namin na may pupuntahan lang. Pumunta muna kami sa canteen para bumili ng kaldo at panghapunan na rin namin. Plano ko kasing dun na kami magdi-dinner kina kuya. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa dorm nina kuya. Kumatok naman ako sa pintuan at binuksan ito ni Kuya.

"Oh Rain bakit nandito ka? At bakit kasama mo yan?" Tanong niya sabay turo kay Nic.

"Bakit? May problema ba kung kasama niya ako?" Mataray na tanong sa kanya ni Nic.

"Oo kasi hindi pwede dito yung mga duwendeng katulad mo" sagot ni kuya na nagpakunot ng noo ni Nic.

"Like duh, hindi ako duwende noh, tao po ako tao, human being in English, gets" sabi ni Nic. Nagbangayan pa sila ng nagbangayan. Ako na mismo ang umawat sa kanila.

"Hephep.... Tama na yan mga love birds... Awat muna ha" sabi ko. Para namang sasabog na bulkan ang mga pagmumukha nila. Agad na lang akong pumasok sa loob na tawang-tawa. Napatigil naman ako sa pagtawa ng may nabangga ako. Tinignan ko naman kung sino, si Elixir lang pala.

"Sorry" cold kong sabi. Alam niyo na bipolar kasi is me.

"It's okay"sabi niya at bigla namang sumigaw sina kuya.

"RAIN!!!!!!!" Sigaw nilang dalawa. Napatawa naman kaming dalawa ni Elixir.

"Rain?" Tawag sa akin ng isang boses parang si Ate Jem. Tinignan ko naman kung sino, si ate nga.

Jemima's POV:
  Nagising ako dahil sa ingay.

"RAIN!!!!!!" Sigaw nung sa labas. Rain? Tinignan ko naman kung saan ako. Nakita ko naman si Drake tulog. Yung ulo niya nasa kama. Tumayo naman ako ng dahan-dahan para di siya magising. Pumunta naman ako sa labas. Nakita ko naman sina Rain at Elixir na nagtatawanan. Ang cute.... Wait bakit kaya nandito sila?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now