Chapter 8

3 1 0
                                    

Rain's POV:
"Crystal habulin mo ako" sabi nung batang lalaki. Blurred pa rin yung mukha niya.

"Mahahabol rin kita, patay ka sa akin kapag nahuli kita!" Inis na sigaw ng batang ako.

"Bleh!!!" Sigaw nung batang ng lalaki. Di niya napansin na may puno sa may harapan niya kaya ayun nauntog siya. Agad namang pumunta doon ang batang ako para makita kung okay lang siya.

"Oh okay ka lang ba Lixer?" Tanong ng batang ako. Tumango naman siya.

"Pano ba yan taya ka na" sabi ng batang ako tsaka tumakbo. Napangiti naman yung lalaki tsaka hinabol ako.

Weird non ah...sino ba kasi si LIXER na yan? Connected ba kami? Nagulat lang ako ng tawagin ako ng nurse.

"Miss are you okay?" Tanong nung nurse. Tumango naman ako.

"Pwede ka na pong umalis kahit anong oras" sabi ng nurse tsaka umalis na. Tumayo naman ako sa kama tsaka naalala ko lang na nalimutan ko yung gamit ko sa music room. Nagpaalam naman ako sa nurse bago ako dumiretso sa music room. Pagkadating ko ay kinuha ko kaagad ang mga gamit ko pero may nahulog na bracelet. Pinulot ko naman ito ang tinignan.

Best Friends...

Yan yung nakasulat. Ano kaya ang meaning nito? Tinapon ko na lang ito sa basurahan tsaka umalis na.

Someone's POV:
   Nalungkot naman ako sa nakita ko. Tinapon lang ni Crystal yung friendship bracelet namin. Siguro nga, nalimutan niya na ako. May Zach na siya kaya wala na akong magagawa. Pero di ako susuko sa kanya. Agad naman akong pumunta sa next class ko.

Christine's POV:
   Papunta ako ngayon sa next class ko kasama sina Nic. Naikwento niya na rin yung nangyari kanina. Medyo kinilig nga ako eh. Habang papunta kami sa room ay napatigil kami dahil puno ng rose petals yung hallway tapos sa dulo nito si......














Knight... Ah oo nga pala may dare pala kami. Habang papalapit siya sa akin, eto namang si Nic tsaka si CJ, kilig na kilig lang naman sa kanya. Mas kinilig pa sila kaysa sa akin eh. Di ko na lang namalayan na nasa harap ko na pala si Knight.

"Na-suprise ba kita?" Sabi niya tsaka ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang isang bouquet ng roses, tinanggap ko naman ito.

"Pano ba yan, mukhang madali lang kita mapapahulog" bulong niya sa akin. Mas ngumiti naman ako ng matamis.

"Really?" Sabi ko tsaka kumuha ng lighter sa bag. Trip ko lang dalhin yung lighter eh. Sinunog ko lang naman ang bouquet na binigay niya, sa mismong harapan niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Sorry ha, I'm not impress even a little bit" sabi ko at umalis. Sumunod naman sa akin yung mga kasama ko.

"Bakit mo yun ginawa?" Takhang tanong ni CJ sa akin.

"Long story, sasabihin ko lang mamaya" sabi ko.

"Pero baka malungkot yung tao dahil sa ginawa mo" sabi ni Nic.

"Malungkot? That was awesome and I like it" sabi ni Alex.

"You're right" sabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Pumasok kaagad kami tsaka umupo. Wala pa naman yung teacher namin kaya nagsoundtrip muna ako.

Knight's POV:
   Ano ba yan! Wa epek sa kanya ang effort ko. Sayang lang yung roses, mahal pa naman yun eh. Pero hinahamon niya ako ah. Tawang-tawa yung mga kasama ko dahil kinuwento ko sa kanila yung nangyari kanina. Si Justine pa yung pinakamalakas tumawa sa amin kaya agaw tingin kami. Ako naman,eto nakayuko. Habang papunta kami sa next subject nasalubong namin ang Deadly Anacondas. Leader nila si Queen Ellaine Sapphire Pox. Vice si Micahela Ray Delos Vesta. Other members are Hazel Maine Dixon, Kathlaine Cris Austria, Alexia Mist Fabrequela and lastly Lheane Bell Alexis. At crush nila kami yan yung pagkakaalam ko tapos si Micahela gusto niya si Leader namin. Dami kong information noh. Tama na ang dada. Dinaan lang nila kami pero kinindatan ako ni Alexia which is kadiri...yuck... Dumiretso na lang kami sa room. Pagkadating namin dun as always late. Di na lang kami pinansin ng prof. namin. Tumingin naman ako kay Cris at sakto naman na nakatingin siya. Kaya kinindatan ko siya at ngumiti. Nakatanggap lang naman ako ng isang irap. Taray naman nito. Tumulog na lang ako sa buong klase. Wala naman pa rin akong matutunan kapag makikinig ako.

Jemima's POV:
   Nandito ako ngayon sa school garden. Wala akong class eh kaya dito muna ako. Nakahiga ako ngayon sa damuhan na malapit sa isang puno para may masilungan ako. Iidlip muna kaya ako. Bago pa ako tuluyang makatulog ay nagising ako dahil may nahulog sa akin. Minulat ko naman ang mata ko, nagulat naman ako na magkalapit ang mukha namin. Ang lapit naman ng mukha niya sa akin pwede namang ilayo niya eh, ilang minuto rin kami non.

"Ahhh... Sorry Jem" sabi ni Drake tsaka tumayo. Oo, si Drake yung nahulog sa akin. Mahilig kasi humiga sa mga sanga ng puno. Baka mapagkamalan pa siyang unggoy dahil dun. Hahahahaha...

"OK lang" sagot ko at tumayo na rin. Pinagpag ko na lang yung palda ko.

"Jem" tawag niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ang pango mo"dugtong niya tapos tumawa. Napakunot naman ang noo ko.Gunggong talaga to eh. Alam niyo yung ang ganda ng eksena tapos may umepal na bwesit. Ganyan si Drake.

"Eh ikaw, unggoy" sagot ko tapos tumawa. Huminto naman siya sa pagtawa at kumunot ang noo niya.

"Hmmp..pango"- Drake

"Unggoy"- Jem

"Pangooooo!!!!"- Drake

"Unggoyyyyyyy!!!!"- Jem

Nagbangayan kami ng nagbangayan. Umalis na lang ako sa garden baka kasi malibing ko pa siya ng buhay. Mabilis akong lumakad pero nagulat ako ng may umakbay sa akin. Tinignan ko naman. Si Unggoy lang pala.

"San punta mo pango?" Tanong niya. Kumulo naman ang dugo ko sa kanya. Tinabig ko lang ang kamay niya tsaka lumakad na ng mabilis para di niya ako maabutan. Di ko namalayan na nandito na pala ako sa room kaya pumasok na ako at umupo sa may likod. Ilang minuto lang ay dumating si Drake na pawis na pawis. May lumapit naman sa kanyang babae, si Lheane Bell Alexis ang pangalan niya. Isa sa mga taong gusto Kong patayin pero di na lang baka madumihan pa ang gorgeous hands ko sa kanya. Nagulat naman ang mga kaklase ko ng bigla niyang halikan si Drake sa lips. Ako naman eto, umiwas ng tingin, I'm too young to witness that thing. Pagkatingin ko ulit sa kanya ay nakangiti na parang aso yung si Lheane tapos si Drake naman nag-smirk sa akin. Ano akala niya? Selos ako? No way... Over my dead gorgeous body!!!!.. Pero inaamin ko nung hinalikan siya ni Lheane biglang kumulo ang dugo ko. Ano kaya nangyayari sa akin?
________________❄________________

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now