Chapter 3

6 2 5
                                    

Rain's POV:
     Pumunta naman ako sa kinaroroonan nila. Akalain mo nga naman, mga feeling gwapo rin sila eh. Dinaanan ko lang sila at napatigil naman ako ng marinig ang kakairita niyang boses.

"Rain!!!!! My beautiful sister!!!!!" Sigaw ng tukmol kong kuya. Nagulat naman ang mga ibang students rito.

"Wait may kapatid siya?"

"Infernes ang ganda niya"

"Like duh, mas maganda pa ako sa kanya noh"

"I can't believe may kapatid si Raxier"

  Bulong-bulongan nila. Agad naman akong umalis at pumuntang room. Pagkadating ko doon ay pumunta ako sa pinakalikod yung malapit sa bintana. Kinuha ko na lang ang earphones at phone ko para magpa-music. Kaklase ko yung mga kasama ko sa dorm yung apat lang. Maya-maya biglang may humampas ng pintuan ng malakas kaya napapunta ang atensyon ko sa kanila. Oo SA KANILA.. Ang Dark Phoenix lang naman ang nandito. Si Kuya at si Drake yung wala sa kanila. May bigla namang umupo sa tabi ko si Zach lang pala. Mabuti na lang kaklase ko siya. Isa pa toh, heartthrob rin to eh. Dumating naman si Prof. kaya umayos na ang mga kaklase ko.

"Good morning class" bati ni ma'am sa amin.

"Good morning ma'am" bati rin naman sa kanya.

"By the way, I'm Ma'am Demaisip, I'll be your adviser and math teacher" paliwanag ni ma'am.

"But for now, we will proceed to introducing yourselves, let's start at the back" sabi ni ma'am na which is me. Tumayo naman ako.

"I'm Rain Crystal Montevilla, Rain for short" sabi ko.

"So are you related to Mr. Raxier Montevilla?" Tanong niya. I just nodded as response. Napatango-tango naman siya at sumunod na si Zach.

"Hello everyone, I'm Zachary Lucas Park, Zach for short" pakilala niya at ngumiti. Kinilig naman ang mga kaklase Kong mga babae.

"My ghadddddd!!! Ang gwapo niya talaga!!!"

"Ang swerte ko naman at kaklase ko siya!!!"

"Sana maging close kami"

"Nakakahulog panty ang ngiti niya!!!! My ghaddd!!!"

"Sana wala pa siyang girlfriend"

   Umupo naman siya at umirap na lang ako. Tumawa naman siya ng mahina.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Naiirita kong tanong.

"Ang cute mo magselos" sagot niya at ngumiti. Yan na naman siya.

"Me? Jealous? No way, bakit naman ako magseselos?" Tanong ko pero deep inside nagseselos ako kanina. Ikaw ba naman, nilalandi ang boyfriend mo di ka ba magseselos.

"Just admit it" sabi niya at nag-pout. Tumango naman ako at napangiti siya.

Pagkatapos ng introducing- introducing chuchu... Ay umalis na si ma'am. Papunta ako ngayong mag-isa sa next subject ko. Hindi ko kasama si Zach kasi magkaiba kami ng schedule. Habang naglalakad ako ay may nabangga at kung minamalas ka nga naman oh.

Can I Have You Back? [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon